COLLEGE YEARS: SWIM OR SINK?".. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan. UP lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.." excerpts of commencement speech given by Ryan Cayabyab to the graduating class of 2005 U.P.-- Ito ang pinangarap mong pamantasan. Ang pinapaniwalaan mong magbibigay ng sagot sa napakadami mong katanungan noong sinimulan mo ang byaheng utak. Iniyakan mo pa ito dahil sa mga balakid sa iyong planong paglalakbay sa mapanghamon na pamayanan ni Oble.
"Wag na dun, magiging fratman ka lang... puro rally lang ang alam ng mga tao doon.. UP is an overrated university..UP will make or break you..magulo doon...Magiging aktibista ka lang" Ikaw ang nasunod. Wala silang magawa. Buong tapang mong binitbit ang gintong medalya na inaasahan mong maging sandata upang simulan ang madugo, makulay at kakaibang ikatlong yugto ng paglalakbay. Handa kang palayain ang iyong kamalayan. Handa ka na sa panibagong biyaheng utak!
1998-44859. Ito ang plate number ng buhay mo sa biyaheng UP. Ito ang tatak ng iyong pagkatao. Laman ng
form 5 kung saan nakalista ang mga dapat pag-aralan o gabay sa pagtupad ng pangarap. Makikita din ang numerong ito sa iba mo pang mahahalagang dokumento at isa na dito ay ang
Bluebook-- Ang pinakamurang notebook sa balat ng lupa sa halagang P2.00.
Ito ang saksi ng iyong madugong pakikibaka sa ibat-ibang uri ng utak ng mga demonyo sa Math Bldng, alien sa College of Science, showbiz personalities sa Arts and Letters at ibang pang mga taong naging bida at kontrabida sa mundo ng
GE subjects. Sa mundong ito hinasa ang iyong utak upang magkaroon ng tinatawag na tatak isko/iska-ang common denominator ng mga apo ni Oble. Ito ang mundo kung saan kakulitan mo ang lahi nina plato/marx at iba pa sa soc sci 2, kumapal ang mukha mo sa art of public speaking sa comm 3, nakitsismis ka sa eskandalo ng buhay ni Rizal sa PI 100. Teka, umatend ka ba talaga ng STS class sa CS Aud? Ito rin ang pinag-aawayan at iniiyakan tuwing Registration dahil pahirapan sa slot. Ang
Reg Period ang pinakamadugong panahon sa iyong buhay. Dito mo nasaksihan ang iba't ibang mukha ng pinoy sa panahon ng kagipitan. Nandiyan ang siksikan, tulakan, dayaan sa pila at kadalasan ay luhaan dahil walang slot. Sa panahong ginawa mo na ang lahat at hindi ka pa rin nakapag-
enlist,
Prerog (Teacher's Prerogative) ang iyong huling pag-asa. Naranasan mo na ito sa iyong soc sci 2 kung saan pumunta ka sa unang araw ng klase nakipila, nagmakaawa at nagpabibo na parang papasok sa bahay ni kuya. Isa ka sa mga mapalad na maging biktima ng Prof na araw araw ay nagbabalasa ng class card. Ang bawat pagkikita ay isang
academic adrenalin rush. Kaya pagdating ng finals, na-aapreciate mo ang poetry.
You think you shall never see a grade as lovely as three.Mga bagay na hindi mo makakalimutan:**
Ang maging Bionicman. Kailangan mo lumipad mula isang building papunta sa kabila sa panahong naging tanga ka. Ang Registration ay isang napakahalagang desisyon. Kailangan mo isaalang-alang ang oras, subject, prof, prereq, requirement ng subject at building kung saan magaganap ang klase. Note: sadista ang karamihan sa mga prof. Iniisip nila, subject lang nila ang kinukuha mo sa boung sem.
** Ang isaw ni Mang Larry sa kalay, BBQ sa Beach House, SpicyChickenSilog sa Rodics, Ang tipid meals sa Aristo
Carts lalo na sa likod ng Eng'g, Thai food sa IC na lumipat sa balara, Unlimited rice sa Mang Jimmy's, food trip sa KNL, lutong bahay sa Area 2, tambay sa chocolate kiss, COOP Canteen, exotic food sa University Arcade at sino ang hindi nakakain sa CASAA, tusuk-tusok the fishballs at abangan ang monay na may palamang cheese ni manong potpot.
** Oblation run na minsan mo lang napanood, ang pag-aabang sa galing ng FA tuwing Lantern Parade, ACLE, Sem break issue ng Kule, UP Fair, iniation ng mga University Orgs neophytes. UAAP Cheerdance, Live AIDS ng samaskom, pakiki-usyuso sa Eng'g week, Faces sa Yakal, manood sa Film center, org-sponsored events, maging neophyte sa org, tambay hours
** Enlistment, Reg Period, CRS, tambay sa library hanggang hatinggabi, matulog sa Sunken Garden, tambay sa Lagoon, jogging sa Acad oval, maglakad sa betaway pag gabi, tambay sa AS steps, pumila sa AS 101, pumila sa 2nd flr ng PNB building, photocopy sa shopping center, magic cards sa harap ng lib, sumalampak kahit saan, sumali sa welga
** Cram sa papers, departmental exam sa Nat Sci, pakikipagtalo sa classmate at sa prof, pagpupuyat sa math exam tapos bagsak pa din, critical paper, term paper, reaction paper, nakakatawang graffiti sa upuan/cr/pader, pagkuha ng classcard sa FC, pakikipag-agawan sa reserved section, ikot, toki, pagpasok na nakapambahay, powerpoint presentation sa sts
hay...... nakakamiss ang Kulturang UP!
Ano ang natutunan mo?Natutunan mo na marami ka pang hindi alam. Na hindi lahat ng matalino ay magaling. Natutunan mo kung paano mabuhay at mahalin ang buhay. Dito nabuo ang iyong prinsipyo, lumawak ang iyong mundo, nahasa ang iyong utak, nawasak at natuwa ang iyong puso, nagkaroon ng kulay ang iyong pagkatao.
Ang klasrum, libro, required readings, boses ni prof, angal ni klasmeyt, utak ng iskolar sa iba't ibang bahagi ng Pinas, palitan ng ideya sa kung anuman, pakikipagtalo .... ang nagpalaya sa iyong kamalayan, nagbigay liwanag sa iyong kaisipan. Pero ang acad oval, ikot, toki, paglalakad, pakikibaka, pagpila, bagsak na grades, kulang na allowance, pawis, kaba, takot at minsang pagluha .... ang nagbigay tatag at tibay sa iyong kalooban.
Gaya ng palagi mong sinasabi, dito mo natutunan ang tatlong
S sa buhay:
Sacrifice, Service at
Survival.Salamat Oble!
12 comments:
enjoy talaga college life... there's a certain freedom na di mo makukuha nung nasa high school ka pa.
naiinggit ako sa iyo..kasi naranasan mo ang buhay UP
UP ka pala. kala ko sa PUP ka. buti kapa noh nakapasok sa UP nde kasi ako nag UPCAT dahil hindi pa ako sure sa course na kukunin ko. pero pag may chance na mag-aral ako. siguro sa UP kukuha ako ng archaeology - dream course ko!
Iba talaga pag undergrad mo ang UP no? Mga puno lang ang na-aappreciate ko sa unibersidad na yun..
batang-UP ka din pala... :)
ang dami talagang pagbabago sa sarili mo pag nakapasok ka sa eskwelahang yun...
nga pala, P3.00 na ang blue book ngayon...hehe:)
iba talaga ang buhay State U. kung high school ang pinaka-masaya, college ang pinaka-memorable.
bagamat magkaiba tayo ng campus (baguio ako), damang dama ko pa din ang kulturang UP sa post na ito. ngayon ko palang actually naiintindihan kung ano yung mga post mo, dahil dito na ako nagmamasters...
haaay napakanostalgic. salamat sa pagpapaalala.
2002-58875 :)
Waah. I tried forgetting those years. huh!
Nalusaw ang utak ko sa physics and math subjects. iba -iba lang ang pangalan. pero hell! lang naman. :)
ayokong alalahanin, pero nostalgic talaga.
i miss college life too.. ang kulit!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
at ganito pala ang buhay isko. interesting :-p
naaliw ako sa post na 'to. naisip ko tuloy gaano ka simple lang ang buhay noong college pa ako. malayo sa ngayon ;-(
tama si Mr. C, UP lang ang may Toki. sana sa buhay may ganun din. baka dun lagi ako sasakay.
gusto ko idagdag (lalo na kung dormer ka): yung tinapay na tinawag na "putok" na pinipilihan sa mga dorms pag gabi, yung carcinogenic burger sa labas ng Yakal, inuman sa labas ng Film Center.
tama ka rin: hindi lahat ng matalino ay magagaling.
Post a Comment