Friday, 19 June 2009

Alay sa HARI

Nagtatampo ako sa'yo. Dahil hindi mo ako tinuruang maglaro ng basketball, sumakay sa bisikleta at lumangoy sa dagat. Hindi mo nakita kung paano ako nahirapan noong ako'y tinuli at umiyak nang matalo sa suntukan dahil sa dayaan sa gagamba o larong tatsing at goma. Wala ka sa panahong gusto kong magkwento tungkol sa aking puppy love, hindi mo ako nabigyan ng advise tungkol sa Ka-MU ko noong first year at paano magpakatatag sa unang pagkabasted noong hayskul. Wala ka sa maraming mahahalagang pangyayari sa buhay ko.

Nagtatampo ako sa'yo NOON dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan wala ka. Kung bakit tuwing 2 taon lang nabubuo ang family picture natin.

NGAYON, dama ko ang pangungulila sa bawat araw, buwan at taon na hindi mo kami kasama. Nauunawaan ko ang sakit at kirot ng iyong kalooban dahil hindi mo nakita ang paglaki ng iyong panganay, ang unang hakbang ni bunso, ang pagkailang ng dalawang mahalagang tao sa buhay mo tuwing ika'y dumarating. Nakikita ko ang lungkot sa iyong mga mata dahil sa maraming pagkakataong hindi mo nasilayan. Sa pag-aarugang gusto mong ibigay at pilit pinupunan ng pinapadalang dolyar at balikbayan box.

Huwag kang mag-alala. Sa darating na BUKAS, kapag ok na si bunso, ituturing ka naming Hari. Ang iyong hiling ay aming susundin. Hindi na luluha ang iyong mga mata sa pangungulila, hindi na mapapagod ang iyong puso sa pananabik sa muling pagkikita. Hindi na kailangang hintayin ang 2 taon para mabuo ang family picture. Araw-araw mo nang makakasama ang iyong iniirog na Reyna. Hindi na magiging mapanglaw ang iyong kaharian.

Tandaan mo na NOON, NGAYON at BUKAS .... IKAW ang BEST TATAY!

13 comments:

ACRYLIQUE said...

Aww! naiyak ako.

THE BEST KA TATAY! :)

gillboard said...

Happy Fathers Day sa inyong Hari!!!May ganyang pagtatampo din ako noong bata ako... pero lam ko hanggang ngayon bumabawi pa rin siya dun sa mga panahong wala siya... ganyan talaga mga tatay.

2ngaw said...

Happy fathers day na lang muna, wala ako masabi...ASTIG!!!

Jinjiruks said...

ayaw nyo talaga itapat sa sunday ah. wahehe. salamat nga pala bampi!

Yas Jayson said...

candid.

an_indecent_mind said...

sapul ako brod!

Allan said...

ganda ng post, damang-dama ko siya...

happy father's day sa HARI niyo. :)

Visual Velocity said...

Happy Father's Day sa 'yong Itay. =)

Hari ng sablay said...

preho pala tayo pre. abroad din erpats ko.

hapi paders day sayo at sa erpats mo...

Jonell said...

buti ka nga the best e. akala ko noong binabasa ko ung unang part ng entry na ito, magkapareho tayo ng kwento. hindi pala. masuwerte ka sa tatay mong the best.

The Pope said...

Nakaka-iyak, but even then... sya ang the BEST.

Happy Father's Day.

<*period*> said...

sensioya po hindi ako nakrelate..kasi po hindi kami okay ng tatay ko...im void of emotions when it comes to talks about family

Yodi Insigne said...

sana nga lahat ng anak ay nakakaintidi... yung pinsan ko, hanggang ngayon galit sa tatay niya, love at presence daw ang kelangan nya hindi pera....