Hindi ka makapagsalita
Wala kang masabi
Hindi mo kayang sumigaw
Wala kang boses
.....
Hindi mo ako marinig
Wala kang maintindihan
Hindi mo inunawa
Wala kang pakialam
.....
Nawala na ang iyong boses
Napagod na ang kanyang mga tainga
.....................
Sinubukan ko. Akala ko handa ako makipaglaro sa nakakatukso mong hamon. Pero masyado akong nalibang. Hinahanap ko ang tinig, ang imahen na binuo ng aking imahinasyon. Pero hindi ko namalayan tapos na pala ang laro. At ito ako, hinahanap ang sarili dahil sa pagkakataong ito, NATALO AKO!
Pooh Bottoms Pt. 4 (video preview)
3 days ago
7 comments:
isa sa natutuhan ko ngayon ang huwag maglaro... para sa mga bata lang yun... pero pag matanda na... chances are, meron masasaktan...
masyado kang nadala sa laro, na sa sobrang pag-eenjoy mo e nakalimutan mong laro nga lang pala ang lahat...
bigyan mo lang ng pagkakataon ang sarili mo na matanggap ang pagkatalo at realidad... makakabangon ka rin..
Aba dapat maging handa kung susuong sa isang LARO.
dahil palaging may panalo at talo. alin man sa dalawa ang makuha, dapat walang pagsisising magaganap!
wala kang mgagawa gnyan talaga ang laro,tnggapin mo nlang ang iyong pagkatalo,bumangon ka at bumawi sa susunod na pagkakataon bsta wag ka lang susuko, :)
ganun talaga... minsan nakakalimot ka na laro lang pala ang lahat... minsan akala mo hindi na matatapos ang laro... tapos sa huli, malalaman mo na lang na tapos na pala ang lahat at ikaw pala yung talo...
ikaw yung talo kasi masdayo kang nagpadala sa laro... masyado mong sinseryoso yung laro kahit na ALAM mo naman na laro lang talaga ang lahat at yung kalaro mo eh KALARO lang din talaga ang hanap...
ang laro, eh LARO lang talaga... madalas na may talo at may panalo... pero pwede mong piliin na manalo - yun ay kung magaling kang makipaglaro...
cheers... :)
Tsk. tsk. I think magaling rin namn ako maglaro. :)
napagod knba sa paglalaro niyo at naisipang tigilan na ito dahil ikaw lagi ang taya at napapagod sa huli?
Post a Comment