Tuesday, 22 September 2009

Bomba

The word "now" is like a bomb thrown through the window, and it ticks...... Arthur Miller

Matagal din akong nawala. Biglang naglaho sa magulo subalit makulay na mundo ng blogosperya. Habang patuloy na naglalakbay sa panibagong hamon ng pagiging bampira, ibat' ibang digmaan ang aking nasaksihan. Dahil ito'y isang digmaan, samo't saring armas ang aking nasilayan. Ibat'ibang bomba ang sumabog sa aking katauhan at positibong kamalayan. May malakas, may mahina at may ibang sumugat at nag-iwan ng pilat-tanda at alaala ng pakikidigma.

1. Natalo Ang UP Pep Squad sa 2009 CDC. Nabigo ang aking pinakamamahal na unibersidad na iuwi ang inaasam na 3-peat. Gayunpaman, ang kanilang ipinakitang galing ay lalong nag-paalala kung bakit astig ang kulturang UP. Iba talaga ang State U.

2. Sira ang mga gadgets ko. hindi ko magamit ang inaasahan kong Laptop. Mukhang magpapaalam na din ang matagal kong naging karamay na digicam- ang saksi sa makulit at madrama kong paglalakbay. At si kaibigang Samsung D900i mukhang ayaw nang gumising sa coma. Pati headset sa Globe prepaid phone ko, nilayasan ako. Iba talaga ang hagupit ng malupit na krisis. Hindi ko kayang ipagamot ang mga naghihingalo kong gadgets.

3. Unti-unting lumalaki ang numero sa Bill statement ko. Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero kapag hindi ko pa to naagapan, baka sumabog na lang ang utak ko sa kakaisip kung paano ito babayaran. Hay! Dapat in the next 2 years, burado na si CC at mataba na uli si BDO. Ngayon kasi, kakatakot ang pagiging malnourished niya.

4. Pinanood ko ang In My Life. Sana mapanood din ito ng Nanay ko. Kasi pinakita ng pelikula ang lahat ng bomba na gusto kong pasabugin. Gusto ko palang hiramin ang sinabi ni Mark kay Aling Shirley: I can't apologize for who I am. I can only say sorry for hurting you. At para naman sa tatay ko: Ang hirap maging anak, lalo na if you turn out to be a big disappointment.

5. Ilang buwan mula nang makilala ko ang aking naging bagong pamilya. Isang makulit subalit masasabing kong DE-KALIDAD, DE- KALIBRE. Pero ngayon, parang akong kriminal na naghihintay ng hatol. Ilang araw na lang, tatanghalin na ang BIG FOUR! Hayaan niyo, paglabas ko ng Confession room, babalitaan ko kayo!

Ilan lang yan sa mga bombang tumatak sa aking isipan. Sa totoo lang may mas malakas na pagsabog pero siguro, pinili ko yun na kalimutan dahil sa lalim ng sugat na naiwan. Pero ganun talaga siguro. Ang mga bombang ito ay mga paalala at nagpapatunay na ang buhay ay isang Digmaan.