Thursday, 21 May 2009

S.H.I.T


SHOWBIZ ...
Ang tawag nila sa iyong makislap na mundo.
Sandata mo'y mukha at nakakasilaw na alindog.
Kinakabaliwan ang hugis at kinang nito.
Inaasam at pinapantasya ng matang malilibog.

HAYOP ...
Ang metapora at pang-uri ng kanyang pagkatao.
Kakisigan at kahubdan ay pinagnasaan ng karamihan.
Na-halili-na siya sa iyong pambihirang kaseksihan.
Bulag ka sa kanyang angking kalo-kho-han.

ISYU ...
Ang turing sa matinding laban mo ngayon.
Laman ng diyaryo, radyo at telebisyon.
Kumalat sa youtube, pirated cd's at cellphones.
Pinagpyestahan, pinagkakitaan at pinag-uusapan.

TULDOK ...
Ang hangad ko sa kontrobersyang ito.
Marami nang biktima, ang katulad mong naeskandalo.
Itigil na ang drama, ilahad na ang katotohanan.
Tapusin na ang grandstanding, ibigay ang katarungan.

S.H.I.T nga naman!


*ang SHIT na ito ay personal na pahayag mula sa malikot na utak ng isang bampira. salamat pala sa duncancumming.co.uk para sa imahen

8 comments:

gillboard said...

kelangan talaga gawan ng post ang isyu ni katrina at hayden... hahaha

Lord CM said...

...at hindi lang basta post...isang magarang tula lolzz

Badong said...

haha. may effort talaga ang post para sa issueng yun.

yoshke said...

hahaha. grabe na ang isyu na yan, sila na lang nakikita ko sa TV.

HOMER said...

Overrated ang isyu! Pero kakaiba ang atake mo! Ayus!! :)

HARI NG SABLAY said...

isa na ko sa mga pinagpyestahan yang video na yan,lols

bampiraako said...

maraming salamat po sa lahat na nagbasa. Tama po kayo. Overrated ang isyu. Kaya, S.H.I.T (hehe)

Sana nga matapos na ito. Kasi mas madaming walang pangalang Eva ang hindi nabibigyan ng pagpapahalaga.

Igalang ang mga babae!

Andy Briones said...

Korek. Bow. =P