Friday, 22 January 2010

S-T-A-T-U-S


D** E**** went from being "single" to "in a relationship".

Rein F*******, Ecko Q****** and Jinjiruks Ikari like this.
wow...this is really is it...you care to name drop...hmmm
super like et...
hmm blind item

sino ang mahiwagang nilalang?
hahaha. mahiwaga talaga siya
si VIRGO ba ito?
Sino naman karelasyon mo pare?
wushu?
He is really in a relationship! take it from me..hehe


Ganito ang nangyari nang maisipan kong palitan ang isa sa mga detalye sa aking Facebook Account. Para akong nasa front page ng isang pahayagan. Hindi ko alam at maintindihan kung bakit isang malaking isyu ang pagpapalit ng status.

Para sa mahiwagang nilalang:

Salamat sa binigay mong damit. Sana nagustuhan mo rin ang unan ng paborito mong si Marvin The Martian.

Salamat sa pagiging sobrang mapagmahal. Kahit na ang kulit ko at ibang klase ang mood swings, lagi mo akong naiintindihan. Sana hindi ka mapagod. Natuwa akong makita na tinago mo yung box ng large french fries sa una nating midnight snack sa Mcdo na naging tambayan natin kapag gutom sa madaling araw.

Salamat sa pagiging alarm clock ko kapag kailangan ko nang pumasok.

Salamat sa pagpapahiram ng damit kapag tinatamad na akong umuwi sa bahay at kailangan kong pumasok. Susundin ko na ang palagi mong bilin na magdadala ng damit tuwing pupunta sa inyo.

Salamat sa hinanda mong paborito kong monggo. Excited na ako sa cooking bonding natin sa linggo.

Salamat....

Relationship is partnership. We should be working together to overcome the challenges. Relationship is not all about love. There are several concerns that we need to consider.

Friday, 15 January 2010

Adik


Main Entry: ad·dic·tion
Pronunciation: \ə-ˈdik-shən, a-\
Function: noun
Date: 1599
1 : the quality or state of being addicted


...Yan ang paliwanag ni Pareng Webster. Yan ang iyong nararamdaman kapag kasama sila. Yan ang tawag ninyo sa samahan at kayo ang mga adik. Gaano na ba kayo katagal? Matagal tagal na din. Akalain mo naging Adik ka sa loob ng 2 taon at sampung buwan. At ipinapanalangin mo na sana magtagal pa.

03122007- Ito ang simula ng lahat. Dito mo sila unang nakita, nakilala at nakasama. Iba't ibang pagkilala sa kanilang pag-uugali pero nagtiwala ka sa sinasabi nilang "small voices".

* Ang kalbong yun. Galing siya sa dati mong kumpanya. Tingin mo mukhang mabait.

* Isa pang kalbo. Akala mo nung una, anak siya ni Inang Kalikasan. (Berde ang dugo)Pero akala mo lang yun. Isa siyang malupit na adik.

* Ang HUGGABLE na babaeng yun. Masaydong siyang masaya kaya siguro malakas ang boses.

* Ang dyosa. Inakalang mataray. Magaling ang communication skills. First day pa lang trip mo na siyang maging ka-tropa.

Kayo ang bumubuo sa kakaibang samahan. Sa pambihirang barkadahan. Saksi ang bawat isa kung paano ang cramming session ni kalbo #2 nung kumuha siya ng NCLEX sa HK. (Salamat pala sa regalong Gorilla. Nakalambitin pa din siya sa backpack ). Sinuportahan ng tropa ang pagiging ganap na asawa ni kalbo#1. Sinugod ang Antipolo para maging saksi sa kanilang sumpaan matapos ang isang masalimuot na relasyon. Andun pa rin ang tropa nang siya ay maging tatay. Inalalayan at binigyan ng matitinding payo ang babaeng HUGGABLE dahil sa pagkakasangkot nito sa mga isyung sumubok sa kanyang pagkatao at samahan. Naging tagapagmatyag sa dyosa. Inabangan kung ano ang mangyayari sa kanyang lovelife. At ikaw.... ano ba ang alam nila sa'yo? Alam nila na frustrated filmmaker ka. Paborito ang pelikulang "Tuhog" ni Jeffrey Jeturian. Marami silang hindi alam.. Dahil ikaw ang pinakatahimik sa grupo. Dahil ikaw ay nagtatago.Pero malamang, alam nila ang iyong sekreto. Pero para sa mga ADIK, walang magbabago. (Alam na ng dyosa ang aklat ng buhay mo. At nagkaroon na ng ideya si kalbo# 2 dahil sa mga nakakalat sa basurahan mo)

Siguro... Namimiss mo ang tambay sa Eastwood.. Ang inuman gabi-gabi.. Ang fudtrip.. Movie trip.. Tambay... Kwento.. Paglalasing..

Masaya ang maging ADIK.. Dahil ang mga kabigan na kagaya nila... kakaibang ligaya ang dala.

Wednesday, 6 January 2010

Ginto

Ito ang ika-50 kong blog entry.

Gusto kong magkwento.

Ito ang mga biglang pumasok sa pagod na utak ko:

1. Gusto ko na ipagpatuloy ang MA ko sa Educ. Pinag-iisipan ko kong UP or PNU.
2. Masaya ako ngayon. Ngayong araw din na to ang 1st monthsary namin. Sana magtagal. Magkikita kami mamaya.
3. " I am ready to receive my DEATH CARD, unprepared to leave the quality memories but excited to confront the challenges of 2010" - yan ang naisip kong isulat sa facebook ko kanina.
4. Na-stranded ako sa Mindoro ng dalawang araw noong Jan 3, 2010. Badtrip. Worst roro experience.
5. Nagkasakit ako noong VL ko sa probinsiya. Di ko tuloy na-enjoy ang pagbabalik probinsiya ko. buti na lang magaling na ako. Miss ko na ang makulit kong kapatid at ang Nanay ko.
6. Ipapaayos ko ang lap top ko ngayon. Sana talaga. maayos na.
7. Madami akong kaibigan na may resignation anxiety. Hay!
8. Ang gastos ng holiday season. Di ko lam kung paano magkakasya ang pera/allowance ko hanngang next pay day.
9. Me bago akong cell phone, sapatos at damit. Parang bata haha. Regalo sa sarili.
10. Gusto ko na talaga magturo. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
11. Marami akong plano sa 2010. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan.
12. Hindi na ako iinom ng softdrink.
13. Iiwasan ko na ang alak.
14. Magtitipid na ako.
15. Di na ako gagamit ng Credit card. waaah. stressful.
16. Kailangan ko na mag-exercise. Mabilis akong mapagod.
17. Aayusin ko ang mga pictures ko. Gagawin ko ang scrapbook.
18. Aayusin ko na din ang resume ko. Kailangan kong i-update ang mga details ko online.
19. Kailangan ko i-renew ang PRC license ko.
20. Ipapamigay ko na ang mga damit na hindi ko na isusuot.
21. Gusto kong mag-aral ng bagong language. hmmm.
22. Gusto ko mag-aral magluto.
23. Bibigyan ko na ng time si bro. Bihira ko na lang siya dalawin.
24. Gusto kong maging Graduation speaker sa HS Alma Mater ko. Madami akong gustong sabihin sa mga parents at teachers.
25. Sana makapag-out of town ako this year. Gusto ko bumalik sa Sagada o kaya pumunta sa Ilocos.
26. Magbabasa na uli ako ng Bible.
27. Kakamustahin ko lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Bibisitahin ko sila.
28. Iiwasan ko na ang ice cream at chocolate.
29. Manood ako ng Cinemanila, Cinemalaya at Cine Europa. Matagal na akong hindi nakakapanood at nakakaatend ng ganitong mga events
30. Babasahin ko ang "The Secret" para mainspire uli ako.
31. Dadalawin ko uli ang UP Campus. kakain uli ako sa Rodics at tatambay sa sunken garden.
32. Update ko na din ang emails ko.
33. Papanoorin ko ang Avatar.
34. Magtitipid na ako sa load. Tatawag at tetext lang ako kung kinakailangan.
35. Lagi na ako bibili ng prutas.
36. I papabook bind ko yung mga notes ko ng college na hindi ko maitapon tapon.
37. Kakamustahin ko yung mga estudyante ko dati. Aalamin ko kung ano na nangyari sa kanila
38. Gusto kong umatend ng seminar/training.
39. Gusto kong manood ng UP Fair
40. Papadalhan ko ng Valentines/birthday/christmas card ang mga mahal ko sa buhay ngayong taon. Gusto ko maexperience uli ang pumunta sa post office.
41. Dadalawin ko yung mga teachers ko noong elementary at highschool.
42. Makikibalita ako sa mga dati kong dormmates sa Yakal.
43. Manonood ako ng PBA Game, Concert sa Araneta at Live UAAP Cheerdance
44. Gusto ko mag donate ng dugo.
45. Hindi na ako masyadong mag-kakape
46. Try kong magpahaba ng buhok.
47. Lagi ko na i-uupdate ang blogspot ko.
48. Lagi ko na isusuot ang eyeglasses ko para hindi na ako sabihang suplado.
49. Masaya ako ngayon.
50. Kakapagod magsulat.

“Stories are like fairy gold, the more you give away, the more you have.”