Wednesday, 6 January 2010

Ginto

Ito ang ika-50 kong blog entry.

Gusto kong magkwento.

Ito ang mga biglang pumasok sa pagod na utak ko:

1. Gusto ko na ipagpatuloy ang MA ko sa Educ. Pinag-iisipan ko kong UP or PNU.
2. Masaya ako ngayon. Ngayong araw din na to ang 1st monthsary namin. Sana magtagal. Magkikita kami mamaya.
3. " I am ready to receive my DEATH CARD, unprepared to leave the quality memories but excited to confront the challenges of 2010" - yan ang naisip kong isulat sa facebook ko kanina.
4. Na-stranded ako sa Mindoro ng dalawang araw noong Jan 3, 2010. Badtrip. Worst roro experience.
5. Nagkasakit ako noong VL ko sa probinsiya. Di ko tuloy na-enjoy ang pagbabalik probinsiya ko. buti na lang magaling na ako. Miss ko na ang makulit kong kapatid at ang Nanay ko.
6. Ipapaayos ko ang lap top ko ngayon. Sana talaga. maayos na.
7. Madami akong kaibigan na may resignation anxiety. Hay!
8. Ang gastos ng holiday season. Di ko lam kung paano magkakasya ang pera/allowance ko hanngang next pay day.
9. Me bago akong cell phone, sapatos at damit. Parang bata haha. Regalo sa sarili.
10. Gusto ko na talaga magturo. Hindi ko alam kung paano magsisimula.
11. Marami akong plano sa 2010. Hindi ko rin alam kung paano sisimulan.
12. Hindi na ako iinom ng softdrink.
13. Iiwasan ko na ang alak.
14. Magtitipid na ako.
15. Di na ako gagamit ng Credit card. waaah. stressful.
16. Kailangan ko na mag-exercise. Mabilis akong mapagod.
17. Aayusin ko ang mga pictures ko. Gagawin ko ang scrapbook.
18. Aayusin ko na din ang resume ko. Kailangan kong i-update ang mga details ko online.
19. Kailangan ko i-renew ang PRC license ko.
20. Ipapamigay ko na ang mga damit na hindi ko na isusuot.
21. Gusto kong mag-aral ng bagong language. hmmm.
22. Gusto ko mag-aral magluto.
23. Bibigyan ko na ng time si bro. Bihira ko na lang siya dalawin.
24. Gusto kong maging Graduation speaker sa HS Alma Mater ko. Madami akong gustong sabihin sa mga parents at teachers.
25. Sana makapag-out of town ako this year. Gusto ko bumalik sa Sagada o kaya pumunta sa Ilocos.
26. Magbabasa na uli ako ng Bible.
27. Kakamustahin ko lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Bibisitahin ko sila.
28. Iiwasan ko na ang ice cream at chocolate.
29. Manood ako ng Cinemanila, Cinemalaya at Cine Europa. Matagal na akong hindi nakakapanood at nakakaatend ng ganitong mga events
30. Babasahin ko ang "The Secret" para mainspire uli ako.
31. Dadalawin ko uli ang UP Campus. kakain uli ako sa Rodics at tatambay sa sunken garden.
32. Update ko na din ang emails ko.
33. Papanoorin ko ang Avatar.
34. Magtitipid na ako sa load. Tatawag at tetext lang ako kung kinakailangan.
35. Lagi na ako bibili ng prutas.
36. I papabook bind ko yung mga notes ko ng college na hindi ko maitapon tapon.
37. Kakamustahin ko yung mga estudyante ko dati. Aalamin ko kung ano na nangyari sa kanila
38. Gusto kong umatend ng seminar/training.
39. Gusto kong manood ng UP Fair
40. Papadalhan ko ng Valentines/birthday/christmas card ang mga mahal ko sa buhay ngayong taon. Gusto ko maexperience uli ang pumunta sa post office.
41. Dadalawin ko yung mga teachers ko noong elementary at highschool.
42. Makikibalita ako sa mga dati kong dormmates sa Yakal.
43. Manonood ako ng PBA Game, Concert sa Araneta at Live UAAP Cheerdance
44. Gusto ko mag donate ng dugo.
45. Hindi na ako masyadong mag-kakape
46. Try kong magpahaba ng buhok.
47. Lagi ko na i-uupdate ang blogspot ko.
48. Lagi ko na isusuot ang eyeglasses ko para hindi na ako sabihang suplado.
49. Masaya ako ngayon.
50. Kakapagod magsulat.

“Stories are like fairy gold, the more you give away, the more you have.”




5 comments:

itsMePeriod said...

maaari bang sumabay ako sa iyo sa trip mo sa UP?

up ka na lang tol

pero oo, matinik din sa PNU, kaso puro tradisyunal ang approach,,old school kung old school

Jinjiruks said...

so nice naman na marinig na 1st month niyo na. im happy for you

bampiraako said...

@ Anteros -- Sige sabay tayo sa UP. Hirap lang kasi sa UP hindi friendly ung sched sa mga working students. Sa PNU naksched talaga sa weekends ang mga klase.

@ Jin. -- Nagulat din ako na umabot ako ng 1 month. So far ok naman. Hope to see you soon. Tagal na natin di nag-uusap.

Pinoyrocks said...

PNU - They only hold classes at the weekend,so you can always go to Malate afterwards.

UP - Classes at night might make you think twice.

Or,since you've been wanting to teach, try applying in small colleges like STI,Fatima, and the likes. They offer Masterals as well.

Anonymous said...

parang bucket list mo talaga to Erik. miss na kita pareng Tonying! ang tahimik ngunit malalim na batis.