"Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." Kapitan Sino, Bob Ong
.... Yan ang forwarded sms ni elYAS. Alam ko na merong Ika-7 libro si BO pero hindi ko alam kung kelan ilalabas. Isa ako sa mga avid reader ni BO. Kumpleto ako ng 6 niyang libro: ABNKKBNPLKo?!?, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at Mac Arthur. Kaya kinulit ko si bunso kung saan niya nabili. Bantayan bookstore daw. Saan yun? Salamat sa unlitxt promo ng Globe. Isa sa mga nakulit ko ay si Jinjiruks. Alam daw niya kung saan pero hindi niya matandaan. Waah. Nagtext pa ang isa:
Out of stock na sa Powerbooks. Meron daw sa MOA. Ala sa NBS.
Huh? WTF! Dahil siguro sobrang excited ako at ayaw magpahuli, pagkatapos ng tanghalian, kaagad naligo at sinubukan dalawin ang fully booked sa Gateway.
Miss meron na Kapitan Sino?
Meron na po. Pakitingnan sa Filipiniana section
Nagmadali naman ako. At nakita ko siya. Tiningnan ko muna nang matagal. Sabay sabi: Lagot ka sa akin. Kaagad ko siya kinuha at sinilip:
THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon
Hmmm... kaya niyang lagpasan ang pinakapaborito kong libro? (Libro ni Hudas). Binayaran ko ang P175.00 at binasa ang text ng kaibigan:
Ngek, ngayon mo lang alam? Noong May 13 pa meron. Masyado ka ata busy. Available na yan sa lahat ng bookstores.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Inisip ko na lang siguro kailangan ko ng superhero sa buhay. Para naman updated ako. o baka naman dapat ako ang maging superhero. Ewan. Basta pagkatapos nitong entry na to, babalatan ko na at aalamin ang husay ni KAPITAN SINO..