Naranasan mo na ba umakyat sa puno?
Nasubukan mo na bang bumiyahe sa RORO?
e ang bumaba sa fire exit galing 27th floor?
............
Dati kapag umaakyat ako ng puno ng duhat, aliw na aliw ako sa taas. Mahangin kasi, presko ang pakiramdam. Kapag umuuwi naman ako sa probinsiya, laging RORO ang sinasakyan ko. Mahaba ang biyahe, nakaupo lang sa bus pero sigurado ka na pagbaba mo, nasa bahay ka na. Pero nang subukan kong bumaba mula 27th floor, malutong na mura ang sinisigaw ng isip ko. Panay ang reklamo ng aking mga biniti.
Nang marating ko ang ground floor, muli kong tiningnan ang fire exit; ang hagdan na naging saksi ng tahimik na paghihimagsik ng aking damdamin at panghihina ng aking mga tuhod. At mula doon sa kinatatayuan ko, aking naisip, ang buhay din pala ay parang hagdan. Kailangan mong umakyat at bumaba para magkaroon ng pagbabago. Dahil kong nakaupo ka lang sa mga baitang nito at susuko dahil sa pagod, walang mangyayari. Naisip ko din na ang hagdan ay parang career/ambisyon/pangarap. Marami ang gustong umakyat sa pinakamataas, dahil sa taas, tanaw mo ang lahat. Malawak ang sakop ng iyong mata. Kaya siguro iba ang dating kapag sinabing sa penthouse siya nakatira. Ang pag-akyat ay pedeng gawin sa ibat'ibang paraan. Merong sumasakay sa service elevator kaya walang abala. Meron namang pumipila sa elevator na kailangang dumaan sa bawat palapag. Tinitiis ang init at siksikan maabot lamang ang pinakamataas. At meron din na ang tanging paraan ay dumaan sa hagdan at tiisin ang pagod. Pero paano ang pagbaba? Paano kung nasira ang service elevator? Kakayanin kaya nila ang bumaba ng hagdan sa fire exit?
Lumabas na ako ng building na nakangiti. Napagod ako pero naaliw sa pagbaba. Dahil kasama ko ang makulit na officemate. Nakasalubong ko ang dating teammate. At lubusan kong naunawaan, madali lumaban sa hamon ng buhay kapag me kasama. Sa ngayon, natutuwa ako sa nakikita kong tanawin sa 27th floor. Masarap sa pakiramdam ang paminsan-minsan ay sumasakay ng service elevator at natutuwa ako sa iba't ibang mukha at damdamin sa loob ng nagsisiksikang elevator. At alam ko, patuloy akong aakyat ng puno, sasakay ng roro at siguro, minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon, muli akong bababa ng hagdan sa fire exit.... pero HANDA AKO.
10 comments:
naranasan kong umakyat baba mula 32nd floor noong bagyong Milenyo...
la lang ayoko lang patalo... hahaha
joke!!!
naranasan kong bumaba sa 565 steps service stairs nung nag-OJT ako sa isang hydroelectric power plant kasi naiwan ako ng cable car...
siguro lang, sa bawat pag-akyat at pagbaba natin sa ating mga hagdan, gaano man kataas at tila nakakabagot, importanteng imulat natin ang ating mata at isipan... i-enjoy ang bawat paghakbang...
dahil maaring iyon na ang una at huling pagtapak natin sa baitang na iyon..
di ako papayagang umakyat XD haha...sa tapat ng bahay namin may puno ng duhat...
When I was growing up in my lola's house in the province mahilig ako umakyat sa mga puno ng mangga at iba pang puno ehehe!! malikot na bata ako hehe!! :D
hmmmmmm
pero paano na ang sinasabi nila na what comes up, must go down? papayag ka bang bumaba ng hagdan ulit?
ang ganda naman ng ginawa mong paghahambing. agree ako sa realizations mo about life. :)
Subukan mo na ring magslide. mas exciting!:D
maganda talagang may kasama...
haha. naranasan ko na ang bumaba ng stairs from 30th floor. haha. nagutom ako.
haha. naranasan ko na ang bumaba ng stairs from 30th floor. haha. nagutom ako.
Post a Comment