Sunday, 5 April 2009

PITO-PITO


Pito, se7en, SIYETe - Ito ang isa sa mga makulay at pabibong numero sa larangan ng kultura, relihiyon, sining at iba pa. Sino ang makakalimot kay Snow White at ang kanyang 7 duwende. Lahat ay alam na may 7 kulay ang bahaghari, 7 araw sa isang linggo, 7 Wonders of the World, 7 continents, 7 deadly sins at kahit si Harry Potter, may 7 libro. At dahil malapit na ang semana santa, alalahanin din natin ang 7 last words ni Bro. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang pito-pito ng namayapang si ka Ernie Baron. Hindi ata lahat e alam ang pito-pito; na sabi ng nanay, tita at mga kapitbahay ko ay mabisang uri ng cleansing diet. Naisip ko tuloy sa panahon ngayon na bida ang salmonella at iba't ibang sakit na dala ng bacteria, pito-pito ang mabisang panlaban. At ngayong Semana Santa- sa panahon na kailangan nating magnilay (sa mga magaganda at di masyadong ok na mga pangyayari) at magbigay pugay kay Bro, pede kayang maibsan ng pito pito ang panghihina ng aking pisikal at ispiritwal na katauhan?

Wala naman sigurong masama kung aking susubukan. Gagawa ako ng sariling kong pito-pito. Mga pitong gawain o bagay na iiwasan ko ngayong Holy week bilang tanda ng pagkilala sa pasakit na ginawa ni Bro.

7. TIGIL PASADA. Tricycle ang laging karamay ng mga pagod kung binti't paa tuwing umuuwi galing sa pagbabanat ng buto at pagpapadugo ng utak. Lalo na ngayon at summer, isang malaking hamon ang paglalakad. 3pm pa naman ang uwian ko. Pero para kay Bro, titiisin ko ang hagupit ng mahal na araw. Sabagay, exercise na, tipid P15.00 pa. Galaw-galaw sa tag-araw!

6. DECAF. Isa akong certified coffee-drinker. Adik sa kape. It's my own brand of heroine (pahiram po ng linya Mr Edward Cullen) Pero, hindi naman ako tambay ng mga sosyal na coffee shops. 3-in-1 lang, nasa alapaap na ako. At ngayong Holy Week, mapapasaya ko ang mga taong lagi kong nauubusan ng mainit na tubig at nauunahan sa pila ng vendo. tubig-tubig muna to. Cheers!

5. SWEET SWITCH. Mahilig din ako sa matatamis. Mahigpit akong karibal ng mga langgam. Suki ako ng DQ at Weakness ko ang mga tsokolate. Pinakapaborito ko ang Sneakers. At kapag sneakers diet muna ako sa loob ng 6 na araw (siguro naman pede na kumain sa Easter Sunday), 36*6=P216.00 ang matitipid ko. Matutuwa pa ang Toothpaste at Toothbrush ko dahil napapadali ang trabaho nila. I have Pearly white teeth.

4. NO CARBS. Lamon. yan ang palaging sinsabi ng dyosa kong kaibigan kung paano ako kumain. Paano naman umaabot ako ng 3 plato ng kanin lalo na kapag sinigang ang ulam. Kaya siguro, palaki nang palaki ang TIYANak ko. Pero simula ngayon, 1 plato na lang. Pramis! baka sakaling ang binawas ko ay maging dahilan ng 2-packs. (Mali ka Eloisa, May Himala!)

3. OFFLINE. Ang pagkatuklas ng Internet ang isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ng tao. Dahil dito, Ang lahat ay isang klik na lang. At kung ang pag-oonline ay tulad ng pagpasok sa trabaho o eskwela, malamang Best in Attendance ako. Pero dahil ang darating na semana ay alay para kay Bro, kakalimutan ko muna si http://www.peyups.com/. pati na rin si http://www.yahoo.com/. Magpapahinga muna ako sa blog hopping hobby ko at hindi ko muna dadalawin ang friendster at facebook account ko. Bibigyan ko muna ng oras ang Magandang Balita ni Bro. Amen!

2. aSEXual. Malibog ba ako? Siguro. Hindi ko alam. Minsan. No comment na nga lang. Pero sigurado ako at 100% kapanalig na sex is the best way to fight stress. Garantisado! Pero Is it the right way? hmmm. siguro kailangan kong irebyu ang sex life ko...privately. Sa panahon ng raging hormones, susundin ko si biogesic man. Mag-iingat ako. At para kay Bro, No to pork, beef at ipapako ko ang 2 kamay ko. Panginoon, ilayo mo po ako sa tukso.

1. MESSAGE FAILED. Adktus me sa txt. lgi me unlitxt. lagi frwrd mesej sa frnds. wer u? msta?. Isa akong texter. Bahagi na ng araw-araw kong adventures ang aking mobile phone. Kapag naiwan ko to, babalikan ko pa talaga. Hindi ata kompleto ang araw ko pag-alang telepono. Kaya marahil, ito ang naisip kong pinakamahirap iwasan. Waaah. Hindi ako magtetext. Hindi ko makukulit si big bro, lil bro, bunso, hot, super hot, supernova at kung sinu-sino pa. Hindi ko mababasa ang mga korni, cute at inspiring forwarded messages. Kaya lang, kailangan ko din maging silent mode. Dahil sa pagiging texter ko, busy line ko kay bro. lagi na lang siya call waiting, nakahold. Nakaka alarm na din baka dumating ang araw, kapag napagod na siya sa missed calls at magalit sa dropped calls, out of coverage na ako sa mata ni Bro. Sige na nga. save ko na message ni bro sa memory card. Sige po. turn off ko na.

So pano, Palm Sunday na! Sisimulan ko na.


*** Sana mapagaling ako ng pito pito ****



11 comments:

Yas Jayson said...

naks. apir apir.

di ko alam kung pano nagsimula ang pagdalaw mo sa itim kong portal. pero salamat. at mukang magkakasundo tayo kuya!

yey, balik ka ulit. pito pito!

bampiraako said...

tingin ko pareho ang uri ng basura na lumalabas sa utak natin. hehehe. Magkakasundo tayo bunso. hahaha.

Nasa listahan na kita na madalas kong dadalawin

missoxymoronic said...

nahiya naman ako when i read your post my son! siguro ganon na nga ka-poor ang aking spiritual life at siguro kaya rin ako bothered ngayon dahil kailangan ko ng spiritual guidance... makagawa nga rin ng pito2 ko... hahaha... i'll miss you tomorrow, see you sa thursday!

E said...

goodluck sa pito pito! mag oocho ocho na lang ako pag magaling nako LOLZ

bampiraako said...

@e, susubukan ko yang suggestion mo!

Salamat sa dalaw at pagpapatikim ng bananaque!hehe

The Pope said...

Purihin ka sa iyong napiling pito-pitong penitential sacrifice, Bro will surely reward you on your spiritual offerings.

Best regards.

Anonymous said...

fave number ko pito, seven.

sana mapagaling ka ng pito-pito mo. :)

Visual Velocity said...

Hindi ko yata kayang gampanan 'tong pito-pito mo, mejo ibang level kasi ang pagiging pasaway ko pagdating sa anumang spiritwal. Gayun pa man, binabati kita dahil mukang desidido ka talagang mapalapit kay Bro. Idol!

Teka, sa UP ka ba gumradweyt? Kung gayun, pareho tayo. Let's volt in! Ehehe.

Anonymous said...

hehe..gudluck..sana makumpleto ang pito-pito to do & not to do list mo.. :D talagang seryoso sa paggunita ng holy week ah..

bampiraako said...

The Pope, salamat sa pagdalaw. Di ata ako naging matagumpay.

choknat, ngayon ko naisip na fave number ko ang 7. hehehe

Andy Briones, lolo ko din si Oble.Dugong Maroon din ako.

pugadmaya, waaah. its 4 out of 3.

Alice said...

kahit kelan jacob nakaka-disappoint ka! di mu natupad pito pito! hmf! di bale di naman ako talaga umasa na matutupad mu yan! ikaw pa! pano ka mabubuhay ng walang kape lalo na cellphone!? ahahahaha! but i like your header pic kasi ako pumili nyan! ahahaha! anyway it fits the moron that you are! bwahaha! i love you!