Hinahanap KA ..
ng mga paslit na nakikipaghabulan sa mga kalaro nilang sasakyan
ng mga dilag na sumasayaw sa mapang-akit na ritmo ng kamunduhan
ng mga lalaking nagtatago sa mga makukulay na maskara
ng lahat ng mga taong naging biktima dahil IKAW ay nawawala...
.....................
Ang sabi ng iba, nandito ka lang daw. Pero bakit marami ang naghahanap sa'yo? Pero aaminin ko minsan hindi rin kita mahagilap. May mga panahon na ang pakiramdam ko ay pinagtataguan mo ako, tinatago ka nila sa akin o hindi lang talaga kita makita dahil malabo ang aking paningin sa pagkakataong hinahanap hanap kita. Siguro kagaya ng maraming naghahanap sa'yo, hindi lang talaga namin ikaw lubusang kilala. Baka nga magkaiba kami ng pagkakilala sa iyong pagkatao. O baka naman dahil meron kaming magkaibang kultura, paniniwala at karanasang kinalakhan, nagkaroon din kami ng samo't saring interpretasyon sa iyong pangalan.
Naalala ko dati, lagi tayong magkasamang maglaro. Naghahabulan tayo sa pilapil habang nagpapalipad ng saranggola. Kasama kita sa paglanghap ng sariwang hangin habang umaakyat sa puno ng duhat tuwing panahon ng tag-init. Andun ka din tuwing kabilugan ng buwan. Pinagmamasdan mo kaming naglalaro ng patintero o kaya ay taguan. Kaya lang, nang unti-unting lumalawak ang aking mundo at dumadami ang aking nalalaman, unti-unti ka ding lumalayo sa aking tabi. Pero mas tama sigurong sabihin na ako ang unti-unting lumalayo sa'yo. Minsan kasi, natatakot akong maparusahan. Sige na nga. Kadalasan kasi ay duwag ako. Takot lumaban. Pero noong mag-aral ako dito sa Maynila, naging malapit uli tayo sa isa't isa at dito marami akong nalaman tungkol sa'yo. Nalaman kong makailang beses ka pinagsamantalahan.Yung iba ginagamit ka para pagkakitaan. Marami na rin ang namatay, pinatay o nagpakamatay dahil sa'yo. At ngayon, labis akong nag-aalala dahil sa iilan na bumabalak kumitil sa iyong buhay. Madami pa sana akong gusto ikwento tungkol sa'yo pero alam ko naman na lahat kami ay may kanya kanyang bersyon ng iyong pagkatao. Siyanga pala, tuwing tumitingin ako sa Salamin , hindi kita makita. Nahihirapan tuloy akong manalamin..
Nasaan KA nga ba, KALAYAAN?
10 comments:
hehe. sensya na at napilit kitang i-post ito. nadala ako sa mga unang talata mo kapatid. hula ko si Bro ang tukoy mo iyon pala eh ang kalayaan.
Anong kalayaan ba hinahanap mo? Nasa iyo naman yan kung gusto mo maging malaya o hindi...
unless yung hinahanap mo eh kalayaan ng bayan... good luck satin nyan..
mahirap hanapin yan, lalo na kundi tayo tiyak anong klaseng kalayaan ang hinahanap natin...
Salamin, salamin.
Tama malawak ang mundo. Karapatan nating maging malaya. yun ay kung pipiliin mo. :)
mas magiging madali at simple siguro kung magsisimula tayo sa pagtuklas sa ating sarili kung ano ba para sa atin ang simpleng kahulugan ng tunay na kalayaan...
papa, wah me flyyyyyyyy...! ika nga ni barbra
hindi totoo ang kalayaan walang kalayaan
Freedom is a state of mind. Ang kalayaan ay nagsisimula sa ating sarili, we have to free our minds from the past.
Baka pag nagkaroon na tayo ng bagong presidente makita mo na ang hinahanap mo. =)
Mabuhey! Happy Independence Day!
@kaibigang bampira..kindly repeat the question..yes, kindly repeat the question is my final answer..<*bow wioth poise that could put celia rodriguez and bb gandanghari into shame*>..hahahaha
yan ang sagot ko sa post mo sa post ko..hahaha
lab lab
Post a Comment