Thursday, 18 March 2010

Utak Moron

Matagal kang nawala. Ganyan siguro talaga kapag mataba at masaya masyado puso mo. Pero hinay-hinay ka lang. Traidor ang sakit sa puso. Buti na lang maalaga ang cardiologist mo. Ano na bang balita sa iyo? Asan na ang katas ng utak moron mo?

Pasilip nga?

7 taon na akong taxpayer: 2 taon sa Academe, 2 taong alipin ni Uncle Sam (Sprint) at 3 taong pagala-gala sa Eastwood. Natutunan ko na hindi lahat ng Matatalino ay Magagaling. Hindi lahat ng Magagaling ay Napapansin at hindi lahat ng Napapansin ay Deserving! (Nabasa ko yan sa FB account mo)

* Pambihira ang bago kong account. Kailangan kong mag-alay sa diyos at diyosa ng mga servers para mapadali ang pag-aaudit. Ayan tuloy, palagi akong Last Man Standing kapag last day of the week. Kakastress! 

* Sinubukan kong mag-apply sa Land Down Under. Me nakita lang akong Ad sa MB. Education Specialist daw. Hmmm, Iniisip ko baka ito na ang tinatawag nilang pagkakataon. Pero sabi sa reply ng application ko, Maybe Next Time. Siguro, dapat ko nang seryosuhin ang plano kong Graduate Studies. Ang hirap tumakas sa Comfort Zone. Waah kailangan ko pala i-renew ang PRC license ko.


* Patay na si peyups.com. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumana ng site. Hay, kakamiss ang pambihira at samo't saring opinyon. Di ko tuloy alam ang pulso ni Isko't Iska sa mga nangyayari sa mundo.

* Nagkita uli kami ni bunsong Yas at Kuya Jin pagkatapos ng napakatagal nang AkoMismo event. Tumambay lang sa Dampa at pinag-isipan ang summer trip sa Sagada.  Sana makasama talaga ako. Sana!

* 3 buwan na kami ni Pig. Ako nga pala si Piglet. Naging ugali na namin ang mag midnight snack sa Mcdo. Pig Pen ko ang bahay niya kapag RD. Sabay din naming pinanood ang IMYLC. Naging paborito ko na rin ang gusto niyang ARASHI group (Love so sweet). Paborito naming puntahan ang Kenny Rogers kapag gutom. Ayan o.



5 comments:

wanderingcommuter said...

this really hit home... funny kasi we almost have the same sentiments... smile lang!

an_indecent_mind said...

tagal nawala ahh??

welkam bak!

stupidient said...

Kenny Rogers, There's goodness here.
Namiss ko tuloy ang muffins at Classic Chicken.

kamusta. tagal mo nawala. o ako ang nawala at hindi kita makita,,

Jinjiruks said...

sa wakas, makikita ko na rin si Pig na pinakatatago mo.

Elias Jayson said...

hohohoooy! nasan si Pig! pigpen ka jan. kaya ka pla nagmamadaling umalis. haha! (:

kenny rogers, pengeng cheesy potatoooo!