ang taong minahal mo nung nakaraan, hindi mo makakalimutan kahit kailan - sabi-sabi sa tabi-tabi.
Abril - Ito ang hindi mo malilimutang buwan. Nagkakilala kayo sa panahong wala pa ang social networking. Kinalolokohan pa nun ang mga kakaibang private rooms sa yahoo chat. Hindi pa jologs sa mata ng nakararami ang mirc. Sikat at walang karibal ang nag-iisang Malate--ang itinuturing na tahanan ng naghahanap, hinahanap at nahanap na sarili. Yun ang panahon na naghahanap ka ng kakampi..ng karamay. Ang panahon na gabi-gabi kang umiiyak dahil naiinis, naaawa, natatakot ka sa iyong sarili. Ito ang panahon ng pagtuklas at pagsisimula ng iyong paglalakbay upang hanapin ang sagot sa mga makukulit mong tanong.
Text- Ang naging daan ng pagkakilanlan...Naging tawag- lalo na sa panahon na uso pa ang free calls ng mga higanteng mobile networks. Siya ang iyong naging kakampi. Siya ang naging gabay mo upang matapang na tahakin ang bago, sanga-sangang mga daan at paano basahin at intindihin ang mga komplikadong road signs . Hanggang...napagkasunduan ang isang pagkikita. Ito ang unang tikim mo sa sistema ng EB.
Intramuros- Dito nagsimula ang lahat. Dito ninyo binuo ang isang napakagandang samahan. Dito isinilang ang katauhan ni Japs. At dito mo isinabuhay ang gintong aral: magkaibigan kayo. Meron pa kayong kakaibang pangako: anuman ang mangyari, magkaibigan tayo. kahit me asawa at anak na tayo. walang magbabago. walang bibitaw. HINDI PEDE TAYO. Kasi pag tayo, pag naghiwalay, magkakagalit tayo. Naging maayos ang lahat..naging ok ang simula. Siya ang ang iyong ka-party para maglevel up sa panahon na addict ka sa khan at tantra. Naranasan ninyong matulog sa Luneta habang pinag-uusapan ang makukulay na pahina ng inyong buhay . Nagkaroon kayo ng monthsary ng pagkakaibigan. Alam niya na kumakain ka ng ice cream kapag hindi ka mapalagay. Alam niya kung kelan ka naiinis, natutuwa at nalulungkot. Siya ang sumusundo sa'yo minsan kung me topak ka sa buhay. Marami siyang alam.. maliban sa isa. Mahal mo siya....kasabay ng pagbabagong anyo ng Intramuros ay ang pag-usbong ng kakaibang damdaming ito. mahal mo siya dahil kagaya ng naisulat sa librong para kay B, naramdaman mo ang tatlong K: Kabog, Kilig at kirot.
Apat na taon- Ganito katagal ang naging bunga ng iyong matapang na pagsuway sa gintong aral. Hindi mo alam kung paano nagsimula. Pero markado kung paano ang pagtatapos.
Japs: Pede pa ba tayo.? Magsisimula uli. Sigurado na ako.
Ikaw: Hindi ko alam. Parang napagod na ata ako magmahal sa'yo.
Marami ang nangyari. Siya lang ang tanging tao na naipakilala mo sa iyong piling mga kaibigan. Siya lang ang taong nakapunta sa bahay mo at naipakilalang kaibigan ng walang pag-aalinlangan. Siya lang ang taong hindi mo nahihiyang akbayan sa harap ng madla sa takot na pag-iisipan ka ng mga malisyoso't malisyosa. Siya lang ang tao na kahit binubura mo na ang number sa phonebook, kabisado mo pa rin. Siya lang ang napagsasabihan mo ng lahat. Siya lang ang hindi mo makakalimutan. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon takot ka pa rin.
"at noon narealize ni Lucas, tapos na sia kay Bessie. At tapos na rin sia sa kanyang mga kwento. Pag-uwi niya ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa sa mga iyon. Dahil hindi mo pedeng mahalin ang isang tao na hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot and bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng mga tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago, pero ka kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala na ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na." - Para kay B ni Ricky Lee
14 comments:
oh may gulay. si japs? beta player ka ba ng khan? hindi mo ba ako napapansin dun? si Jinjiruks na sorcerer? small world.
emo ka na naman bampira. nakaka-relate ako sa mga sinasabi mo. been there. done that. pero hindi naman nawawala ang pagmamahal, nagbabagong anyo lang siya. salamat sa post at naalala ko na naman siya.
senyo nga ata ako nahawa ng kadramahan. ehe.
naiintindihan ko lahat ng sinulat mo, maski maraming mga matalinghaga at nagtatagong mga kahulugan. magaling na pagkakasulat. idol!
haha.
ipagpatuloy ang malayang pagsasatitik ng ideya, pangarap at mga ala-ala!
Yas
kasubo man sini ah. Puli di sa iloilo kay pamatchoyan ta ni!
binabasa ko ngayon yang libro na yan... Para kay B...
Anim na boteng beer lang ang katapat niyan. :-)
@jinjiruks- archer ata ako dun. hindi na ako active sa online games. kasabay ng pagkawala niya ang pagtigil ng mundo sa khan at tantra. emo nga ako lately. ewan ko ba. kinabahan naman ako na kilala mo si japs.. hahaha
@elyas- maraming salamat parekoy. kakataba ng puso! D best ka din magsulat at pareho nga tayong madrama.Sige, ipagpatuloy natin yan!
@Luis batchoy-mapuli ko siguro sa dec. sige libre mo lapaz batchoy! hahaha. kitakits!
@Gillborad- nagandahan ka ba sa buk? tingin ko kasi mas magiging makulay yung mga linya dun kapag binitawan pelikula o tv. namiss ko lang siguro yung trip to quiapo style of writing niya.
@Andy- di ko ata kakayanin ang 6. medyo hinay-hinay na ako sa pag-inom ngayon e. pero sige samahan mo akong itumba ang pulang kabayo ni mang miguel.
and if not for this blog, i wouldn't have known you better. thank you blogspot! whatever it is that we know or we don't know about each other, you'll always be one of the few special people in my life. i love you my son!
tae! mali yung username na nailagay ko, masokista talaga ko!
hehe. ikaw kelan mo ba gusto ng wet meetups? bampira eh dracula fan ako. pag nakapag ipon gusto kong pumunta sa Romania
nung nalaman ko na nag-release si rickly lee ng libro agad ko yungbinili. maganda siya, pero habang binabasa ko siya iniisip kong mas maganda siyang isa-pelikula.
is Para Kay B really a good book? cause if it iz..i'd buy it soon :D
finally kilala ko na si japs dan!
Post a Comment