Tuesday, 9 June 2009

Salamin

Muli mong tiningnan ang iyong repleksyon.... Sinuri nang mabuti .... Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ... At ikaw ay napailing.

Ganito ka araw-araw. Tinitingnan ang sarili sa salamin. Sa bawat sandali na siya ay iyong sinisilip, iba't ibang emosyon ang iyong nadarama. Pero sa araw na ito, nakita kitang malungkot at may kaunting takot.

Ilang taon mo na ba itong ginagawa? Hindi ko na rin matandaan. Marahil napagod na din ako sa kakasilip sa'yo. Ang kulit mo kasi. Bakit ba masyado kang apektado sa iyong nakikita? Akala ko ba tanggap mo na ang kulay ng iyong balat. Ang hugis ng iyong mukha. Ang hubog ng iyong katawan. Akala ko ba, handa mo nang ipasilip sa iba ang repleksyon mo? Akala ko ba handa mo nang palayain ang iyong imahen?

Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita?

Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin.

12 comments:

wanderingcommuter said...

aaawww. bakit kasi kailangan matakot sa sariling repleksyon kung ang pinapakita naman nito ay kung sino ka?

2ngaw said...

Sabi nga nila, minsan mahirap tanggapin ang katotohanan...

The Pope said...

Let us not judge ourselves based on physical aspects or our past experiences which are bad. Be confident and love ourself for what we are. The principles and the belief system we have will help us create happiness in other people’s lives.

A blessed Tuesday morning.

HOMER said...

minsan we are deceived by our own eyes because we try to send a message to our brain to see our own reflection beyond what we truly are.. :)

gillboard said...

ang lalim...

<*period*> said...

<*KUMAKANTA NG 'REFLECTION' VERSION NI CRISTINA AGUILERA HABANG NASA TABING DAGAT ALA ARMIDA SEGION REYNA SA AAWITAN KITA*>

Jinjiruks said...

hmm. kaw talaga. ika nga ni kuya DK "the moment the world decides who and what your are is the moment you died", just stay the same, gusto kita na ganyan ka!

@off
nkausap mo si yas? kung tuloy kayo file ako ng leave. rain or shine ito!

Anonymous said...

hindi mo kailangang basagin ang salamin. sometimes, you don't have to have it all.

trust in yourself. confidence is a state of mind.

makakahanap ka din ng taong mamahalin ang nakikita mo sa salamin.

Hari ng sablay said...

buti nalang magndang lalaki ang nkikita ko pag akoy nananalamin,wahahaha

ngiilusyon lang,pgbigyan na.lols

Luis Batchoy said...

ganun talaga kasi minsan. I hope its just a phase

Yas Jayson said...

ikaw ay ikaw. walang madadaya.

Better Than Coffee said...

takot din akong makita ang repleksyon ko sa salamin at sa mgasasabihin ng ibang tao.

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com