HIGH SCHOOL YEARS: Triumphant days/ Years of Agony "You will know who I am, When you forget my name." --
Jim Paredes, Humming in my Universe... Sabi nila, D Best daw ang buhay hayskul. siguro tama sila. pero sa kaso niya, ito ang panahon na nagsimulang gumulo ang kanyang isipan. Dahil sa matagumay na unang yugto ng biyaheng utak, naging usap-usapan ng mga matatabil na dila ang magiging kapalaran niya sa ikalawang yugto ng paglalakbay. May nagsasabi na hindi na niya kakayanin ang bagong hamon. Meron din naman nagsasabi na baka sakaling lumusot dahil ang kanyang kamag-anak ay may mataas na katungkulan. Marami ang nagduda sa kanyang kakayahan, maliban sa kanyang mga magulang. Kaya sa unang taon pa lang ng paglalakbay, kaagad niyang ipinamalas ang husay. Ito ang naging dahilan upang mabura ang mga alinlangan. Ito rin ang simula ng kanyang kalungkutan. Dahil ang bawat tagumpay, medalya, tropeo at karangalan ay inaasahan na sa kanya. Ang kabiguan ay isang krimen. At sa apat na taon niyang pag-iwas sa krimen, apat na taon din niyang pinagkaitan ang sarili masunod lamang ang kasiyahan ng nakararami. Siya ay naging kriminal at biktima ng sariling desisyon, maling akala, mapanuring lipunan at tradisyunal na paniniwala. Subalit ang totoo, hindi niya alam kung sino talaga ang kalaban at kakampi. Gayunpaman, lubos siyang naniniwala na minsan, kinakailangang mangyari ang isang digmaan. Subalit ang kanyang kaunting kaalaman ay hindi pa sapat upang magapi ang itinuturing na kalaban.
Makukulay na alaala ng Buhay Hayskul:1. Iba't ibang mukha -- kikay girls, porma boys, the nerds/geeks, class clowns, bitches/villains, pabibo, the varsity players, pasaway, rich kids at walang pakialam.
Siya ay boring, seryoso, tahimik at mahiyain. 2. High School Events -- school activities, campaign period/election day, induction program, JS prom, COC/CAT days, camping, intrams at iba pa.
Siya ay naging bahagi ng magulong campus politics sa loob ng 4 na taon, naging SR President noong senior year dahil sa pamimilit ng mga kaklase kaya ala syang kalaban noong election, XO officer sa CAT, taga-cheer sa intrams at sawi sa JS prom. Sa awa ng diyos nakalikom ang kanyang SR Admin ng sapat na halaga mula sa kung anu-anong mga fund-raising projects na naging bahagi ng school auditorium. Mapulitika ang induction program dahil ito ang pagkakataong makaambon sa pork barrel ng imbitadong kongresista.
3. Contests/Activities -- literary contest, quiz bee, physics olympiad, science fair, school paper press conference, sabayang pagbigkas, speech choir, leadership training, ffp/fahp/vlp, comedy skit at kung anu-ano pang drama at kaartehan.
Lagi siyang kasali sa extemporaneous speaking contest. Talunan sa provincial science quiz bee at physics olympiad. Pagala-gala sa Regional School Paper Press Conference at Youth Congress; At dahil hindi marunong umarte, naging narrator/director/writer ng comedy skit.
4. Hindi din niya malilimutan ang Periodic Table of Element sa Chemistry na kailangang i-memorize, Map of Asia, Ang debate sa teorya ng creation at evolution, Cell structures at functions, Life cycle of a Frog at iba pang hinayupak na hayop, Journal writing sa Values Ed., Iba't ibang projects sa Home Economics at Vocational Elective (Gumawa siya ng lampshade at water heater sa electricity class). Paborito niyang subject ang Physics at History.
5. Simple ang buhay hayskul. Dito nabuo ang tropa/barkada. Tambay sa canteen o school aud pag break time, Tambay sa town plaza kapag uwian, student meal, exemption sa exam dahil sa pagsali sa mga contests, memory tests, reporting, paggawa ng assignments ilang minuto bago magsimula ang klase, pagsali sa iba't ibang extra-curricular activities dahil 30% ito sa pagdedecide kung sino ang mapapasama sa Top 10. At kung anu-ano pang kalokohan.
6. Ito ang panahon na nauso ang boy bands. Naging kilala ang Backstreet Boys, ang rivalry ng hanson at the moffats, N Sync, Boyzone at Westlife. Ito rin ang labanan ng UMD vs Streetboys at ang famous signature dance na Always.
7. Isang major problem/issue ang pagkakaroon ng pimple.
8. Dito siya nahasang magsulat. Salamat sa School Paper.
Nagsimula siya bilang staff writer, literary editor, news editor at EIC.
.... Natapos ang kanyang ikalawang yugto ng paglalakbay na nababalot ng iba't ibang katanungan. Dahil sa mga makukulit na tanong na ito, sinikap niyang makuha ang susi para sa pinapangarap niyang Pamantasan upang hanapin at alamin ang mga kasagutan.
"The most unfair thing about life is the way it ends. I mean, life is tough. It takes up a lot of your time. What do you get at the end of it? A Death! What's that, a bonus? I think the life cycle is all backwards. You should die first, get it out of the way. Then you live in an old age home. You get kicked out when you're too young, you get a gold watch, you go to work. You work forty years until you're young enough to enjoy your retirement. You do drugs, alcohol, you party, you get ready for high school. You go to grade school, you become a kid, you play, you have no responsibilities, you become a little baby, you go back into the womb, you spend your last nine months floating......and you finish off as an orgasm"......... George Carlin........................ naghahanda para sa susunod na paglalakbay:
Ang Biyaheng State U
10 comments:
hehe. masarap rin ang buhay highschool, CAT officer kasi ako kaya lahat ng perks nasa amin. lahat sa section namin officer lahat ang iba eh sa scouting. na miss ko agad ang buhay high school. dito nagsimula ang mga crush thing na yan!
Di ko masyadong na-feel ang highschool kasi allergic ako magtransfer, mga naka 3 ata ako..
Sayang... pero the last year was a bit okay for me, huling pagtransfer ko and school where I graduated. Ive experienced din some of those you enumerated.
Ang galing nitong line na ito!! "Ito rin ang simula ng kanyang kalungkutan. Dahil ang bawat tagumpay, medalya, tropeo at karangalan ay inaasahan na sa kanya. Ang kabiguan ay isang krimen."-- dami siguro maka-relate dito!!
Ayus!! :)
masarap talaga ang buhay HS. dun ko nagawa lahat ng kalokohan ko.
nakakarelate ako sa mga sinulat mo... di ko lang gusto yung buhay ko nung hs... may pagkaloser ako nun.. hehe
PAKSYET! Hayan o, tinamaan ako. Dumudugo. Tumagos. Awts! :(
lam mo, baon na baon..walang hugutan..magka-edad ba tayo?hehehehehe..ang pinagkaiba lang, wala kaming vocational elective...at oo, dumugo ang ilong ko sa chemistry...hindi ko maintindihan bakit ako nakakuha ng 91 sa final garde gayung wala naman akong naintindihan..hahaha
abangan ko ang buhay state u..<*hug*>
honga. grabe, na-miss ko highschool days ko. lalo na yung ni-lock namin ang pinto ng room tas sa window kami lahat dumaan para di makapasok yung physics teacher namen. haha saya! naalala ko yung bulletin board namin sa likod ng room. apat na quarter kaming nag-usap usap kung anong ilalagay dun hanggang sa sulatan lang namin ng dedication nung graduation practice season na.. haha. i miss it. dammeeet.
as for the elective, alam mo ba yung grassting?! oha oha. yun yung drafting na nauuwi sa grass picking kapag sinapian si kulot. kaya nga nag-shift ko sa journ nung third year as elective. laging excuse. sarrap!
haaay, anyways. can't say more. overwhelming. :D
@kuya dan: saan? saan? saan? text text na lang. ayee!
Wow, totally opposite tayo noong highschool. Ako yung undiscovered territory.
Tanda ko pa, may sinulat akong essay, sinabi ng teacher ko sa akin kung ako daw ba talaga nagsulat nun. Hindi yata makapaniwala. Hehehe.
common na tao lang ako nung high school pero paborito ko pa rin yun kahit sagana ako sa 'most embarrassing moments' non. favorite ko rin ang physics! kahit na binigayn ako non ng sakit ng ulo. hehe.
dan na.gets ko na ang sinasabi mo kaninang tanghali. nabasa ko na ang bawat sides. wala na tayong pakialam dun.
Post a Comment