Tuesday, 20 October 2009

KAAWAY

Matagal na rin siyang hindi bumibisita. At hindi ko naman ipinagdarasal, inaasahan o pinapangarap na ako ay kanyang dalawin. Lahat ata ng kakilala ko ay galit sa kanya. Ibang klase kasi siya. Isa siyang Traidor.

Kaya nang kumatok siya noong Miyerkules, kaagad akong naghanda. Ginawa ko ang lahat ng paraan huwag lang siya makapasok. Pero nabigo ako. Kasabay ng kanyang pagdating ang mala-impyerno kong pakiramdam. Apektado ang trabaho ko pati ang personal na buhay. At dahil hindi pa rin siya umaalis sa loob ng tatlong araw, sinimulan na akong kabahan. Kaagad kong naisip na baka isa siya sa mga kaaway ko noong nakaraang pagbaha dahil kay Ondoy. Isa siyang salot.

Kaya, noong nakaraang Sabado, kaagad kong dinalaw ang isang matalik na kaibigan. Sinabi ang lahat ng impormasyon. Inilarawan ko ang kanyang katangian. Kaya lang, para makasigurado, pinayuhan akong bumalik sa araw ng Martes. Pero binigyan naman ako ng pang-depensa para hindi siya tuluyang makapanakit. Isa siyang malaking abala.

Matapos sundin ang payo ng isang mabuting kaibigan, unti-unting bumuti ang aking pakiramdam. Subalit kung paano nawala nag mala-impyernong damdamin, ay ang pagpasok naman ng kanyang alagang aso. Ang asong hindi nagpapatulog dahil sa kanyang walang sawang pagkahol. Marahil ay sa sobrang kating nararamdam. Isa siyang pasakit.

Ngayon, inaantay ko na naman ang resulta ng labtest. 6 na oras na akong tambay. anim na oras na inip na inip. VI na oras nang asar dahil kumakahol habang pinupunasan ang tumutulong sipon at kinukwento ang isang pambihirang kaaway--- Isa siyang TRANGKASO. (hindi naman siguro leptospirosis dahil wala na akong lagnat)

Sana ok ang labtest result...
Sana gumaling na ako....

7 comments:

Aris said...

Get well soon. I hope and pray that you will be fine. :)

period said...

pagaling ka po

gillboard said...

naku get well soon... sana nga'y simpleng trangkaso lang yan...

sabi kasi sa news, trangkaso eh sintomas ng leptospirosis...

Mac Callister said...

hope ur feeling good now

Maxwell5587 said...

get well soon. hope everything is ok. :)

elYAS said...

GEW WELL SOON. MALI MALI. SOONEST.

magpahinga ka kasi. wag ng mag tooooot. XP. maglaro ng psp. haha!

+++
@kuya dan:
sa isang la sallista. eeewew. haha!
iiih, bilisan mo na kasi!

bampiraako said...

Magaling na po ako. Salamat sa lahat.