..... 5 am natapos ang shift mo. hindi pa rin gumagana ang utak mo. hindi pa rin nag-aadjust ang bio clock mo dahil noong nakaraang linggo yan ang simula ng iyong shift.
..... 4 na oras pa ang hihintayin mo. Inaabangan mo ang pagbukas ng bangko. Pasukan na naman. Si bunso nag-aabang ng allowance. Hay, ang hirap din maging kuya.
..... 3 libo na lang natitira sa'yo. pagkakasyahin mo yan hanggang sa susunod na sweldo. gastos mo kasi. yan madami beses kang mag-isip bago gumastos. ilang araw pa ba bago ang sweldo?
..... 2 araw ka na sa bago mong trabaho. bagong assignment, bagong mukha, bagong pakikisama, bagong mundo. bagong plano. kelan kaya magbabago ang sweldo mo?
..... 1 lang ang napatunayan mo. dahil sa mga pagbabago sa linggong ito, LUMULUTANG ang isip mo. kaya hindi mo alam kung ano ang sinusulat mo. bakit ba 30?
dahil yan ang product pag na-multiply sa 2 ang total ng lahat ng mga numbers na naisip mo sa entry na to. Times 2 dahil dalawang araw ng LUMULUTANG ang isip mo.
Ayan.... Lumulutang ang 30th entry mo.
10 comments:
okay lang ang nakalutang. at least di ka pa nalunod. ;p
through and through. apir apir. :D
akala ko 30th bday mo ngayon.. handa pa naman sana ako batiin ka ng maligayang kaarawan!!!
kala ko bday mo rin eh!!!happy bday sana hehehe...
Kaya nung na-assign ako sa assignment ko, sinadya kong pahabain ang araw ng training ko. Para sa oras na isalang nila ako, hindi na lulutang ang utak ko.
pero 30 knba?
shet. ang hirap naman niyan. kaya mo yan tsong, i know you can :)
Kuya, baon ko? :)
akala ko rin bday mo. Kaso naalala ko kaka-28 mo palang. Ang bilis mo naman mag-bday. hehe
tsk. tsk. to number 3. i remember working for a callcenter and living from pay check to paycheck. grabe ang gastadora ko noon!
love,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Post a Comment