~ Blogging is best learned by blogging...and by reading other bloggers. ~ George Siemens Libangan kong magbasa ng mga blog entries ng iba. Siguro nga dahil isa akong bagong silang na bampira, kailangan ko ng maraming madugong kaalaman mula sa mga de-kalidad na utak at pambihirang puso para higit na maging malakas sa mundo ng blogosperya. Magandang panghasa din ito sa napupurol kong utak, inspirasyon para matinong makapagsulat at gabay para maging matapang sa patuloy kung paghahanap sa aking sarili-ang pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang mundong MorOnMe. Sa aking paglalakbay sa iba't ibang mundo, natuklasan ko ang samot'saring kwento at karanasan na nagpatuwa, nagpaiyak, nagpakilig, nagpatawa at nagbigay inspirasyon. Kaya naisip ko na ibahagi ang kakaibang karanasang ito. Aking ilalahad ang aking personal na listahan ng pinakatatanging likha ng mga hinahangaan kong manunulat. Ang lahat ng ito ay nabasa ko( January 2009-April 2009) at tumatak sa aking puso at isipan.
10. beyond repair ni
jay veeTama ang isa sa mga nagbigay ng puna sa entry na ito. kakaiba ang treatment na ginawa ni jv sa pagsulat at paglabas ng kanyang emosyon. Sobra nakarelate ako. Madami din akong mga pinagdaanan sa buhay at kadalasan, hinahayaan ko na lang mangyari ang dapat mangyari. Tinatanggap ko na lang. Pero naisip ko, minsan kailangan din siguro nating subukan baka may magagawa pa, may pag-asa pang ayusin.
at
Expensive Day [Mahal Na Araw] ni
bioniclugawGusto ko ang kuru-kuro ni bionic tungkol sa pagiging relihiyoso at ang pagkakaiba nito sa pagpapayaman ng aspetong ispirtwal ng pagkatao. Isang mahusay na pagpuna sa kung ano talaga ang kasalukuyang nangyayari. Naalala ko tuloy ang papel na ginagampanan ni Gloria Diaz at Hilda Koronel sa pelikulang Nasaan Ka Man. Gusto ko din ang istilo ng pagsusulat ni bionic. Astig! Tanong ko din: Paano nga kaya kung me silya-elektrika sa panahon ni Bro?
9. The Promil Kid Goes to School ni
yoshkeHindi pa man ako nagsisimulang magsulat, tagahanga na ako ng mundo ni yoshke. Isa ako sa mga natutuwang tagabasa ng kanyang Promil kid Series. Super cute at kakaaliw talaga. Ibang klase ang pamangkin. Isa siyang super pamangkin! Dapat siya ang kinuha sa Promil commercial tapos sasabihin niya:
Because I’m so smart. I kept on answering Teacher Janna’s questions. I answered all her questions. And I stood up and sat again and stood and sat and stood and sat again. It’s tiring. I’m sooo tired. I’m soooo smart .
8. Rolando ni
daboTawa ako ng tawa ng mabasa ko ang entry na to.Parang naalala ko ang mga kwento ng batang naiihi sa kama pagkatapos managinip ng mga bagay na may kinalaman sa tubig. Pero nang basahin ko uli, parang naging iba ang dating sa akin. Parang ang talagang pakay ng pagkasulat nito ay ipakita ang isang kahilingang mapalaya ang sarili sa mapanghusgang lipunan. Ang inahing manok ay isang simbolo ng malayang sarili-na inaasam ng nakakarami. O baka naiisip ko lang yun. Dahil natatae na ako sa katatawa!
para kay dabo: Paumanhin po kung naipost ko ung profile pic mo nag walang paalam. di ko po kasi nagawan ng paraan ang header ng site mo. Ipagpatawad!
7. Lucky Me! ni
PinoyPozNa-inspire akong basahin to. Saludo ako kay pinoypoz sa pambihirang katatagan at pagiging sobrang tapang. Pagkatapos ko mabasa to, parang naisip kong ang OA ko magreklamo sa mga bagay-bagay na pinoproblema at kinaiinisan ko. Lucky Me dahil naligaw ako sa site at nabasa ko ang mga inspiring at informative na entries. Nakatulong talaga to para lagi na ako magTHINK POSITIVE.
6. Single ni
Chuck SuarezRequired Reading sa lahat ng mga single. hahaha. Isang nakakaaliw na listahan ng mga dahilan kung bakit dumadami ang bilang ng kagaya kong single at loveless. Parang hinakot ko ang mga dahilan...Aray ko po!
5. Break-Up Chronicles: "Austronaut-ing" (April 7, 2009)
masalimuot kong pag-ibig
http://missoxymoronic.tabulas.com/"Break it to me gently, if you have to then tell me lies"...Grabe tong entry. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Saludo ako sa tindi ng pagmamahal niya. Ganito siguro yung nararamdaman ng taong bibitayin o may sentensyang kamatayan-parang kandila, unti-unting nauupos. Ito siguro ang sagot sa beyond repair entry ni jv. minsan, kailangan nating tumayo at lumaban dahil ayaw nating mawala ang pinakamahalagang tao sa buhay natin kahit masaktan pa tayo nang sobra-sobra. Kahit masabi mo pa na
it's killing me softly..
4. Never Late ni
twink
Ang ganda ng pagkasulat ng letter para kay Goldie. Ang swabe ng pagkasabi ng kanyang hinanakit at pag-asa na sana sa bandang huli, pagdating ng tamang panahon, maging sila. Hirap na ganitong sitwasyon. Parang nagmamakaawa ka ng atensyon. Parang pelikula ni Ate Vi, Palimos ng Pag-ibig. Siguro habang sinusulat to nasa background ang kanta ni Rannie Raymundo:
Why can't it be? ...waaaah. Isa ata to sa mga nabanggit na dahilan sa single entry ni chuck. Pero napakabrutal ni Goldie. Friendship na nga lang, ipinagdadamot pa. Minsan naisip ko, ako ba si Goldie? o ako ang gumagawa ng sulat para kay Goldie?...hay!
twink: Sorry din po at profile pic ang nagamit ko. di ko din po magawan ng paraan ang header e.
3. The Second - Guessing Game ni
Maxwell5587"The first one to fall is the first one to lose... " -- Poetic, beautifully written, sensual -- ito siguro ang best description ng entry ni maxwell. Ang ganda ng pagkabuo. Galing-galing! Pero: a.) gusto ko mainis kung bakit ganun siya nag-end. Naalala ko tuloy ang last part ng Love of Siam b.) kakabilib dahil grabe ang self-control o baka duwag lang sila pareho.
2. MARK SATO ni
EPinaiyak ako ng blog entry na ito. Wala na talaga ako masabi! Asan man si Mark Sato ngayon, sobrang proud siya kay daddy E. Sana lahat ng mga tatay at anak na kagaya ko magkaroon ng chance na mabasa to. Very inspiring!
1. SA PAGITAN NG LIWANAG AT DILIM ni
MIke AvenueLupit ng story telling ni Mike. Ang galing niyang magsulat. Kakaiba! Yung title pa ng blog entry para lang libro sa filipiniana section ng mga book stores. Isa itong magandang alay sa lahat na patuloy na lumalaban para sa kapakanan ng nakararami. (masyado naman ata ako makabayan) Mahirap talaga ata maging bayani. Da best!
Ito ang kompletong listahan ng 10 pinakapaborito kong blog entries sa q1 ng 2009. Gagawa uli ako para q2 (May-July). Gusto ko rin bigyan pansin ang kakaibang mundo nina:
wanderingcommuter,
MkSurf8,
Jamie,
Aris at
elYAS. Salamat sa malikhain, malikot at makulit na imahinasyon. Salamat din kay
The Pope sa daily slice of bread. Sa iba pang mga manunulat, ipagpatuloy ang pagbabahagi ng inyong malulupit, astig at pambihirang mga kwento at karanasan. Dalangin ko na hindi mapagod ang brain cells nyo at hindi matuyuan ng creative juices. Sana lalo pang maging makulay ang ating paglalakbay. Ating tandaan ang munting paalala ng isang Blog Addict:
~ A blog is a personal diary. A daily pulpit. A collaborative space. A political soapbox. A breaking-news outlet. A collection of links. Your own private thoughts. Memos to the world. ~
Maligayang Pagsusulat!
8 comments:
Aba! Na-ekstra ako dito.
Salamat po. Nakakagalak ng damdamin na malaman na may "bampira" palang natutuwa sa isinusulat ko.
Sana, ipagpatuloy nating lahat ang magandang simulain ng pagsusulat upang maiparating sa buong mundo ang ating mga nasasaloob.
Mabuhay ka!
Mike Avenue
sapagkat ikaw at ako ay iisa...
maraming salamat sa pagbanggit sa akin at sa pagbabasa sa blog ko. sana patuloy kang mapasaya ng mga sinusulat ko. ingat always. :)
salamat ng maraming marami!
be good bampira! :)
musta bampira. napadaan lang sa blog mo mula kay semaj.
wow, salamaaaaaaaaaaat! :)
ngayon ko lang to nakita. salamat sa pagsali sa akin dito :D
Wow, salamat mamang Bampira!
tenks man! i really appreciate it.
Post a Comment