Thursday, 25 March 2010

QUALITY BA ANG QUALITY? (Markdowns at Coaching Opportunities ng isang QA)

Namumugto.
Pero tuloy pa rin.
Kahit parang may kalyo na
Ang ilalim ng yung mga mata.
Gabi-Gabi.
Naliligo ka ng kape.
Pero mukhang hindi smooth 
Ang epekto ng P70.00 KK coffee mo.

Nabibingi.
Pero sige lang.
Kahit tila bus terminal ang yung pakiramdam.
Samo't saring boses ang pinapakinggan.
Araw-araw.
Kumakain ka ng yosi.
Pero parang hindi kayang sindihan.
Ang lights ng iyong utak at kalamnan.

Namamanhid.
Pero ok lang.
Kahit na para kang usok sa EDSA
Lumulutang ang pagod na katawan.
Taon-Taon.
Pinapapak mo ang leave credits nyo.
Pero parang hindi kayang busugin.
Ang gutom mong mga adhikain.

*******************

5 taon ka ng Kolboy. 60 buwan na nakikipagharutan sa kliyenteng dayuhan. 1825 na araw na gabi-gabing naglalako ng pambihirang kakayahan. At yung naisip:

Ang buhay ay parang QA AUDIT. Mayroon tayong mga MARKDOWNS at COACHING OPPORTUNITIES. Meron ding RESOLVED at UNRESOLVED conflicts. Minsan ay HAPPY o BEST CALL. Minsan naman ay bumabaha ng IR o RED ALERTS. Pero lagi mong tinatanong, sa buhay ba kapag bumagsak, pede magfile ng DISPUTE? 

Saturday, 20 March 2010

Kahapon

Ang hirap kalimutan ....
Ang sarap balikan ....





Sana, Muling maging makulay ang samahan ...


Salamat sa alaala ng masayang kahapon!

Thursday, 18 March 2010

Utak Moron

Matagal kang nawala. Ganyan siguro talaga kapag mataba at masaya masyado puso mo. Pero hinay-hinay ka lang. Traidor ang sakit sa puso. Buti na lang maalaga ang cardiologist mo. Ano na bang balita sa iyo? Asan na ang katas ng utak moron mo?

Pasilip nga?

7 taon na akong taxpayer: 2 taon sa Academe, 2 taong alipin ni Uncle Sam (Sprint) at 3 taong pagala-gala sa Eastwood. Natutunan ko na hindi lahat ng Matatalino ay Magagaling. Hindi lahat ng Magagaling ay Napapansin at hindi lahat ng Napapansin ay Deserving! (Nabasa ko yan sa FB account mo)

* Pambihira ang bago kong account. Kailangan kong mag-alay sa diyos at diyosa ng mga servers para mapadali ang pag-aaudit. Ayan tuloy, palagi akong Last Man Standing kapag last day of the week. Kakastress! 

* Sinubukan kong mag-apply sa Land Down Under. Me nakita lang akong Ad sa MB. Education Specialist daw. Hmmm, Iniisip ko baka ito na ang tinatawag nilang pagkakataon. Pero sabi sa reply ng application ko, Maybe Next Time. Siguro, dapat ko nang seryosuhin ang plano kong Graduate Studies. Ang hirap tumakas sa Comfort Zone. Waah kailangan ko pala i-renew ang PRC license ko.


* Patay na si peyups.com. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumana ng site. Hay, kakamiss ang pambihira at samo't saring opinyon. Di ko tuloy alam ang pulso ni Isko't Iska sa mga nangyayari sa mundo.

* Nagkita uli kami ni bunsong Yas at Kuya Jin pagkatapos ng napakatagal nang AkoMismo event. Tumambay lang sa Dampa at pinag-isipan ang summer trip sa Sagada.  Sana makasama talaga ako. Sana!

* 3 buwan na kami ni Pig. Ako nga pala si Piglet. Naging ugali na namin ang mag midnight snack sa Mcdo. Pig Pen ko ang bahay niya kapag RD. Sabay din naming pinanood ang IMYLC. Naging paborito ko na rin ang gusto niyang ARASHI group (Love so sweet). Paborito naming puntahan ang Kenny Rogers kapag gutom. Ayan o.