Tuesday, 14 April 2009

Wonder Women


In my friend, I find a second self. ~ Isabel Norton


Friend...Mare...Dyosa...Lady Elle.... Yan ang tawag niya sa inyo. Wonder Women ng kulay rosas na buhay niya. Kayo ang nagsisilbing road signs sa kanyang mahaba at pasikot-sikot na paglalakbay; Eye shades upang maging banayad ang pagkasilaw sa liwanag ng pagkatuklas, pagtutuklas at tutuklasing sarili. Kayo ang may pinakamalaking tenga na walang sawang nakikinig sa kanyang kakornihan at naiirita sa kanyang kabaliwan at pinakamaking boses na nagbubulyaw o kumakantyaw sa mga panahon na siya'y nabibingi o napipipi. At dahil sa pambihira ninyong kagandahan, nararapat lamang na kayo ay pasalamatan. Sa inyong espesyal na araw (Abril15 at 19), isang pagpupugay ang ilalaan dahil kayo ang QUEEN ELIZABETH at JOAN OF ARC ng kanyang kasaysayan.

QUEEN ELIZABETH-- Di niya matandaan kung paano siya nakapasok sa iyong kaharian. Ang alam lang niya sa unang pagkakataon na nasilayan niya ang iyong kagandahan at narinig ang kakaibang lakas ng iyong tinig, nasabi niya sa sarili na ikaw ay kabilang sa dugong maharlika. Isa sa mga
pedeng pagkatiwalaan ng kanyang natatanging katauhan.Di nga siya nagkamali dahil ang unang thursday group bonding sa fazolis ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong pansamantalang makatakas sa kanyang nilikhang kulungan na naglalayong protektahan ang kanyang sarili sa mapanghusgang mata at saradong isipan. Lumipas ang maraming huwebes hanggang ito'y maging linggo. Ang thursday group ay naging dakilang araw para kay bro at ang fazolis ay pinalitan ng pizza hut. Saksi ang paborito ninyong pizza, pasta at kakaibang husay mo sa sining ng pag-iimbestiga sa unti-unting pagbubukas niya ng janyang johari window. Nakakatuwang isipin na sa maraming beses na siya ay iyong pinahamak dahil sa kinagigiliwan mong bungee jumping, naging matapang siya sa pagharap sa kanyang kinatatakutan-ang kanyang sarili. May mga pagkakataong nasaktan mo siya pero labis siyang nagpapasalamat sa iyong pagtanggap at paalala. Saludo siya sa iyong katapangan at kakaibang lakas sa pagharap sa hamon ng buhay. Naging inspirasyon ka sa kanya. Tinuruan mo siya kung paano lumaban at maging matapang.

JOAN OF ARC--- Naalala mo pa ba ang kwento ng sundae? Ito ang tatak ng kanyang panghihina. Kaya sa araw na kanyang sinuko ang pakikipaglaban sa sarili, sundae ang kanyang kaulayaw habang maingat na ibinabahagi sa'yo ang kasaysayan ng kanyang pakikidigma. Hindi niya alam kung paano ka pasasalamatan. Labis siyang natutuwa at naging magiliw kang tagapakinig at saksi sa kwento ng ubas, ang alaala ni Japs, pangungulit ni school bum at pamamaalam kay Aquinas. Para kang diary ng kanyang buhay. Alam mo kung paano siya nagsimula, kung paano niya hinahanap ang kanyang sarili at paano siya natatakot na hindi siya matanggap. Alam mo ang dahilan kung bakit siya masaya, naiinis, natutuwa, kinikilig o natatawa. Dahil sa iyong pag-unawa at pagtanggap, nagiging madali sa kanya ang pagkilala at pagmahal sa sarili. Dalangin niya nawa'y hindi ka magsawa na samahan siya sa kanyang iba pang pakikipaglaban. Alam mo ba, hinahangaan ka niya sa angkin mong katalinuhan. Tunay ngang nag-iisa kang lyka at Dyosa sa buhay niya.

Para sa inyong dalawang mahalagang babae sa kanyang buhay, maraming salamat sa walang sawang pag-unawa sa aking kaibigan. At ikaw, kaibigan ko, sorry sa lahat ng aking pagkukulang. Yaan mo, kapag sobrang matapang ka na. Sasamahan kitang sabihin sa kanila kung sino ka talaga.


9 comments:

wanderingcommuter said...

aaawwww... you're lucky to have them

gillboard said...

Sorry, slow lang... birthday ba ng iyong mga wonder women? Kung oo, maligayang kaarawan... kung hindi, well, kung sino man Siya... siya ay masuwerte at meron siyang wonder women...

bampiraako said...

@wander..Salamat po sa pagdalaw. Lucky Me! hehehe

@Gillboard...Bday po ngayon ni Queen Elizabeth (April 15) me sakit siya.huhuhu. Sana gumaling siya kagad. Si Joan of Arc naman nakaleave. (April 19) Birthday niya. Malapit na din po Birthday ko. (huh?)Salamat sa iyong pagbati sa Wonder Women..

Luis Batchoy said...

duro gid nga salamat sa paghapit sa akun blog.Idugang ta na ikaw sa listahan sang mga blog nga akun ginabasa lagi kag tani udugang mo man ako sa imo. Balik balik ka pirmi ha!

Spot a Leopard said...

Whoa...nice dates memory there dude

Herbs D. said...

i wish the women these days would act like Wonder Women and not like the Virgin mary.

do i need to elaborate? do the logic.

Herbs D. said...

p.s. i'll get to get me some girlfriends soon. palagi nalang bayot eh hahaha

The Pope said...

Belated happy berdey sa mga Wonder Women mo, sayang nahuli ako ng pagbati, at advance hapi berdey naman sa iyo kaibigang Bampiraako, kelan ang party?

bampiraako said...

@luis- salamat gid sa paghapit. sige agtunan ta lang kaw.

@shurikenstuff- hehehe. memorable kasi.

@herbs- thanks for dropping by. Am lucky to have these wonder women. hope you can have your wonder women too.

@pope-- salamat sa pagbati sa mga wonder women. malalaman mo din kung kelan ang party. hehehe