Sorry Bro. It's 4 out of 3. 4 UP's and 3 downs. 1)Hindi ko napigilang uminom ng paborito kong kape. Puyat at tensyonado kasi. Tingin ko kailangan ko talaga ng dagdag ng lakas ng loob. Pakiramdam ko isa akong Jeep na kailangan ng gasolina para umandar. 2) Di ko kinayang magpatay ng telepono. Hay! Tsk!..Tsk!.. Nakayanan ko nga wag magtext (dahil siguro ala ako load..) Pero di ko nakayang wag buksan, silipin at basahin ang mga pang-aakit nina lil bro, big bro, hot, super hot at supernova. Mahina ako. Mahinang-mahina. at 3) Ang ingay-ingay ng
brain cells ko. Madaming gusto ikwento. Madaming gusto isulat. Gustong maglakbay ng diwa ko. Gustong inumin ang
creative juices ng iba. Kaya ayun,
blog hopping ako at eto, sinusulat ang pagkabigo at pag-amin na hindi naging mabisa ang pito-pito ko. Gayunpaman, napagtanto ko na hindi kailangan ng espesyal na araw para maging mabait, mas mabuti o higit na banal. (o baka palusot lang ako.hehehe)
Pero tingin ko, 7 talaga ang lucky number ko. Paano isa sa mga text messages na nabasa ko ay galing kay insan:
Seven (7) UP's for a Wonderful Life. Nagkaroon tuloy ako ng pag-asa. Siguro ito ang
7 signs para madali kong mapatawad ang sarili ko sa pagiging mahina..(Masyado ata akong seryoso sa pito-pito penitensiya ko). Kaya pagkatapos ng pito-pito, subukan ko naman uminom ng
7 UP. Baka ito ang mabisang pamatid-uhaw sa ala
sahara desert na buhay at adventures ko. (Narito ang kabuuan ng message ni insan)
1. Wake UP! ... Decide to have a good day.
2. Dress UP! ... Put on a smile each day.
3. Shut UP! ... Learn to listen.
4. Look UP! ... To the Lord.
5. Stand UP! ... For what you believe in
6. Reach UP! ... For something higher.
7. Lift UP! ... Your prayers.
Pagkatapos ko basahin ang text ni insan, naisip ko na parang may kulang. Madami atang
UP's sa ating makulay na buhay. Sa panahon ngayon, ang buhay at ang mabuhay ay parang isang
UPrising! Ang pakiramdam ng nakararami sila ay na
hohold UP. Siguro dahil sa hindi
UP-to-date na serbisyong pampubliko,
UPshot ng korapsyon, ang pag
level UP ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pati na rin ang patuloy na paglayo ng agwat sa pagitan ng masa at
UPperclass. Kaya siguro lalo pang lumalakas ang
UProar ng mga nasasaktan at tumitindi ang banta ng
UPheaval.
Siguro naman hindi pa huli para mawala at mabago ang
UPside down nating kalagayan. Pede pang i-
UPgrade ang hindi kagandahang
UPbringing. Kailangan lang natin siguro i-
UPlift ang ating mga sarili para mas maging
UPbeat tayo sa pagiging
mentally, spiritually, morally, culturally at socially UPright. Subukan nating i-
UPhold at i-
live UP ang mga aral ng pagpapasakit sa krus ni Bro. Isa itong matibay na sandata para huwag kaagad mag
give UP sa samo't saring hamon ng buhay.
Para kay Bro, sorry po sa
UPset ng pito-pito
Para sa sarili ko, i
-bottoms UP ang
7 UP
At para sa lahat,
cheer UP !.... Sana maging makabuluhan ang ating Good Friday.
4 comments:
Parang sumakit ang mata ko na tila nagpenitensya sa mga naghalu-halong UPs words mo, but I find your post UPright.
A blessed Holy Week my friend.
@ The Pope, paumanhin po.
weeepeee...nakabalik din ako sa wakas... salamat parekoy sa pagbista kay supergulaman... Happy Easter parekoy...salamat din sa pag-add...na add n din kita...^_^
emote emotan din ang drama ko ngayon weekend. happy easter parekoy.
Post a Comment