Pareng Blogspot,
Hoy! Musta ka na? Namiss kita. Tagal nating hindi nagkita. Mahigit ata isang linggo. Pasensiya na parekoy, naging masyadong busy ako. 18 araw na ang dumaan mula nang malipat ako sa bagong department. Ayun, ok naman. Masaya sila kasama. Makukulit. Medyo madaming trabaho pero nakakatuwa kasi para na rin akong nagtuturo. Sabi nga nila, ang tipid ko daw magsalita. Di nila alam, madaldal ako lalo na pag kausap kita. Ang sarap mo kasi kausap. Lagi mo ako pinapakinggan. Di ka nagsasawa sa mga angas , kakulitan at kakornihan ko. Namiss ko na din ang mga kaibigan natin. Matagal ko na din hindi sila nadalaw. Di na tuloy ako updated sa samo't saring kwento ng buhay, pag-ibig, career at kalibugan. haha. Yaan mo pag naka-adjust na ako sa bagong schedule, babawi ako sa'yo. Dami kasi akong gusto ikwento sa'yo. Alam ko, dami ka din gusto ibalita sa akin.
Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan. Napanood ko na pala ang Tansformers. Ok naman. Balak ko din panoorin ang Ice Age 3. At hindi ko palalagpasin ang Harry Potter. Sinisimulan ko na din basahin ang regalo ng mga Wonder Women. Naalala mo noong birthday ko, binigyan nila ako ng libro: Blink (Power of thinking without thinking) ni Gladwell at Eleven Minutes ni Paolo Coelho. Binigyan din ako ni insan ng scrapbook, pag me oras, aayusin ko na ang mga masasarap na alaala. Nakakalungkot din yung balita kay MJ. Excited na din pala ako sa UAAP Season 72.
Ayan medyo napasarap usapan natin. haha. Sa susunod na yung ibang balita. Love? haha Hindi pa ata ako ready. Mas ok yung ganito. Takot pa din ata ako sa commitment. Pero medyo masaya naman ako ngayon. O sige, ingat lagi. Kitakits na lang. Be the best!
Makulit na kaibigan,
Bampiraako
Pooh Bottoms Pt. 4 (video preview)
3 days ago
10 comments:
sino kaya si parekoy?
well, namiss ko ang mga post mo..ingat palagi
Ayus!! nagbalik ka!! :D
Di ako fan ng harry potter but I might watch Ice Age 3! :)
hmm i like both. HP at Ice Age!
Its nice to see you back, we'll always be here waiting for your next post.
Happy weekend.
Heto ok naman. Namuiss rin kita! Kaw musta na?
Namiss mo ko parekoy? namiss din kita eh lolzz
busy ba masyado? ayos lang yan.. ang importante naman eh masaya ka sa buhay mo.. kahit di mo mashare lahat sa blogosperyo...
parekoy! haha... oo nga, sino nga kaya si parekoy no? (pareho lang tayo ng tanong pareng jinjiruks) :)
sarap ng may kaibigan hehehe...
Post a Comment