Tuesday, 28 April 2009

Bad Astronaut



You promised me a flight to the moon

You nurtured me with warmth of the sun

But in a speed of light ......

You turned me into a falling star

And now ....

I am lost in space...

********

Hey Bad Astronaut: I was addicted to the strange light you emitted; light that I can't resist. The same light that caused my head to bump into those lazy clouds. I struggled with the meteors and comets. I experienced the most violent stellar explosion. Now, I am deeply wounded. Thanks to a moment of reflection that flashed through my mind. I will now say.. Houston, We don't have a problem anymore. It's over!

Friday, 24 April 2009

Para Kay J.


ang taong minahal mo nung nakaraan, hindi mo makakalimutan kahit kailan - sabi-sabi sa tabi-tabi.

Abril - Ito ang hindi mo malilimutang buwan. Nagkakilala kayo sa panahong wala pa ang social networking. Kinalolokohan pa nun ang mga kakaibang private rooms sa yahoo chat. Hindi pa jologs sa mata ng nakararami ang mirc. Sikat at walang karibal ang nag-iisang Malate--ang itinuturing na tahanan ng naghahanap, hinahanap at nahanap na sarili. Yun ang panahon na naghahanap ka ng kakampi..ng karamay. Ang panahon na gabi-gabi kang umiiyak dahil naiinis, naaawa, natatakot ka sa iyong sarili. Ito ang panahon ng pagtuklas at pagsisimula ng iyong paglalakbay upang hanapin ang sagot sa mga makukulit mong tanong.


Text- Ang naging daan ng pagkakilanlan...Naging tawag- lalo na sa panahon na uso pa ang free calls ng mga higanteng mobile networks. Siya ang iyong naging kakampi. Siya ang naging gabay mo upang matapang na tahakin ang bago, sanga-sangang mga daan at paano basahin at intindihin ang mga komplikadong road signs . Hanggang...napagkasunduan ang isang pagkikita. Ito ang unang tikim mo sa sistema ng EB.


Intramuros- Dito nagsimula ang lahat. Dito ninyo binuo ang isang napakagandang samahan. Dito isinilang ang katauhan ni Japs. At dito mo isinabuhay ang gintong aral: magkaibigan kayo. Meron pa kayong kakaibang pangako: anuman ang mangyari, magkaibigan tayo. kahit me asawa at anak na tayo. walang magbabago. walang bibitaw. HINDI PEDE TAYO. Kasi pag tayo, pag naghiwalay, magkakagalit tayo. Naging maayos ang lahat..naging ok ang simula. Siya ang ang iyong ka-party para maglevel up sa panahon na addict ka sa khan at tantra. Naranasan ninyong matulog sa Luneta habang pinag-uusapan ang makukulay na pahina ng inyong buhay . Nagkaroon kayo ng monthsary ng pagkakaibigan. Alam niya na kumakain ka ng ice cream kapag hindi ka mapalagay. Alam niya kung kelan ka naiinis, natutuwa at nalulungkot. Siya ang sumusundo sa'yo minsan kung me topak ka sa buhay. Marami siyang alam.. maliban sa isa. Mahal mo siya....kasabay ng pagbabagong anyo ng Intramuros ay ang pag-usbong ng kakaibang damdaming ito. mahal mo siya dahil kagaya ng naisulat sa librong para kay B, naramdaman mo ang tatlong K: Kabog, Kilig at kirot.


Apat na taon- Ganito katagal ang naging bunga ng iyong matapang na pagsuway sa gintong aral. Hindi mo alam kung paano nagsimula. Pero markado kung paano ang pagtatapos.

Japs: Pede pa ba tayo.? Magsisimula uli. Sigurado na ako.
Ikaw: Hindi ko alam. Parang napagod na ata ako magmahal sa'yo.

Marami ang nangyari. Siya lang ang tanging tao na naipakilala mo sa iyong piling mga kaibigan. Siya lang ang taong nakapunta sa bahay mo at naipakilalang kaibigan ng walang pag-aalinlangan. Siya lang ang taong hindi mo nahihiyang akbayan sa harap ng madla sa takot na pag-iisipan ka ng mga malisyoso't malisyosa. Siya lang ang tao na kahit binubura mo na ang number sa phonebook, kabisado mo pa rin. Siya lang ang napagsasabihan mo ng lahat. Siya lang ang hindi mo makakalimutan. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon takot ka pa rin.

"at noon narealize ni Lucas, tapos na sia kay Bessie. At tapos na rin sia sa kanyang mga kwento. Pag-uwi niya ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa sa mga iyon. Dahil hindi mo pedeng mahalin ang isang tao na hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot and bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng mga tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero ka kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na." - Para kay B ni Ricky Lee

Wednesday, 22 April 2009

I hate Rainy Days


Summer is not yet over but it's already raining..... I hate rainy days.. It stimulates my eccentricity..It makes me feel dejected. The rush of emotion pulsing through me shatters the facade that shields my disappointments in life.. Disturbing questions intrude my idealistic mind... leading to frustrations and painful realizations.

Right now...

I am extremely demotivated. I feel that I am losing the meaning of my existence..the value of hard work...my self worth. Why? because coming to work has become more stressful and annoying to me. I don't care anymore. All of the sudden, I feel so undignified.


I don't know why I am writing this blog entry. I think my brain cells get depleted. I am no longer the vampire my mind remembers. I feel a sense of inadequacy. I miss the old days.

I think I am struggling with my QLC, career, emotional crisis? The signs are becoming more obvious.


SCENARIO A: (TexT Conversation)

X: Msta? Ano n blta? Vampire: e2. la kwenta. gago p dn. kw msta?
X: pgod sa schl. 6 units n lng at thesis mata2ps k n MA ko. kw? wen ka magtu2ro? Wat plans mo?
Vampire: Di ko lam. Ewan. Bhala na.
X: Huh? Ano nangyari sau? di k nman dati gnyn a.

SCENARIO B: (YM CHAT)

Kuya: Asan na resume mo? Ano ba, gusto mo ba mgturo?
iskolar22: Gusto po. Sige maya po email ko sau. busy lang e.
Kuya: Ano ka ba? parang di ka naman interasado. Laki sweldo dito kaysa jan kinikita mo sa Pinas. Ayaw mo ba dito?
iskolar22: Gusto ko po sana dito magturo kuya. Basta send ko po sau.

SCENARIO C: (Text)

QA: Me opening sa QA. apply ka na sa amin. Dala ka resume maya
Vampire: Gusto ko yan. Sige check ko.

I have zero level of confidence. I have the tendency to stay in my comfort zones. I am confused if I must stay and step up or move out and fulfill my passion- to inspire young minds.

Damn it....

I hate rainy days..

Sunday, 19 April 2009

BigaTEN: Blog Entries Edition.Q1


~ Blogging is best learned by blogging...and by reading other bloggers. ~ George Siemens

Libangan kong magbasa ng mga blog entries ng iba. Siguro nga dahil isa akong bagong silang na bampira, kailangan ko ng maraming madugong kaalaman mula sa mga de-kalidad na utak at pambihirang puso para higit na maging malakas sa mundo ng blogosperya. Magandang panghasa din ito sa napupurol kong utak, inspirasyon para matinong makapagsulat at gabay para maging matapang sa patuloy kung paghahanap sa aking sarili-ang pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang mundong MorOnMe. Sa aking paglalakbay sa iba't ibang mundo, natuklasan ko ang samot'saring kwento at karanasan na nagpatuwa, nagpaiyak, nagpakilig, nagpatawa at nagbigay inspirasyon. Kaya naisip ko na ibahagi ang kakaibang karanasang ito. Aking ilalahad ang aking personal na listahan ng pinakatatanging likha ng mga hinahangaan kong manunulat. Ang lahat ng ito ay nabasa ko( January 2009-April 2009) at tumatak sa aking puso at isipan.


10. beyond repair ni jay vee

Tama ang isa sa mga nagbigay ng puna sa entry na ito. kakaiba ang treatment na ginawa ni jv sa pagsulat at paglabas ng kanyang emosyon. Sobra nakarelate ako. Madami din akong mga pinagdaanan sa buhay at kadalasan, hinahayaan ko na lang mangyari ang dapat mangyari. Tinatanggap ko na lang. Pero naisip ko, minsan kailangan din siguro nating subukan baka may magagawa pa, may pag-asa pang ayusin.


at
Expensive Day [Mahal Na Araw] ni bioniclugaw

Gusto ko ang kuru-kuro ni bionic tungkol sa pagiging relihiyoso at ang pagkakaiba nito sa pagpapayaman ng aspetong ispirtwal ng pagkatao. Isang mahusay na pagpuna sa kung ano talaga ang kasalukuyang nangyayari. Naalala ko tuloy ang papel na ginagampanan ni Gloria Diaz at Hilda Koronel sa pelikulang Nasaan Ka Man. Gusto ko din ang istilo ng pagsusulat ni bionic. Astig! Tanong ko din: Paano nga kaya kung me silya-elektrika sa panahon ni Bro?


9. The Promil Kid Goes to School ni yoshke

Hindi pa man ako nagsisimulang magsulat, tagahanga na ako ng mundo ni yoshke. Isa ako sa mga natutuwang tagabasa ng kanyang Promil kid Series. Super cute at kakaaliw talaga. Ibang klase ang pamangkin. Isa siyang super pamangkin! Dapat siya ang kinuha sa Promil commercial tapos sasabihin niya: Because I’m so smart. I kept on answering Teacher Janna’s questions. I answered all her questions. And I stood up and sat again and stood and sat and stood and sat again. It’s tiring. I’m sooo tired. I’m soooo smart .


8. Rolando ni dabo
Tawa ako ng tawa ng mabasa ko ang entry na to.Parang naalala ko ang mga kwento ng batang naiihi sa kama pagkatapos managinip ng mga bagay na may kinalaman sa tubig. Pero nang basahin ko uli, parang naging iba ang dating sa akin. Parang ang talagang pakay ng pagkasulat nito ay ipakita ang isang kahilingang mapalaya ang sarili sa mapanghusgang lipunan. Ang inahing manok ay isang simbolo ng malayang sarili-na inaasam ng nakakarami. O baka naiisip ko lang yun. Dahil natatae na ako sa katatawa!

para kay dabo: Paumanhin po kung naipost ko ung profile pic mo nag walang paalam. di ko po kasi nagawan ng paraan ang header ng site mo. Ipagpatawad!


7. Lucky Me! ni PinoyPoz
Na-inspire akong basahin to. Saludo ako kay pinoypoz sa pambihirang katatagan at pagiging sobrang tapang. Pagkatapos ko mabasa to, parang naisip kong ang OA ko magreklamo sa mga bagay-bagay na pinoproblema at kinaiinisan ko. Lucky Me dahil naligaw ako sa site at nabasa ko ang mga inspiring at informative na entries. Nakatulong talaga to para lagi na ako magTHINK POSITIVE.


6. Single ni Chuck Suarez

Required Reading sa lahat ng mga single. hahaha. Isang nakakaaliw na listahan ng mga dahilan kung bakit dumadami ang bilang ng kagaya kong single at loveless. Parang hinakot ko ang mga dahilan...Aray ko po!

5. Break-Up Chronicles: "Austronaut-ing" (April 7, 2009)
masalimuot kong pag-ibig
http://missoxymoronic.tabulas.com/

"Break it to me gently, if you have to then tell me lies"...Grabe tong entry. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Saludo ako sa tindi ng pagmamahal niya. Ganito siguro yung nararamdaman ng taong bibitayin o may sentensyang kamatayan-parang kandila, unti-unting nauupos. Ito siguro ang sagot sa beyond repair entry ni jv. minsan, kailangan nating tumayo at lumaban dahil ayaw nating mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay natin kahit masaktan pa tayo nang sobra-sobra. Kahit masabi mo pa na it's killing me softly..


4. Never Late ni twink

Ang ganda ng pagkasulat ng letter para kay Goldie. Ang swabe ng pagkasabi ng kanyang hinanakit at pag-asa na sana sa bandang huli, pagdating ng tamang panahon, maging sila. Hirap na ganitong sitwasyon. Parang nagmamakaawa ka ng atensyon. Parang pelikula ni Ate Vi, Palimos ng Pag-ibig. Siguro habang sinusulat to nasa background ang kanta ni Rannie Raymundo: Why can't it be? ...waaaah. Isa ata to sa mga nabanggit na dahilan sa single entry ni chuck. Pero napakabrutal ni Goldie. Friendship na nga lang, ipinagdadamot pa. Minsan naisip ko, ako ba si Goldie? o ako ang gumagawa ng sulat para kay Goldie?...hay!

twink: Sorry din po at profile pic ang nagamit ko. di ko din po magawan ng paraan ang header e.


3. The Second - Guessing Game ni Maxwell5587

"The first one to fall is the first one to lose... " -- Poetic, beautifully written, sensual -- ito siguro ang best description ng entry ni maxwell. Ang ganda ng pagkabuo. Galing-galing! Pero: a.) gusto ko mainis kung bakit ganun siya nag-end. Naalala ko tuloy ang last part ng Love of Siam b.) kakabilib dahil grabe ang self-control o baka duwag lang sila pareho.


2. MARK SATO ni E

Pinaiyak ako ng blog entry na ito. Wala na talaga ako masabi! Asan man si Mark Sato ngayon, sobrang proud siya kay daddy E. Sana lahat ng mga tatay at anak na kagaya ko magkaroon ng chance na mabasa to. Very inspiring!


1. SA PAGITAN NG LIWANAG AT DILIM ni MIke Avenue

Lupit ng story telling ni Mike. Ang galing niyang magsulat. Kakaiba! Yung title pa ng blog entry para lang libro sa filipiniana section ng mga book stores. Isa itong magandang alay sa lahat na patuloy na lumalaban para sa kapakanan ng nakararami. (masyado naman ata ako makabayan) Mahirap talaga ata maging bayani. Da best!

Ito ang kompletong listahan ng 10 pinakapaborito kong blog entries sa q1 ng 2009. Gagawa uli ako para q2 (May-July). Gusto ko rin bigyan pansin ang kakaibang mundo nina: wanderingcommuter, MkSurf8, Jamie, Aris at elYAS. Salamat sa malikhain, malikot at makulit na imahinasyon. Salamat din kay The Pope sa daily slice of bread. Sa iba pang mga manunulat, ipagpatuloy ang pagbabahagi ng inyong malulupit, astig at pambihirang mga kwento at karanasan. Dalangin ko na hindi mapagod ang brain cells nyo at hindi matuyuan ng creative juices. Sana lalo pang maging makulay ang ating paglalakbay. Ating tandaan ang munting paalala ng isang Blog Addict: ~ A blog is a personal diary. A daily pulpit. A collaborative space. A political soapbox. A breaking-news outlet. A collection of links. Your own private thoughts. Memos to the world. ~

Maligayang Pagsusulat!

Friday, 17 April 2009

Personality Test


Check this out:

http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx

Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You are not looking merely for a girl/boyfriend - you are looking for your life partner. Perhaps you should be more open-minded about who you spend time with. The person you are looking for might hide their charm under their exterior.

Your readiness to commit to a relationship:

You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.

The seriousness of your love:
You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that's why you'll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?

Your views on education:
Education is very important in life. You want to study hard and learn as much as you can.

The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:
You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don't succeed. Don't give up when you haven't yet even started! Be courageous.

What are you most afraid of:
You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.

Who is your true self:
You are mature, reasonable, honest and give good advice. People ask for your comments on all sorts of different issues. Sometimes you might find yourself in a dilemma when trapped with a problem, which your heart rather than your head needs to solve.

Tuesday, 14 April 2009

Wonder Women


In my friend, I find a second self. ~ Isabel Norton


Friend...Mare...Dyosa...Lady Elle.... Yan ang tawag niya sa inyo. Wonder Women ng kulay rosas na buhay niya. Kayo ang nagsisilbing road signs sa kanyang mahaba at pasikot-sikot na paglalakbay; Eye shades upang maging banayad ang pagkasilaw sa liwanag ng pagkatuklas, pagtutuklas at tutuklasing sarili. Kayo ang may pinakamalaking tenga na walang sawang nakikinig sa kanyang kakornihan at naiirita sa kanyang kabaliwan at pinakamaking boses na nagbubulyaw o kumakantyaw sa mga panahon na siya'y nabibingi o napipipi. At dahil sa pambihira ninyong kagandahan, nararapat lamang na kayo ay pasalamatan. Sa inyong espesyal na araw (Abril15 at 19), isang pagpupugay ang ilalaan dahil kayo ang QUEEN ELIZABETH at JOAN OF ARC ng kanyang kasaysayan.

QUEEN ELIZABETH-- Di niya matandaan kung paano siya nakapasok sa iyong kaharian. Ang alam lang niya sa unang pagkakataon na nasilayan niya ang iyong kagandahan at narinig ang kakaibang lakas ng iyong tinig, nasabi niya sa sarili na ikaw ay kabilang sa dugong maharlika. Isa sa mga
pedeng pagkatiwalaan ng kanyang natatanging katauhan.Di nga siya nagkamali dahil ang unang thursday group bonding sa fazolis ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong pansamantalang makatakas sa kanyang nilikhang kulungan na naglalayong protektahan ang kanyang sarili sa mapanghusgang mata at saradong isipan. Lumipas ang maraming huwebes hanggang ito'y maging linggo. Ang thursday group ay naging dakilang araw para kay bro at ang fazolis ay pinalitan ng pizza hut. Saksi ang paborito ninyong pizza, pasta at kakaibang husay mo sa sining ng pag-iimbestiga sa unti-unting pagbubukas niya ng janyang johari window. Nakakatuwang isipin na sa maraming beses na siya ay iyong pinahamak dahil sa kinagigiliwan mong bungee jumping, naging matapang siya sa pagharap sa kanyang kinatatakutan-ang kanyang sarili. May mga pagkakataong nasaktan mo siya pero labis siyang nagpapasalamat sa iyong pagtanggap at paalala. Saludo siya sa iyong katapangan at kakaibang lakas sa pagharap sa hamon ng buhay. Naging inspirasyon ka sa kanya. Tinuruan mo siya kung paano lumaban at maging matapang.

JOAN OF ARC--- Naalala mo pa ba ang kwento ng sundae? Ito ang tatak ng kanyang panghihina. Kaya sa araw na kanyang sinuko ang pakikipaglaban sa sarili, sundae ang kanyang kaulayaw habang maingat na ibinabahagi sa'yo ang kasaysayan ng kanyang pakikidigma. Hindi niya alam kung paano ka pasasalamatan. Labis siyang natutuwa at naging magiliw kang tagapakinig at saksi sa kwento ng ubas, ang alaala ni Japs, pangungulit ni school bum at pamamaalam kay Aquinas. Para kang diary ng kanyang buhay. Alam mo kung paano siya nagsimula, kung paano niya hinahanap ang kanyang sarili at paano siya natatakot na hindi siya matanggap. Alam mo ang dahilan kung bakit siya masaya, naiinis, natutuwa, kinikilig o natatawa. Dahil sa iyong pag-unawa at pagtanggap, nagiging madali sa kanya ang pagkilala at pagmahal sa sarili. Dalangin niya nawa'y hindi ka magsawa na samahan siya sa kanyang iba pang pakikipaglaban. Alam mo ba, hinahangaan ka niya sa angkin mong katalinuhan. Tunay ngang nag-iisa kang lyka at Dyosa sa buhay niya.

Para sa inyong dalawang mahalagang babae sa kanyang buhay, maraming salamat sa walang sawang pag-unawa sa aking kaibigan. At ikaw, kaibigan ko, sorry sa lahat ng aking pagkukulang. Yaan mo, kapag sobrang matapang ka na. Sasamahan kitang sabihin sa kanila kung sino ka talaga.


Sunday, 12 April 2009

Ang sabi ng Baraha


Natagpuan sa mundo ni John Vincent aka Jay Vee
Aking sinubukan
At natuklasan ...


You are The Hermit

Prudence, Caution, Deliberation.

The Hermit points to all things hidden, such as knowledge and inspiration,hidden enemies. The illumination is from within, and retirement from participation in current events.

The Hermit is a card of introspection, analysis and, well, virginity. You do not desire to socialize; the card indicates, instead, a desire for peace and solitude. You prefer to take the time to think, organize, ruminate, take stock. There may be feelings of frustration and discontent but these feelings eventually lead to enlightenment, illumination, clarity.

The Hermit represents a wise, inspirational person, friend, teacher, therapist. This a person who can shine a light on things that were previously mysterious and confusing.

What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

Friday, 10 April 2009

MGA UP's NG BUHAY (Lessons of Good Friday)


Sorry Bro. It's 4 out of 3. 4 UP's and 3 downs. 1)Hindi ko napigilang uminom ng paborito kong kape. Puyat at tensyonado kasi. Tingin ko kailangan ko talaga ng dagdag ng lakas ng loob. Pakiramdam ko isa akong Jeep na kailangan ng gasolina para umandar. 2) Di ko kinayang magpatay ng telepono. Hay! Tsk!..Tsk!.. Nakayanan ko nga wag magtext (dahil siguro ala ako load..) Pero di ko nakayang wag buksan, silipin at basahin ang mga pang-aakit nina lil bro, big bro, hot, super hot at supernova. Mahina ako. Mahinang-mahina. at 3) Ang ingay-ingay ng brain cells ko. Madaming gusto ikwento. Madaming gusto isulat. Gustong maglakbay ng diwa ko. Gustong inumin ang creative juices ng iba. Kaya ayun, blog hopping ako at eto, sinusulat ang pagkabigo at pag-amin na hindi naging mabisa ang pito-pito ko. Gayunpaman, napagtanto ko na hindi kailangan ng espesyal na araw para maging mabait, mas mabuti o higit na banal. (o baka palusot lang ako.hehehe)

Pero tingin ko, 7 talaga ang lucky number ko. Paano isa sa mga text messages na nabasa ko ay galing kay insan: Seven (7) UP's for a Wonderful Life. Nagkaroon tuloy ako ng pag-asa. Siguro ito ang 7 signs para madali kong mapatawad ang sarili ko sa pagiging mahina..(Masyado ata akong seryoso sa pito-pito penitensiya ko). Kaya pagkatapos ng pito-pito, subukan ko naman uminom ng 7 UP. Baka ito ang mabisang pamatid-uhaw sa ala sahara desert na buhay at adventures ko. (Narito ang kabuuan ng message ni insan)

1. Wake UP! ... Decide to have a good day.

2. Dress UP! ... Put on a smile each day.

3. Shut UP! ... Learn to listen.

4. Look UP! ... To the Lord.

5. Stand UP! ... For what you believe in

6. Reach UP! ... For something higher.

7. Lift UP! ... Your prayers.

Pagkatapos ko basahin ang text ni insan, naisip ko na parang may kulang. Madami atang UP's sa ating makulay na buhay. Sa panahon ngayon, ang buhay at ang mabuhay ay parang isang UPrising! Ang pakiramdam ng nakararami sila ay nahohold UP. Siguro dahil sa hindi UP-to-date na serbisyong pampubliko, UPshot ng korapsyon, ang paglevel UP ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at pati na rin ang patuloy na paglayo ng agwat sa pagitan ng masa at UPperclass. Kaya siguro lalo pang lumalakas ang UProar ng mga nasasaktan at tumitindi ang banta ng UPheaval.

Siguro naman hindi pa huli para mawala at mabago ang UPside down nating kalagayan. Pede pang i-UPgrade ang hindi kagandahang UPbringing. Kailangan lang natin siguro i-UPlift ang ating mga sarili para mas maging UPbeat tayo sa pagiging mentally, spiritually, morally, culturally at socially UPright. Subukan nating i-UPhold at i-live UP ang mga aral ng pagpapasakit sa krus ni Bro. Isa itong matibay na sandata para huwag kaagad mag give UP sa samo't saring hamon ng buhay.

Para kay Bro, sorry po sa UPset ng pito-pito

Para sa sarili ko, i-bottoms UP ang 7 UP

At para sa lahat, cheer UP !.... Sana maging makabuluhan ang ating Good Friday.

Sunday, 5 April 2009

PITO-PITO


Pito, se7en, SIYETe - Ito ang isa sa mga makulay at pabibong numero sa larangan ng kultura, relihiyon, sining at iba pa. Sino ang makakalimot kay Snow White at ang kanyang 7 duwende. Lahat ay alam na may 7 kulay ang bahaghari, 7 araw sa isang linggo, 7 Wonders of the World, 7 continents, 7 deadly sins at kahit si Harry Potter, may 7 libro. At dahil malapit na ang semana santa, alalahanin din natin ang 7 last words ni Bro. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang pito-pito ng namayapang si ka Ernie Baron. Hindi ata lahat e alam ang pito-pito; na sabi ng nanay, tita at mga kapitbahay ko ay mabisang uri ng cleansing diet. Naisip ko tuloy sa panahon ngayon na bida ang salmonella at iba't ibang sakit na dala ng bacteria, pito-pito ang mabisang panlaban. At ngayong Semana Santa- sa panahon na kailangan nating magnilay (sa mga magaganda at di masyadong ok na mga pangyayari) at magbigay pugay kay Bro, pede kayang maibsan ng pito pito ang panghihina ng aking pisikal at ispiritwal na katauhan?

Wala naman sigurong masama kung aking susubukan. Gagawa ako ng sariling kong pito-pito. Mga pitong gawain o bagay na iiwasan ko ngayong Holy week bilang tanda ng pagkilala sa pasakit na ginawa ni Bro.

7. TIGIL PASADA. Tricycle ang laging karamay ng mga pagod kung binti't paa tuwing umuuwi galing sa pagbabanat ng buto at pagpapadugo ng utak. Lalo na ngayon at summer, isang malaking hamon ang paglalakad. 3pm pa naman ang uwian ko. Pero para kay Bro, titiisin ko ang hagupit ng mahal na araw. Sabagay, exercise na, tipid P15.00 pa. Galaw-galaw sa tag-araw!

6. DECAF. Isa akong certified coffee-drinker. Adik sa kape. It's my own brand of heroine (pahiram po ng linya Mr Edward Cullen) Pero, hindi naman ako tambay ng mga sosyal na coffee shops. 3-in-1 lang, nasa alapaap na ako. At ngayong Holy Week, mapapasaya ko ang mga taong lagi kong nauubusan ng mainit na tubig at nauunahan sa pila ng vendo. tubig-tubig muna to. Cheers!

5. SWEET SWITCH. Mahilig din ako sa matatamis. Mahigpit akong karibal ng mga langgam. Suki ako ng DQ at Weakness ko ang mga tsokolate. Pinakapaborito ko ang Sneakers. At kapag sneakers diet muna ako sa loob ng 6 na araw (siguro naman pede na kumain sa Easter Sunday), 36*6=P216.00 ang matitipid ko. Matutuwa pa ang Toothpaste at Toothbrush ko dahil napapadali ang trabaho nila. I have Pearly white teeth.

4. NO CARBS. Lamon. yan ang palaging sinsabi ng dyosa kong kaibigan kung paano ako kumain. Paano naman umaabot ako ng 3 plato ng kanin lalo na kapag sinigang ang ulam. Kaya siguro, palaki nang palaki ang TIYANak ko. Pero simula ngayon, 1 plato na lang. Pramis! baka sakaling ang binawas ko ay maging dahilan ng 2-packs. (Mali ka Eloisa, May Himala!)

3. OFFLINE. Ang pagkatuklas ng Internet ang isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ng tao. Dahil dito, Ang lahat ay isang klik na lang. At kung ang pag-oonline ay tulad ng pagpasok sa trabaho o eskwela, malamang Best in Attendance ako. Pero dahil ang darating na semana ay alay para kay Bro, kakalimutan ko muna si http://www.peyups.com/. pati na rin si http://www.yahoo.com/. Magpapahinga muna ako sa blog hopping hobby ko at hindi ko muna dadalawin ang friendster at facebook account ko. Bibigyan ko muna ng oras ang Magandang Balita ni Bro. Amen!

2. aSEXual. Malibog ba ako? Siguro. Hindi ko alam. Minsan. No comment na nga lang. Pero sigurado ako at 100% kapanalig na sex is the best way to fight stress. Garantisado! Pero Is it the right way? hmmm. siguro kailangan kong irebyu ang sex life ko...privately. Sa panahon ng raging hormones, susundin ko si biogesic man. Mag-iingat ako. At para kay Bro, No to pork, beef at ipapako ko ang 2 kamay ko. Panginoon, ilayo mo po ako sa tukso.

1. MESSAGE FAILED. Adktus me sa txt. lgi me unlitxt. lagi frwrd mesej sa frnds. wer u? msta?. Isa akong texter. Bahagi na ng araw-araw kong adventures ang aking mobile phone. Kapag naiwan ko to, babalikan ko pa talaga. Hindi ata kompleto ang araw ko pag-alang telepono. Kaya marahil, ito ang naisip kong pinakamahirap iwasan. Waaah. Hindi ako magtetext. Hindi ko makukulit si big bro, lil bro, bunso, hot, super hot, supernova at kung sinu-sino pa. Hindi ko mababasa ang mga korni, cute at inspiring forwarded messages. Kaya lang, kailangan ko din maging silent mode. Dahil sa pagiging texter ko, busy line ko kay bro. lagi na lang siya call waiting, nakahold. Nakaka alarm na din baka dumating ang araw, kapag napagod na siya sa missed calls at magalit sa dropped calls, out of coverage na ako sa mata ni Bro. Sige na nga. save ko na message ni bro sa memory card. Sige po. turn off ko na.

So pano, Palm Sunday na! Sisimulan ko na.


*** Sana mapagaling ako ng pito pito ****



Friday, 3 April 2009

CHEAPest, CHAOtic Apology


27March2009- Ito ang araw kung saan tumaas ang blood pressure ng mga Pilipino dahil sa nakakagalit, nakakainis at nakakapag-init ng ulong pahayag ni CHEAP (Chip) Tsao, isang Hongkong columnist na nagsabing ang Pilipinas ay bayan ng mga utusan. Ang malisyosong pahayag na ito ay gumising ng damdaming makabayan, naging laman ng mga diyaryo't blogs, naging mainit na balita sa radyo't telebisyon at paboritong paksa sa mga kwentuhan, tsismisan at tambayan.

Bilang isang anak ng OFW at makabayang Pinoy, isa ako sa mga labis na nasaktan. Naisip ko tuloy gumawa ng mga personal na mungkahi kung paano makaganti kay Cheap Tsao. Narito ang APAT kung mga mungkahi:
A. Ipagpalit siya sa mga bihag na Red Cross Volunteers ng Abu Sayaff . Para naman mabingi siya sa pagsabog ng galit na galit na mga sinasabi niyang utusan. Sana lang hindi siya makawala baka kasi maisulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga terorista at kidnappers.

B. Dalhin siya sa Crocodile Farm. Sigurado ako matutuwa at matatawa ang mga buwaya. Dahil diyan, pede siyang tawaging happy meal- Isang Chauvinist Chinese Pig. Baka nga lang masuka ang mga buwaya dahil sa kapal ng mukha at cholesterol ng utak. At kapag makawala siya, baka maisulat pa niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga buwaya. Sigurado magagalit at mapipikon si Mahal na Pangulong Gloria.

C. Patakbuhin siya ng hubo't hubad sa EDSA (ala Oblation run). Simbolo ito ng kawalan niya ng kredibilidad at kawalan ng puso at matinong pag-iisip. O dahil isa siyang Chinese national, subukan kaya niya ang Great Wall of China. Kaya lang kapag sa Edsa, makikita niya kung gaano katraffic sa Pilipinas at dahilan kung bakit me ganto katinding problema sa Pinas. Baka dahilan pa ito para maisulat niya na tayo ay bayan na matraffic at walang disiplina.

D. Dahil malapit na ang Semana Santa, ipako kaya siya sa krus dun sa may bundok ng basura sa payatas. Para naman maramdaman niya ang hirap at sakit ng bawat OFW na nagtatrabaho ng maayos. At maisip din niya na ang kagaya niya ay mukha at isip-basura. Pero dapat habambuhay na siya nakapako kasi kapag nakawala yan at gumaling ang mga sugat, baka isulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng basura.

Hmmm. Paano kaya kung putulan na lang siya ng mga kamay para hindi makapagsulat o kaya ay tanggalan ng dila para hindi na makapagsalita. Kaya lang parang wala rin yung pinagkaiba sa maraming mga pilipinong mamamahayag na nawalan ng boses at buhay mailabas lang ang katotohanan. E, totoo ba ang sinasabi ng Cheap Tsao na yan? Ewan. Sabi ng pelikula ni Winona Ryder, Reality bites. Sabi din naman ng iba, the truth will set you free. Pero sigurado ako natakot din yang Cheap Tsao na yan sa pedeng gawin ng mga Pilipino sa kanya. Kaya siguro nung martes, humingi na siya ng paumanhin sa sambayanang Pilipino. Nagkaron pa ng iba't ibang reaksyon ang mga pinoy. Pero iniisip ko din, paano kung si Cheap Tsao ay salamin ng imahen na nakikita ng ibang tao? Ano kaya ang dapat nating gawin? kailangan kaya nating basagin ang salamin dahil masakit sa mata ang repleksyon nito? baka kailangan nating palitan o kaya takpan? Baka naman kailangan nating tingnan ng mabuti ang repleksyon natin sa salamin. Malay natin kulang lang tayo sa paligo, magulo lang yung damit o kaya di lang tayo nakapagsuklay. Baka kailangan natin baguhin ang ating sarili para pag tumingin tayo uli sa salamin, isa nang pogi, maganda, maayos at kaaya-ayang repleksyon ang makikita. Tuloy naiisip ko, siguro hindi lang si Cheap Tsao ang kailangang mag sorry. Baka kailangan din ng mga tuta, mga buwaya at ahas sa Pilipinas.

Pero siguro.. Sinuman yun, Anuman yun at kahit ilang milyong beses pa ulitin ang famous line na I-A-M-S-O-R-R-Y.. Isa pa rin itong CHEAPest, CHAOtic Apology.

Sana naman magkaroon na tayo ng bagong salamin at bagong imahen sa 2010.