Pagkatapos ng tatlong linggong pananahimik. Nang hindi pagpaparamdam o pagdalaw sa paboritong mundo ng blogosperya. Naging madamot ang trabaho sa pagpapahiram ng oras. Naging masyado akong masaya nitong nakaraang mga linggo para maisipang magsulat ng angas. (Na kadalasan kong gingagawa)..... Nagsusulat na naman ako
Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda. Matapos kabahan at matakot. Narito na naman ang di inaasahang banta. Akala namin "We're out of the woods". Pero dahil sa patuloy na pagbaba ng numero-ang batayan ng aming kagalingan, muling nabasa ang sulat ng paghahanda.... Mababawasan na naman kami.
Pagkatapos ng isang taon. Matapos mapagod sa kalalakad sa paghahanap ng mga pedeng ibigay. Matapos maubos ang 13th month pay mapasaya lang ang mga mahal sa buhay. Matapos masira ang healthy diet dahil sa mga masasarap na holiday food......Pasko na naman
Pagkatapos ng mahigit na isang taon.......
Uuwi ako sa probinsiya.
Makikita ko na naman si Nanay at ang makulit kong kapatid.
Makakahiga na naman ako sa aking sariling kama.
Mayayakap ko ang mga naiwan kong unan.
Makikita ko ang mga barkada at kaklase sa hayskul.
Masasabi ko: Masarap ang Buhay!
Good News & Bad News
4 days ago
6 comments:
Wow, going back to your roots, sarap naman na magbakasyon sa province, seeing familiar faces and reminiscing the past... it's a reunion with the families, friends and with nature.
Merry Christmas!!!
Merry Christmas!!!
maligayang pasko sa iyo pati na sa iyong pamilya. Let Christ be the reason over this season!
thats the spirit!
masarap mabuhay!
merry xmass and enjoy ur homecoming
Merry Christmas!
Para ka lang OFW na magbabalik-bayan ah! hehehehehe!
It's good to know you celebrated Christmas with your family :) hope you had a great time!
haha...kala ko nga rin ofw XD
grabe talaga ang mga kapitalista haha
Post a Comment