Tuesday, 26 May 2009

My # 1 Foreign Language Film

Bago ko sabihin ang nangunguna sa aking mga paboritong foreign-language movies, gusto ko magpasalamat sa pambihira at natatanging mga pagtitipon gaya ng Cine Europa, Cinemanila, Eiga Sai at Pelikula at Lipunan (di ko alam kung meron pa nito) na nagbigay sa akin ng pagkakataon na masilip ang kultura at husay sa sining ng pelikula ng nga lahing dayuhan . Hindi rin ako magsasawang pasalamatan ang UP Film Center na naging tambayan ko at nagpakilala sa akin kay World Cinema. At para sa aking # 1. Silipin mo ito

1. Y TU MAMA TAMBIEN (AND YOUR MOTHER, TOO) 2001 - Mexico

"Truth is cool but unattainable" -- Julio Zapata

PLOT: Abandon by their girlfriends for the summer, teenagers Tenoch and Julio meet the older Luisa at a wedding. Trying to be impressive, the friends tell Luisa they are headed on a road trip to a beautiful, secret beach called Boca del Cielo. Intrigued with their story and desperate to escape, Luisa asks if she can join them on their trip. Soon the three are headed out of Mexico City, making their way toward the fictional destination. Along the way, seduction, argument and the contrast of the trio against the harsh realities of the surroundingpoverty. (Imdb.com)

Luisa: You have to make the clitoris your best friend.
Tenoch:What kind of friend is always hiding?

(dialogue courtesy of Imdb)

Sabi ng Bampira: Napanood ko to sa Instituto Cervantes sa Taft. At pagkatapos nun, hindi ko na siya makalimutan. (kaya bumili ako ng vcd) Isang kakaiba at simbolikal na road trip movie tungkol sa buhay at pagtuklas ng sarili. Napakasenswal at intelektwal. Ang galing kung paano ginamit ni Cuaron ang ideya ng road trip bilang paglalakbay sa hamon ng buhay. Kung paano tinitingnan ng manlalakbay ang iba't ibang isyung kanilang nadadaanan. Effective ang paglagay niya ng narrator. Nakakaaliw ang mga side comments nito. Ito ang nagsasabi kung ano ang nararamdaman at naiisip ng 3 pangunahing karakter. Nagamit din ito ni Cuaron para ikwento ang backstory ng 3 at ang politikal/sosyal na larawan ng Mexico. Gusto ko kung paano tinapos ang kwento. Kasi katulad ni Tenoch at Julio, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari habang patuloy tayo na naglalakbay sa hamon ng buhay. Gaya ng sabi ni Ana: "life is like the waves you just have to go with the flow."















salamat sa imdb para sa plot, movie details at dialogue.
youtube para sa movie trailer

beyondhollywood.com,moviereporter.net,trailerfan.com,cinelmage,filhai.com,filmstarts.de para sa mga magandang imahen.

11 comments:

gillboard said...

Eto napanuod ko... nakakatawa to... lalo na nung naintindihan k yung ibig sabihin nung title.. ganda nito.. kwento kung pano natatapos ang pagkakaibigan.. hehehe

jason said...

meron din akong copy... ang ganda!

<*period*> said...

naaalala ko tuloy, yung copy ko, hindi ko na matandaan kung kanino ko ipinahiram..hindi na naibalik sa akin

ewan ko ba, pero hindi ko malimutan yung movie na ito..lalo na yung part na may sperm na lumutang sa tubig...

Jinjiruks said...

wahaha. sabi na eh. ito ang pinili mo. pwede namang amelie na lang. hehe. panood naman.

Aris said...

number 1 din ito sa listahan ko. there is something about this film na hindi ko matukoy pero kakaiba! i have watched this a number of times. :)

RED said...

san kaya pwede makakuha ng kopya nito,,

Jinjiruks said...

nakakalungkot naman wala ako sa blog list ni bampira!

HOMER said...

mukhang ok to ah!! :)

Mugen said...

Napanood ko ito nung unang pinalabas sa Pinas. Sa UP pa yata yun. Hehehe.

Jules said...

actually gusto ko rin tong movie na to :D hehehe.

uy pa link naman :D salamt pala sa pag fllow ha. exhange links tau?

Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

Visual Velocity said...

Good film; this is one of my favorites too. Gusto ko rin yung All About My Mother ni Almodovar.