Friday, 3 April 2009

CHEAPest, CHAOtic Apology


27March2009- Ito ang araw kung saan tumaas ang blood pressure ng mga Pilipino dahil sa nakakagalit, nakakainis at nakakapag-init ng ulong pahayag ni CHEAP (Chip) Tsao, isang Hongkong columnist na nagsabing ang Pilipinas ay bayan ng mga utusan. Ang malisyosong pahayag na ito ay gumising ng damdaming makabayan, naging laman ng mga diyaryo't blogs, naging mainit na balita sa radyo't telebisyon at paboritong paksa sa mga kwentuhan, tsismisan at tambayan.

Bilang isang anak ng OFW at makabayang Pinoy, isa ako sa mga labis na nasaktan. Naisip ko tuloy gumawa ng mga personal na mungkahi kung paano makaganti kay Cheap Tsao. Narito ang APAT kung mga mungkahi:
A. Ipagpalit siya sa mga bihag na Red Cross Volunteers ng Abu Sayaff . Para naman mabingi siya sa pagsabog ng galit na galit na mga sinasabi niyang utusan. Sana lang hindi siya makawala baka kasi maisulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga terorista at kidnappers.

B. Dalhin siya sa Crocodile Farm. Sigurado ako matutuwa at matatawa ang mga buwaya. Dahil diyan, pede siyang tawaging happy meal- Isang Chauvinist Chinese Pig. Baka nga lang masuka ang mga buwaya dahil sa kapal ng mukha at cholesterol ng utak. At kapag makawala siya, baka maisulat pa niya na ang Pilipinas ay bayan ng mga buwaya. Sigurado magagalit at mapipikon si Mahal na Pangulong Gloria.

C. Patakbuhin siya ng hubo't hubad sa EDSA (ala Oblation run). Simbolo ito ng kawalan niya ng kredibilidad at kawalan ng puso at matinong pag-iisip. O dahil isa siyang Chinese national, subukan kaya niya ang Great Wall of China. Kaya lang kapag sa Edsa, makikita niya kung gaano katraffic sa Pilipinas at dahilan kung bakit me ganto katinding problema sa Pinas. Baka dahilan pa ito para maisulat niya na tayo ay bayan na matraffic at walang disiplina.

D. Dahil malapit na ang Semana Santa, ipako kaya siya sa krus dun sa may bundok ng basura sa payatas. Para naman maramdaman niya ang hirap at sakit ng bawat OFW na nagtatrabaho ng maayos. At maisip din niya na ang kagaya niya ay mukha at isip-basura. Pero dapat habambuhay na siya nakapako kasi kapag nakawala yan at gumaling ang mga sugat, baka isulat niya na ang Pilipinas ay bayan ng basura.

Hmmm. Paano kaya kung putulan na lang siya ng mga kamay para hindi makapagsulat o kaya ay tanggalan ng dila para hindi na makapagsalita. Kaya lang parang wala rin yung pinagkaiba sa maraming mga pilipinong mamamahayag na nawalan ng boses at buhay mailabas lang ang katotohanan. E, totoo ba ang sinasabi ng Cheap Tsao na yan? Ewan. Sabi ng pelikula ni Winona Ryder, Reality bites. Sabi din naman ng iba, the truth will set you free. Pero sigurado ako natakot din yang Cheap Tsao na yan sa pedeng gawin ng mga Pilipino sa kanya. Kaya siguro nung martes, humingi na siya ng paumanhin sa sambayanang Pilipino. Nagkaron pa ng iba't ibang reaksyon ang mga pinoy. Pero iniisip ko din, paano kung si Cheap Tsao ay salamin ng imahen na nakikita ng ibang tao? Ano kaya ang dapat nating gawin? kailangan kaya nating basagin ang salamin dahil masakit sa mata ang repleksyon nito? baka kailangan nating palitan o kaya takpan? Baka naman kailangan nating tingnan ng mabuti ang repleksyon natin sa salamin. Malay natin kulang lang tayo sa paligo, magulo lang yung damit o kaya di lang tayo nakapagsuklay. Baka kailangan natin baguhin ang ating sarili para pag tumingin tayo uli sa salamin, isa nang pogi, maganda, maayos at kaaya-ayang repleksyon ang makikita. Tuloy naiisip ko, siguro hindi lang si Cheap Tsao ang kailangang mag sorry. Baka kailangan din ng mga tuta, mga buwaya at ahas sa Pilipinas.

Pero siguro.. Sinuman yun, Anuman yun at kahit ilang milyong beses pa ulitin ang famous line na I-A-M-S-O-R-R-Y.. Isa pa rin itong CHEAPest, CHAOtic Apology.

Sana naman magkaroon na tayo ng bagong salamin at bagong imahen sa 2010.

1 comment:

Visual Velocity said...

Grabe naman yung CHEAP Tsao na yun. Dapat sa kanya ipako sa cruz, latiguhin, at ibitay ng patiwarik. Tamang-tama, malapit na mag-Holy Week, I'm sure ganado si CHEAP Tsao magpenitensya ngayon. Ehehehe.