Tuesday 17 November 2009

ANGAS

"No one can judge. Each person knows the extent of their own suffering or the total absence of meaning in their lives." ---- Paulo Coelho, Veronika Decides to Die

Akala ko hindi na kami magkikita. Akala ko matagal ko na siya nakalimutan. Pero, akala ko lang yun. Nandito na naman siya. Ginugulo ang aking isipan. Ang pagdating niya ay hindi ko inaasahan. Para siyang lason na unti-unting pumapatay sa aking kakarampot na pag-asa at binubuong pangarap.

Kahapon, habang pilit kong tinatapos ang libro n Gladwell na Blink. Bigla niya akong kinausap.

SIYA: Masaya ka ba?
AKO: Oo naman. May trabaho naman ako. Nabibili ko naman ang gusto ko. Madami naman akong kaibigan.
SIYA: Sigurado ka?

Bigla akong napahinto at napaisip. Masaya nga ba ako o pilit ko lang tinatakpan ang kalunkutan na bumabalot sa aking pagkatao dahil takot akong matuklasan ang totoo kong mararamdam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko sa buhay. Na para akong papel na tinatangay ng hangin, walang direksiyon. Dati ang sabi ko: "I want to make a difference in the lives and minds of young bloods and challenge their preconceptions and misconceptions". Pero dalawang taon na ang nakalipas, andito pa rin ako. Patuloy na nakikipaglandian sa mga bituin at buwan at nagtatago kay haring araw.

Kanina, habang inuulit ko ang New Moon ni Meyer, Tinanong niya uli ako.

Successful ka ba?

Hindi ako nakasagot. Muli akong napaisip. Masasabi ko bang successful ako? At bigla, parang ulan na bumuhos ang mga tanong sa aking napapagod nang utak.

Paano nga ba nasusukat ang tagumpay?
Ano ba ang batayan nito?
Sino ang nagdidikta? ang naghuhusga kung sino ang matagumpay at hindi?
Successful nga ba ako? o isang maangas na hindi alam ang gusto sa buhay?

Siguro si tama si Manong magtataho, Ate sa Isaw at Boy Barker na ang Konsepto ng Success na yan ay makulay pero puno ng pagkukunwari. Isa lang siyang social construct.

Hay! Sana bukas, wala na akong Angas.
Sana bukas, wala na tong nararamdaman ko.
Akala ko pa naman, tapos na ako sa maangas na
Quarterlife Crisis na to.

“Every time I find the meaning of life, they change it”


2 comments:

Yas Jayson said...

there are moments in our lives that we are to stop and think what have we done so far. do not worry. god does not ask too much. just follow you heart and do whatever makes you happy.

life is not about checklists.

remember bucketlist?

bampiraako said...

Salamat Bunso. Tandaan ko yan