Wednesday, 22 July 2009

QUALITY Voice

"I am not a fault-finder. I am here to help you find the best answers and strategies in order to stretch your capabilities, sharpen your abilities and maximize your potentials" .......................

Ilang araw na ang nakaraan mula nang tanggapin mo ang bagong hamon at subukang umakyat sa hagdan. Mahigit na ata 3 linggo. Naalala mo pa ba ang una mong naramdaman? Ang sabi mo nalungkot ka. Marahil dahil maiiwan mo na ang mga bagay na nagbibigay sa'yo ng kakaibang kalinga at pag-aalaga. Matagal mo na din naging kaibigan si comfort zone di ba? Pero nang huli tayong mag-usap, unti-unti mo nang nakikilala at nakakapalagayang loob ang bago mong kaibigan, si courage. Matagal mo na siyang nakikita kaya lang masyado kang mahiyain. Di ba maraming pangyayari at pagkakataon na nagkrus ang inyong landas?

Kaya ng banggitin mo ang mga katagang ito. (tingin sa itaas) Napangiti na lang ako. Unti-unti ko nang nakikita ang pag-usbong ng isang matatag na manlalakbay. Marahil kasabay ng patuloy na pagbiyahe ng iyong utak, ay ang pagiging malakas at matapang ng iyong kalooban.

....................... " We will work as a team. We will not tolerate mediocrity. We will challenge and excite those who are lagging behind. We can!"

Thursday, 16 July 2009

HAGDAN


Naranasan mo na ba umakyat sa puno?
Nasubukan mo na bang bumiyahe sa RORO?
e ang bumaba sa fire exit galing 27th floor?

............

Dati kapag umaakyat ako ng puno ng duhat, aliw na aliw ako sa taas. Mahangin kasi, presko ang pakiramdam. Kapag umuuwi naman ako sa probinsiya, laging RORO ang sinasakyan ko. Mahaba ang biyahe, nakaupo lang sa bus pero sigurado ka na pagbaba mo, nasa bahay ka na. Pero nang subukan kong bumaba mula 27th floor, malutong na mura ang sinisigaw ng isip ko. Panay ang reklamo ng aking mga biniti.

Nang marating ko ang ground floor, muli kong tiningnan ang fire exit; ang hagdan na naging saksi ng tahimik na paghihimagsik ng aking damdamin at panghihina ng aking mga tuhod. At mula doon sa kinatatayuan ko, aking naisip, ang buhay din pala ay parang hagdan. Kailangan mong umakyat at bumaba para magkaroon ng pagbabago. Dahil kong nakaupo ka lang sa mga baitang nito at susuko dahil sa pagod, walang mangyayari. Naisip ko din na ang hagdan ay parang career/ambisyon/pangarap. Marami ang gustong umakyat sa pinakamataas, dahil sa taas, tanaw mo ang lahat. Malawak ang sakop ng iyong mata. Kaya siguro iba ang dating kapag sinabing sa penthouse siya nakatira. Ang pag-akyat ay pedeng gawin sa ibat'ibang paraan. Merong sumasakay sa service elevator kaya walang abala. Meron namang pumipila sa elevator na kailangang dumaan sa bawat palapag. Tinitiis ang init at siksikan maabot lamang ang pinakamataas. At meron din na ang tanging paraan ay dumaan sa hagdan at tiisin ang pagod. Pero paano ang pagbaba? Paano kung nasira ang service elevator? Kakayanin kaya nila ang bumaba ng hagdan sa fire exit?

Lumabas na ako ng building na nakangiti. Napagod ako pero naaliw sa pagbaba. Dahil kasama ko ang makulit na officemate. Nakasalubong ko ang dating teammate. At lubusan kong naunawaan, madali lumaban sa hamon ng buhay kapag me kasama. Sa ngayon, natutuwa ako sa nakikita kong tanawin sa 27th floor. Masarap sa pakiramdam ang paminsan-minsan ay sumasakay ng service elevator at natutuwa ako sa iba't ibang mukha at damdamin sa loob ng nagsisiksikang elevator. At alam ko, patuloy akong aakyat ng puno, sasakay ng roro at siguro, minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon, muli akong bababa ng hagdan sa fire exit.... pero HANDA AKO.

Monday, 13 July 2009

Weak Heart


I have the biggest ear but smallest tonque

I listen hard but speak so soft

Effective listening is my bestfriend

and

Public speaking is my worst enemy


....................

Kung makakabili lang ng lakas ng loob, sisigawan kita!
kaya lang, bingi ka na.
May nagmamay-ari na ng yung mga tainga.
sayang! ang tagal kong naging pipi.


Friday, 3 July 2009

Parekoy

Pareng Blogspot,

Hoy! Musta ka na? Namiss kita. Tagal nating hindi nagkita. Mahigit ata isang linggo. Pasensiya na parekoy, naging masyadong busy ako. 18 araw na ang dumaan mula nang malipat ako sa bagong department. Ayun, ok naman. Masaya sila kasama. Makukulit. Medyo madaming trabaho pero nakakatuwa kasi para na rin akong nagtuturo. Sabi nga nila, ang tipid ko daw magsalita. Di nila alam, madaldal ako lalo na pag kausap kita. Ang sarap mo kasi kausap. Lagi mo ako pinapakinggan. Di ka nagsasawa sa mga angas , kakulitan at kakornihan ko. Namiss ko na din ang mga kaibigan natin. Matagal ko na din hindi sila nadalaw. Di na tuloy ako updated sa samo't saring kwento ng buhay, pag-ibig, career at kalibugan. haha. Yaan mo pag naka-adjust na ako sa bagong schedule, babawi ako sa'yo. Dami kasi akong gusto ikwento sa'yo. Alam ko, dami ka din gusto ibalita sa akin.

Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan. Napanood ko na pala ang Tansformers. Ok naman. Balak ko din panoorin ang Ice Age 3. At hindi ko palalagpasin ang Harry Potter. Sinisimulan ko na din basahin ang regalo ng mga Wonder Women. Naalala mo noong birthday ko, binigyan nila ako ng libro: Blink (Power of thinking without thinking) ni Gladwell at Eleven Minutes ni Paolo Coelho. Binigyan din ako ni insan ng scrapbook, pag me oras, aayusin ko na ang mga masasarap na alaala. Nakakalungkot din yung balita kay MJ. Excited na din pala ako sa UAAP Season 72.

Ayan medyo napasarap usapan natin. haha. Sa susunod na yung ibang balita. Love? haha Hindi pa ata ako ready. Mas ok yung ganito. Takot pa din ata ako sa commitment. Pero medyo masaya naman ako ngayon. O sige, ingat lagi. Kitakits na lang. Be the best!

Makulit na kaibigan,

Bampiraako