Thursday, 25 March 2010

QUALITY BA ANG QUALITY? (Markdowns at Coaching Opportunities ng isang QA)

Namumugto.
Pero tuloy pa rin.
Kahit parang may kalyo na
Ang ilalim ng yung mga mata.
Gabi-Gabi.
Naliligo ka ng kape.
Pero mukhang hindi smooth 
Ang epekto ng P70.00 KK coffee mo.

Nabibingi.
Pero sige lang.
Kahit tila bus terminal ang yung pakiramdam.
Samo't saring boses ang pinapakinggan.
Araw-araw.
Kumakain ka ng yosi.
Pero parang hindi kayang sindihan.
Ang lights ng iyong utak at kalamnan.

Namamanhid.
Pero ok lang.
Kahit na para kang usok sa EDSA
Lumulutang ang pagod na katawan.
Taon-Taon.
Pinapapak mo ang leave credits nyo.
Pero parang hindi kayang busugin.
Ang gutom mong mga adhikain.

*******************

5 taon ka ng Kolboy. 60 buwan na nakikipagharutan sa kliyenteng dayuhan. 1825 na araw na gabi-gabing naglalako ng pambihirang kakayahan. At yung naisip:

Ang buhay ay parang QA AUDIT. Mayroon tayong mga MARKDOWNS at COACHING OPPORTUNITIES. Meron ding RESOLVED at UNRESOLVED conflicts. Minsan ay HAPPY o BEST CALL. Minsan naman ay bumabaha ng IR o RED ALERTS. Pero lagi mong tinatanong, sa buhay ba kapag bumagsak, pede magfile ng DISPUTE? 

Saturday, 20 March 2010

Kahapon

Ang hirap kalimutan ....
Ang sarap balikan ....





Sana, Muling maging makulay ang samahan ...


Salamat sa alaala ng masayang kahapon!

Thursday, 18 March 2010

Utak Moron

Matagal kang nawala. Ganyan siguro talaga kapag mataba at masaya masyado puso mo. Pero hinay-hinay ka lang. Traidor ang sakit sa puso. Buti na lang maalaga ang cardiologist mo. Ano na bang balita sa iyo? Asan na ang katas ng utak moron mo?

Pasilip nga?

7 taon na akong taxpayer: 2 taon sa Academe, 2 taong alipin ni Uncle Sam (Sprint) at 3 taong pagala-gala sa Eastwood. Natutunan ko na hindi lahat ng Matatalino ay Magagaling. Hindi lahat ng Magagaling ay Napapansin at hindi lahat ng Napapansin ay Deserving! (Nabasa ko yan sa FB account mo)

* Pambihira ang bago kong account. Kailangan kong mag-alay sa diyos at diyosa ng mga servers para mapadali ang pag-aaudit. Ayan tuloy, palagi akong Last Man Standing kapag last day of the week. Kakastress! 

* Sinubukan kong mag-apply sa Land Down Under. Me nakita lang akong Ad sa MB. Education Specialist daw. Hmmm, Iniisip ko baka ito na ang tinatawag nilang pagkakataon. Pero sabi sa reply ng application ko, Maybe Next Time. Siguro, dapat ko nang seryosuhin ang plano kong Graduate Studies. Ang hirap tumakas sa Comfort Zone. Waah kailangan ko pala i-renew ang PRC license ko.


* Patay na si peyups.com. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumana ng site. Hay, kakamiss ang pambihira at samo't saring opinyon. Di ko tuloy alam ang pulso ni Isko't Iska sa mga nangyayari sa mundo.

* Nagkita uli kami ni bunsong Yas at Kuya Jin pagkatapos ng napakatagal nang AkoMismo event. Tumambay lang sa Dampa at pinag-isipan ang summer trip sa Sagada.  Sana makasama talaga ako. Sana!

* 3 buwan na kami ni Pig. Ako nga pala si Piglet. Naging ugali na namin ang mag midnight snack sa Mcdo. Pig Pen ko ang bahay niya kapag RD. Sabay din naming pinanood ang IMYLC. Naging paborito ko na rin ang gusto niyang ARASHI group (Love so sweet). Paborito naming puntahan ang Kenny Rogers kapag gutom. Ayan o.



Thursday, 25 February 2010

Top 3 Romantic Movies

3. The Notebook (2004)

"Read this to me, and I'll come back to you"

Plot: A poor and passionate young man falls in love with a rich young woman and gives her a sense of freedom. They soon are separated by their social differences.

Sabi ng Bampira: Ito na siguro ang pinakagusto ko sa lahat ng libro ni Nicholas Sparks na ginawang pelikula. At kahit "signature ending" na niya ang death, ito ang may magaan sa loob na "signature ending". Bagay talaga kina Rachel McAdams at Ryan Gosling ang characters nina Noah at Allie. Cute nila tingnan. Galing ng editing at story telling ng pelikula. Sulit ang haba ng movie. Pinakagusto kong scene yung inexplain ni old Noah sa mga anak niya kung bakit di siya umuuwi. Gusto ko din yung "It wasn't over. It still isn't over!" scene nila sa lake pati na rin yung nagsayaw sila tapos biglang naalala/natandaan ni Allie si Noah at sinabi niya na "Do you think I can be her tonight?"

Noah: I am nothing special; just a common man with common thoughts, and I've led a common life. There are no monuments dedicated to me and my name will soon be forgotten. But in one respect I have succeeded as gloriously as anyone who's ever lived: I've loved another with all my heart and soul; and to me, this has always been enough.


2.Got 2 Believe (2002)

"You never say sorry for loving someone, you never say sorry for loving me..."

Sabi ng Bampira: Itoang pinakagusto kong pelikula ni Rico Yan at Claudine Barreto. Kakalungkot nga lang at last movie na to ni Rico Yan. Naisip ko lang hollywood version nga ba nito ang 27 Dresses (2008)? o nagkataon lang na pareho sila ng concept. Gandang ganda ako sa bahay nila Claudine dito sa Tagaytay. Super cute ng movie. No wonder #1 movie siya of 2002

Toni (Claudine): "Alam mo, hindi ko alam kung ano ang mas mahirap, ang pag-aralang mahalin ang taong nagmamahal sa'yo o ang umasang mamahalin ka ng taong mahal mo."
Karen (Nikk Valdez): "Friend, Mr. Perfect can not necessarily be Mr. Right."



1. Love Actually (2003)
It's All About Love... Actually.

Plot: Follows the lives of eight very different couples in dealing with their love lives in various loosely and interrelated tales all set during a frantic month before Christmas in London, England.

Sabi ng Bampira: Gaya nga ng sabi nila: Love Actually is not a love story, it is a story about love. Love that reinvents itself, multiplies itself, opens itself up, and even devastates. Para sa akin astig kung paano naconnect ang 8 different kinds of love. Galing ni Emma Thompson dito. Gusto ko yung proposal scene ni Colin Firth sa Portugese Girl. Saka yung kay Keira Knightley. Astig din ng sound track. Perfect romantic movie.

Saturday, 20 February 2010

I Crave






Saturday, 13 February 2010

BigaTEN: Favorite ROMANTIC Movies


10.
Wicker Park (2004)

"Love makes you do crazy things, insane things. Things in a million years you'd never see yourself do. But there you are doing them... can't help it."

Plot: A young Chicago advertising executive believes a woman he sees in a café is his long-lost love. His conviction leads to obsession, as he puts his life on hold to trail her.

Sabi ng Bampira: Napanood ko rin ang original french version nito na L'appartement (Andun si Monica Belluci. Ganda niya dito). Sobrang nagalingan ako sa original version kaya lang sobrang nagulat at nalungkot sa ending. Sobrang bigat sa pakiramdam. Kahit na hindi ganun na ka-ok ang treatment sa hollywood version, nagustuhan ko siya kasi happy ang ending. Hopeless romantic lang talaga siguro ako.



9. The Cutting Edge (1992)

"Man and woman together make flower. Douglas, you are stem. Katya, you are petal. Together, we make flower."

Plot: Kate is talented and spoiled. She and her coach have eliminated her most recent figure skating partner with little time to find a replacement. None of the candidates will do, and her coach finds a college hockey player with no figure skating experience as a last possibility. The two are from totally different worlds and argue constantly, but his strong work ethic brings both her father and her coach around. The two enter international competition trying out a new routine that is dangerous for each of them as their respect for each other finally begins to grow.

Sabi ng Bampira: VHS ko pa to unang napanood. Dito ko unang nagustuhan si Moira Kelly (Kaya pinanood ko din yung With Honors) Sobrang daming chessy lines din. Gusto ko yung love-hate relationship nila.

Kate Mosley: I love you.
Doug Dorsey: Just remember who said it first

Kate: What do you do, shower once a week?
Doug: Is that an invitation?




8. Pretty Woman (1990)

"I appreciate this whole seduction thing you've got going on here, but let me give you a tip: I'm a sure thing. "

Plot: A man in a legal but hurtful business needs an escort for some social events, and hires a beautiful prostitute he meets... only to fall in love

Sabi ng Bampira: Napanood ko din to sa VHS collection namin. At sino ang hindi makakalimot sa long legs ni Vivian Ward? Para sa akin, isa yun sa pinakasweet na movie character. Gusto ko yung eksena na binalikan at tinarayan niya ang snobbish shop. The best din yung eksena sa Hotel lobby. Napaka gorgeous ni Julia sa Red gown niya. Gusto ko maging room mate si Richard Gere.

Shop assistant: Hello, can I help you?
Vivian: I was in here yesterday, you wouldn't wait on me.
Shop assistant: Oh.
Vivian: You people work on commission, right?
Shop assistant: Yeah.
Vivian: Big mistake. Big. Huge. I have to go shopping now.



7. Keulraesik (The Classic) 2003

Plot: It tells the story of Ji-hye, a university student who discovers a secret box filled with old letters while her mother is traveling overseas. As she explores its contents, she comes to learn of her mother's first love affair, a story which closely parallels her own situation at the university.

Sabi ng Bampira: Pinanood ko ang movie na to dahil kay Jo In Sung (Paolo, Memories of Bali) Pero sobrang nagustuhan ko siya. Effective yung flashback sa pagbuo ng story. Ang cute ng lovestory ng parents nila. Trivia: sa Pinas daw shinoot yung war scenes.



6. Dahil Mahal na Mahal Kita (1998)

Sabi ng Bampira: Gusto ko dito ang maldita image ni Claudine. Ang galing niya dito. Bumili pa talaga ako ng kopya nito. Para itong Mula sa Puso-Reunion. Naawa naman ako sa character ni Diet sa ending.

Ryan: Mela alam mo bang ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko …
Mela: Thank you …
Ryan: Wala na siguro akong mamahaling iba gaya ng pagmamahal ko sa iyo … And all my life I will regret the day that I lost you …
Mela: Ryan …
Ryan: Shhh … I will not force you naman eh … maghihintay ako para sa iyo … Baka dumating yung isang araw, pag-gising mo, baka sakaling muli pang tumibok yan para sakin …

-----------------

Miguel: Ok lang kaya kung ligawan kita? … Can you please give me one more chance to love you? … Please?
Mela: Maybe …
Miguel: Mukha ba kong tanga?
Mela: Hindi, mukha kang chewing gum na masarap nguyain …



5. Il Mare (2000)

Plot: Eun-joo moves out of her house "Il Mare", leaving behind a Christmas card for the eventual new owner of the house in 1999. In it she asks him/her to forward any mail of hers to her new address in the city. It is 1997 and Sung-hyun, the first owner of "Il Mare" is moving in and finds in his mailbox the Christmas card from Eun-joo. Thinking it was a joke, Sung-hyun leaves her a letter telling her so and reminds her that its 1997 not 1999. Eventually the two realize that they are separated by two years of time but can somehow communicate through the mailbox and begin to form a friendship through their letters

Sabi ng Bampira: Ganda ng Cinematography nito. D best ang korea seaside. Dahil sobrang love ko yung movie na to, di ko na pinanood ang Hollywood version nito na Lake House.



4. One More Chance (2007)

"Sometimes, it's better that people break up - so they can grow up. It takes grown-ups to make relationships work"

Sabi ng Bampira: Ang galing ng movie at ng cast. D best si JLC. Galing din ni Maja sa breakup lines niya. D best si Vanessa Valdez sa swabe ng kwento. Dami kong natutunan. Gusto ko yung eksena sa stop light nang biglang tumugtog yung "Nanghihinayang". Ganda din ng eksena sa hospital. Ang galing ng sinabi ni Popoy sa kaibigan niya.

"kung nakaya ko, kaya mo rin... naaaalala mo nung akong nandyan.... o e dibat ikaw pa nagsabi sa akin na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka meron bagong darating na mas ok....na mas mamahalin tayo... yung taong di tayo sasaktan at paaasahin....ung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin... nang lahat ng mali sa buhay mo.... "

Ayoko lang ng Biogesic dialogue. Masyadong pinilit. Ang cute ng barkadahan nila. Dahil dito, me monthsary na rin ang tropang adik namin. Para sa akin, magandang ending na rin sana yung nasa UST grounds sila. Pero malamang, maraming mga hopeless romantic ang maiinis.

Popoy: Eh ano nga kasi ang problema??
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! ako yung problema! Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan … Sana kaya ko nang tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? Ako yung may gusto … Sana kaya ko nang sabihin sa iyo na masaya ako para sa iyo, para sa inyo … Sana kaya ko … Sana kaya ko, pero hindi eh … Sama sama kong tao kasi ang totoo, umaasa pa rin ako sa piling mo … Sana ako pa rin …Ako na lang … Ako na lang ulit
Popoy: Mahal ko si Trisha …
Basha: Alam ko, alam ko …
Popoy: Basha: Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.


Sa susunod na entry na lang ang aking Top 3. Hmmm......... Pareho kaya tayo ng paborito?
*** salamat sa IMDb para sa plot summary.
sa Google.com para sa mga pictures.

Tuesday, 9 February 2010

3some!

1. Halalan 2010

Simula na ang kampanya. Nakapag-isip ka na ba?

Sabi nga ng isa sa mga makulit na Peyups.com member:

Sino ang iboboto mo?

Villar: poorboy
Gibo: richboy
Gordon: amboy
Erap: chickboy
Noynoy: mama's boy
Jamby: tomboy

2. OSCARS 2010

Inilabas na ang listahan. Nakapili ka na ba?

Sino ba ang dapat manalo?

Avatar o The Hurt Locker?

Meryl Streep o Sandra Bullock?

3. HIV/AIDS

Dumadami na ang biktima. Nagpacheck ka na ba?

Positibo ka ba?

Sabi sa komersiyal:

Tink positib, wag kang aayaw

Ngayon na ang simula ng kampanya. Kung ikaw man ay aktibo sa pulitika, busy sa showbiz o maalaga sa kalusugan. Kumilos ka!

Monday, 1 February 2010

UP FAIR 2010

Salamat Peyups.com
Tara na! P90.00 lang ang bayad sa astig at kakaibang saya!

Tuesday February 9 - SISFIRE - Juan, Vote!

UP Sigma Beta Sorority and UP Economics Society bring you Sisfire7: Juan, Vote! on February 9, the first day of the UP Fair 2010... Kamikazee, 6cyclemind, Kjwan, Sandwich, Sugarfree, Itchyworms, Moonstar88, Silent Sanctuary, Typecast, Paraluman, Pedicab, DeLara, Soapdish, Markus Hiway, Protein Shake, Franco, Paramita, Giniling Festival. This event will surely take entertainment and social awareness to a new level. Wednesday,

February 10 - WARFAIR - Alert The Armory

UP Alpha Sigma Fraternity presents Alert The Armory on February 10... Urbandub, Greyhoundz, Chicosci, Slapshock, Stonefree, Salamin, Hilera, Giniling Festival, Blue Boy Bites Back, December Avenue, Valley of Chrome, April Morning Skies, Cog, Imbue No Kudos, Even, Subscapular, The Ambassadors, Inday Bote.

Thursday, February 11 YESTHURSDAY

UP Circle of Entrepreneurs presents a concert advocating peace and paying tribute to the 90's music... Parokya nI Edgar, Kamikazee, Typecast, Sandwich, Itchyworms, Sugarfree, Silent Sanctuary, Moonstar88, Chicosci, Spongecola, Hilera, Stonefree, 6cyclemind, Mayonnaise.

Friday, February 12 - RAKESTRA - Harmony Amidst Chaos

UP Beta Epsilon presents Harmony Amidst Chaos on February 12... Sugarfree and Silent Sanctuary accompanied by Manila Symphony Orchestra... Kamikazee, Slapshock, Sponge Cola, Typecast, Chicosci, Valley of Chrome, 6cyclemind, Queso, Sandwich, Zelle, Mayonnaise, Moonstar 88, Itchyworms, Soapdish, Rocksteddy, Up Dharma Down, Boy Elroy, Franco, Pitik, April Morning Skies, Danita, Imbue No Kudos, Imago, Syato, Bloodsheed, Cog, Pink Painted Sky, Sin.

Saturday, February 13 - YOUTHSTOCK - Rock, Role, Rights!

Sunday, February 14 - LOVERAGE - Illumine Nation

Adelfe Enu Crea Sorority, Pan Xenia Fraternity, UP Circuit, and UP 49ers presents Illumine Nation on February 14... Rico Blanco, Sugarfree, Sandwich, 6cyclemind, Imago, Itchyworms, Callalily, Silent Sanctuary, DeLara, Paraluman, Pedicab, Blue Ketchup, Soapdish, Markus Highway, Ciudad, Aurora, Tanya, Ernville, Up Dharma Down, Chicosci, Kjwan, Giniling Festival, Moonstar88, Zelle, Stonefree, Top Junk, Brownman Revival, Rocksteddy.

Friday, 22 January 2010

S-T-A-T-U-S


D** E**** went from being "single" to "in a relationship".

Rein F*******, Ecko Q****** and Jinjiruks Ikari like this.
wow...this is really is it...you care to name drop...hmmm
super like et...
hmm blind item

sino ang mahiwagang nilalang?
hahaha. mahiwaga talaga siya
si VIRGO ba ito?
Sino naman karelasyon mo pare?
wushu?
He is really in a relationship! take it from me..hehe


Ganito ang nangyari nang maisipan kong palitan ang isa sa mga detalye sa aking Facebook Account. Para akong nasa front page ng isang pahayagan. Hindi ko alam at maintindihan kung bakit isang malaking isyu ang pagpapalit ng status.

Para sa mahiwagang nilalang:

Salamat sa binigay mong damit. Sana nagustuhan mo rin ang unan ng paborito mong si Marvin The Martian.

Salamat sa pagiging sobrang mapagmahal. Kahit na ang kulit ko at ibang klase ang mood swings, lagi mo akong naiintindihan. Sana hindi ka mapagod. Natuwa akong makita na tinago mo yung box ng large french fries sa una nating midnight snack sa Mcdo na naging tambayan natin kapag gutom sa madaling araw.

Salamat sa pagiging alarm clock ko kapag kailangan ko nang pumasok.

Salamat sa pagpapahiram ng damit kapag tinatamad na akong umuwi sa bahay at kailangan kong pumasok. Susundin ko na ang palagi mong bilin na magdadala ng damit tuwing pupunta sa inyo.

Salamat sa hinanda mong paborito kong monggo. Excited na ako sa cooking bonding natin sa linggo.

Salamat....

Relationship is partnership. We should be working together to overcome the challenges. Relationship is not all about love. There are several concerns that we need to consider.

Friday, 15 January 2010

Adik


Main Entry: ad·dic·tion
Pronunciation: \ə-ˈdik-shən, a-\
Function: noun
Date: 1599
1 : the quality or state of being addicted


...Yan ang paliwanag ni Pareng Webster. Yan ang iyong nararamdaman kapag kasama sila. Yan ang tawag ninyo sa samahan at kayo ang mga adik. Gaano na ba kayo katagal? Matagal tagal na din. Akalain mo naging Adik ka sa loob ng 2 taon at sampung buwan. At ipinapanalangin mo na sana magtagal pa.

03122007- Ito ang simula ng lahat. Dito mo sila unang nakita, nakilala at nakasama. Iba't ibang pagkilala sa kanilang pag-uugali pero nagtiwala ka sa sinasabi nilang "small voices".

* Ang kalbong yun. Galing siya sa dati mong kumpanya. Tingin mo mukhang mabait.

* Isa pang kalbo. Akala mo nung una, anak siya ni Inang Kalikasan. (Berde ang dugo)Pero akala mo lang yun. Isa siyang malupit na adik.

* Ang HUGGABLE na babaeng yun. Masaydong siyang masaya kaya siguro malakas ang boses.

* Ang dyosa. Inakalang mataray. Magaling ang communication skills. First day pa lang trip mo na siyang maging ka-tropa.

Kayo ang bumubuo sa kakaibang samahan. Sa pambihirang barkadahan. Saksi ang bawat isa kung paano ang cramming session ni kalbo #2 nung kumuha siya ng NCLEX sa HK. (Salamat pala sa regalong Gorilla. Nakalambitin pa din siya sa backpack ). Sinuportahan ng tropa ang pagiging ganap na asawa ni kalbo#1. Sinugod ang Antipolo para maging saksi sa kanilang sumpaan matapos ang isang masalimuot na relasyon. Andun pa rin ang tropa nang siya ay maging tatay. Inalalayan at binigyan ng matitinding payo ang babaeng HUGGABLE dahil sa pagkakasangkot nito sa mga isyung sumubok sa kanyang pagkatao at samahan. Naging tagapagmatyag sa dyosa. Inabangan kung ano ang mangyayari sa kanyang lovelife. At ikaw.... ano ba ang alam nila sa'yo? Alam nila na frustrated filmmaker ka. Paborito ang pelikulang "Tuhog" ni Jeffrey Jeturian. Marami silang hindi alam.. Dahil ikaw ang pinakatahimik sa grupo. Dahil ikaw ay nagtatago.Pero malamang, alam nila ang iyong sekreto. Pero para sa mga ADIK, walang magbabago. (Alam na ng dyosa ang aklat ng buhay mo. At nagkaroon na ng ideya si kalbo# 2 dahil sa mga nakakalat sa basurahan mo)

Siguro... Namimiss mo ang tambay sa Eastwood.. Ang inuman gabi-gabi.. Ang fudtrip.. Movie trip.. Tambay... Kwento.. Paglalasing..

Masaya ang maging ADIK.. Dahil ang mga kabigan na kagaya nila... kakaibang ligaya ang dala.

Wednesday, 6 January 2010

Ginto

Ito ang ika-50 kong blog entry.

Gusto kong magkwento.

Ito ang mga biglang pumasok sa pagod na utak ko:

1. Gusto ko na ipagpatuloy ang MA ko sa Educ. Pinag-iisipan ko kong UP or PNU.
2. Masaya ako ngayon. Ngayong araw din na to ang 1st monthsary namin. Sana magtagal. Magkikita kami mamaya.
3. " I am ready to receive my DEATH CARD, unprepared to leave the quality memories but excited to confront the challenges of 2010" - yan ang naisip kong isulat sa facebook ko kanina.
4. Na-stranded ako sa Mindoro ng dalawang araw noong Jan 3, 2010. Badtrip. Worst roro experience.
5. Nagkasakit ako noong VL ko sa probinsiya. Di ko tuloy na-enjoy ang pagbabalik probinsiya ko. buti na lang magaling na ako. Miss ko na ang makulit kong kapatid at ang Nanay ko.
6. Ipapaayos ko ang lap top ko ngayon. Sana talaga. maayos na.
7. Madami akong kaibigan na may resignation anxiety. Hay!
8. Ang gastos ng holiday season. Di ko lam kung paano magkakasya ang pera/allowance ko hanngang next pay day.
9. Me bago akong cell phone, sapatos at damit. Parang bata haha. Regalo sa sarili.
10. Gusto ko na talaga magturo. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
11. Marami akong plano sa 2010. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan.
12. Hindi na ako iinom ng softdrink.
13. Iiwasan ko na ang alak.
14. Magtitipid na ako.
15. Di na ako gagamit ng Credit card. waaah. stressful.
16. Kailangan ko na mag-exercise. Mabilis akong mapagod.
17. Aayusin ko ang mga pictures ko. Gagawin ko ang scrapbook.
18. Aayusin ko na din ang resume ko. Kailangan kong i-update ang mga details ko online.
19. Kailangan ko i-renew ang PRC license ko.
20. Ipapamigay ko na ang mga damit na hindi ko na isusuot.
21. Gusto kong mag-aral ng bagong language. hmmm.
22. Gusto ko mag-aral magluto.
23. Bibigyan ko na ng time si bro. Bihira ko na lang siya dalawin.
24. Gusto kong maging Graduation speaker sa HS Alma Mater ko. Madami akong gustong sabihin sa mga parents at teachers.
25. Sana makapag-out of town ako this year. Gusto ko bumalik sa Sagada o kaya pumunta sa Ilocos.
26. Magbabasa na uli ako ng Bible.
27. Kakamustahin ko lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Bibisitahin ko sila.
28. Iiwasan ko na ang ice cream at chocolate.
29. Manood ako ng Cinemanila, Cinemalaya at Cine Europa. Matagal na akong hindi nakakapanood at nakakaatend ng ganitong mga events
30. Babasahin ko ang "The Secret" para mainspire uli ako.
31. Dadalawin ko uli ang UP Campus. kakain uli ako sa Rodics at tatambay sa sunken garden.
32. Update ko na din ang emails ko.
33. Papanoorin ko ang Avatar.
34. Magtitipid na ako sa load. Tatawag at tetext lang ako kung kinakailangan.
35. Lagi na ako bibili ng prutas.
36. I papabook bind ko yung mga notes ko ng college na hindi ko maitapon tapon.
37. Kakamustahin ko yung mga estudyante ko dati. Aalamin ko kung ano na nangyari sa kanila
38. Gusto kong umatend ng seminar/training.
39. Gusto kong manood ng UP Fair
40. Papadalhan ko ng Valentines/birthday/christmas card ang mga mahal ko sa buhay ngayong taon. Gusto ko maexperience uli ang pumunta sa post office.
41. Dadalawin ko yung mga teachers ko noong elementary at highschool.
42. Makikibalita ako sa mga dati kong dormmates sa Yakal.
43. Manonood ako ng PBA Game, Concert sa Araneta at Live UAAP Cheerdance
44. Gusto ko mag donate ng dugo.
45. Hindi na ako masyadong mag-kakape
46. Try kong magpahaba ng buhok.
47. Lagi ko na i-uupdate ang blogspot ko.
48. Lagi ko na isusuot ang eyeglasses ko para hindi na ako sabihang suplado.
49. Masaya ako ngayon.
50. Kakapagod magsulat.

“Stories are like fairy gold, the more you give away, the more you have.”