Saturday, 30 May 2009

Bente-Otso


All my life I had been looking for something, and everywhere I turned someone tried to tell me what it was. I accepted their answers too, though they were often in contradiction and even self-contradictory. I was naïve. I was looking for myself and asking everyone except myself questions which I, and only I, could answer. It took me a long time and much painful boomeranging of my expectations to achieve a realization everyone else appears to have been born with: that I am nobody but myself. ~Ralph Ellison, "Battle Royale"

28 Random Things About ME:

1. Apat na taon na akong Kolboy.--Dalawang taon sa isang American Mobile Company at dalawang taon din sa UK-based Mobile Company.

2. Sa loob ng apat na taon, ngayon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-aaply sa ibang posisyon. Napagod na din siguro ako o nakulitan na din ako sa pangungulit nila na mag-apply. Hindi pa tapos ang proseso..Goodluck sa akin.

3. Pagtuturo ang naging unang trabaho ko. Nagturo ako ng History (HeKaSi) sa Grades 3 -4 at Reading sa Grades 5-6. Naging Class Advisor ng Grade 4, Art Club Moderator at House Master. (Ginaya ng School na pinagtuturuan ko ang Hogwarts. Ang pangalan ng mga houses ay ayun sa mga Phil. Festivals)

4. P9000.00 ang pinakaunang sweldo ko. Dalawang taon ako nagturo. Hindi ko alam paano nagkasya to. Tama nga siguro ang Law of Supply and Demand. Gayunpaman, ito ang pinakamasayang taon ng pagtatrabaho ko.

5. Siguro kaya nagkasya ang no. 4 dahil sa tutorial job ko. Naging tutee ko ang anak ni Mr. Go Negosyo at ang 2 pinsan niya. Mababait naman sila.

6. Naranasan ko rin maging working student. Pinagsabay ko ang pagiging kolboy at pagkuha ng Certificate in Teaching Program sa PNU. Ginawa ko to sa loob ng isa't kalahating taon.

7. Produkto ako ng Public School System. Naglalakad nang 2.5 KM noong elementary, suki ng tricycle at trip mag top ride/sumabit sa dyip pag uwian noong Hayskul, walkathon/ suking pasahero ng ikot dyip sa State U at mrt/lrt sa PNU.

8. Sa 16.5 taon kong pag-aaral, buhay State U ang pinakamasaya sa lahat. Dito unang naganap ang pakikibaka at paninindigan ko laban sa TFI, campus repression at iba't ibang mukha ng isyung pampulitika (kasama ako sa picnic ng Edsa 2). Dito ko natutunan ang 3 S sa buhay: Service, Sacrifice at Survival.

9. Dormer ako sa loob ng 3 taon. Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod sa curfew, naranasan ko matulog sa sunken garden at papakin ng lamok sa lagoon. Dito din naganap ang pagkamulat na dahilan ng pagkasilang ni BampiraAko.

10. Mahina ako sa Math. Ito ang pinakamababa kong grade sa elem, HS at College. 3 (tres) ang grade ko sa Math 1. (Impiyerno ang Math bldng. Satanas ang Math prof. ko)

11. Nakuha ko na ang PRC licence ko. Isang patunay na certified crammer ako. Isang magandang alaala at napakahalagang bunga ng # 6. Sana makapagturo na uli ako at matupad ko ang balak na pag-enrol sa graduate school.

12. Frustrated film student ako. (magastos kaya wala nangyari sa frustration ko). Dream ko makagawa ng isang pelikula o makasulat ng screenplay. Sinubukan kong kumuha ng scriptwriting elective. Summer class yun kaya dumugo ang utak ko sa araw-araw na pagsusulat at kumapal ang mukha sa araw-araw na presentation. (hay..bangungot sa tag-init ang nangyari)

13. H.S. Freshman ako nang maranasan ang tinatawag nilang M.U. Torpe lang talaga siguro ako kaya noong Sophomore na ako binalak siya ligawan pero lumipat na siya sa ibang school. BampiraAko nang magkita kami uli.

14. H.S. Senior ako nang unang manligaw. Pareho kaming CAT Officer kaya lagi ko siya hinahatid pagkatapos ng training. Ayun binasted niya ako sa tapat ng simbahan. Mas gusto niya ang Battalion Commander namin. (X0 ako at S4 siya)

15. Binalak ko uli manligaw noong nasa State U ako. BA Socio. siya at klasmeyt ko sa isang elective class. Pero ala nangyari dahil sa # 9. Nagkagusto ako sa dormmate ko. Ayun, nagulo ang utak at puso ko.

16. Naranasan ko ang isang complicated relationship kay J. Tumagal ito ng apat na taon. Siguro traumatic ang experience kaya takot ako sa commitment.

17. Mahilig ako sa matatamis. Favorite ko ang Pistachio ice cream, sneakers na chocolate at blizzard na strawberry banana flavor ng DQ.

18. Monggo ang pinakagusto kong gulay. Kaya paborito ko din ang monggo bread at pati na rin ang hopiang monggo.

19. Mas gusto ko ang pasta (I Love Pesto) kaysa pizza, hilaw na mangga kaysa hinog. Gusto ko din ng spicy food kaya peyborit ko ang Shin cup at hot and spicy tuna.

20. Fan ako nina: Nicole Kidman, Bob Ong, Jars of Clay, SpongeCola, Anne Rice, Jeffrey Jeturian at Mike De Leon. Na-hook ako sa Twilight Saga, LOTR, Vampire Chronicles at Harry Potter. Naging avid reader ako ng Liwayway, tagahanga ni Kapitan Pinoy at natakot sa Isang Gabi ng Lagim (Mga drama sa DZRH). Binasa ko ang mga akda nina Helen Meriz, Gilda Olvidado, Nerissa Cabral, Caparas, Patron at si Mars Ravelo. Hindi ko makakalimutan si Jun Cruz Reyes (Utos ng Hari)

21. Certified KAPAMILYA ako.

22. Nagsimula ako bilang chatter, naging online gamer (Khan at Tantra), Lurker sa Peyups.com at Pinoy Exchange at ngayon isang blogger at blog hopper.

23. Naging hobby ko ang stamp collecting. (tinigil ko nang masira ng baha sa Marikina). Nagcollect din ako ng movie tickets noong college (kulit ng ticket sa UP film center), tickets ng Cine Europa at Cinemanila, concerts pati plays. (astig ang St. Louis Loves dem Filipinos at sino ang hindi makakalimot ng Rama at Sita?) UAAP tickets at ang cheerdance competition(Non-stop pa dati ang sponsor)Hindi rin nakalagpas ang ticket ko sa Enchanted at Nayong Pilipino..Ngayon, trip kong i-collect ang business matters column ni Francis Kong sa Star, Youngblood/Highblood sa PDI at 60 minutes sa Bulletin.

24. Ginagawa ko ang # 17 kapag depressed o malungkot. Trip ko din pakinggan ang 98.7 (DZFE/Master's Touch) kung gusto ko magrelax. Favorite place ko na pagsumbungan, pagkwentuhan o pasalamatan ang Padre Pio Chapel saka ang St. Jude Church sa Mendiola. Lagi ako nagsisimba sa Perpetual Help Church sa Cubao kasama ang Wonder Women.

25. Naranasan ko na mahold-up sa dyip. Walang nakuha sa akin pero nakakuha ako ng 4-stitches na sugat. Nabadtrip siguro dahil P50 lang ang laman ng wallet ko at naitago ko kagad ang cellphone ko.

26. Grade 4 ako nang sumama sa mga pinsan para magpatuli sa ilog. Yun yung ngunguya ka ng dahon ng bayabas at gagamitan ng labaha. Umatras ata si Jr. dahil sa takot. Ayun, sa hospital ako nagpatuli noong grade 5. (Me birthmark si Jr. kaya siguro makulit)

27. Hindi ako nagyoyosi. Mahina din ako uminom. (2bote, mukhang kamatis na. 5 bote, lasing na) Nearsighted din ako pero hindi ko palagi sinusuot ang salamin ko. Ginagamit ko lang to kapag nasa sinehan, classroom, nag-aabang ng sasakyan o pila sa fastfood. Kaya suplado daw ako kasi kapag wala akong salamin at kahit todo smile ka, hindi kita makikita. Moody din pala ako. Hmmm siguro kasi typical Gemini. (me ganun?)

28. <------ Ito ang edad ko ngayon. Ngayong araw, kung kelan pinost ang entry na to, ang kaarawan ko. (happy bday to me!) Salamat sa lahat na naging bahagi ng 28 taon na kakaibang road trip ng buhay.

Thursday, 28 May 2009

Kapitan Sino


"Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." Kapitan Sino, Bob Ong

.... Yan ang forwarded sms ni elYAS. Alam ko na merong Ika-7 libro si BO pero hindi ko alam kung kelan ilalabas. Isa ako sa mga avid reader ni BO. Kumpleto ako ng 6 niyang libro: ABNKKBNPLKo?!?, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at Mac Arthur. Kaya kinulit ko si bunso kung saan niya nabili. Bantayan bookstore daw. Saan yun? Salamat sa unlitxt promo ng Globe. Isa sa mga nakulit ko ay si Jinjiruks. Alam daw niya kung saan pero hindi niya matandaan. Waah. Nagtext pa ang isa:

Out of stock na sa Powerbooks. Meron daw sa MOA. Ala sa NBS.

Huh? WTF! Dahil siguro sobrang excited ako at ayaw magpahuli, pagkatapos ng tanghalian, kaagad naligo at sinubukan dalawin ang fully booked sa Gateway.

Miss meron na Kapitan Sino?
Meron na po. Pakitingnan sa Filipiniana section

Nagmadali naman ako. At nakita ko siya. Tiningnan ko muna nang matagal. Sabay sabi: Lagot ka sa akin. Kaagad ko siya kinuha at sinilip:

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon


Hmmm... kaya niyang lagpasan ang pinakapaborito kong libro? (Libro ni Hudas). Binayaran ko ang P175.00 at binasa ang text ng kaibigan:

Ngek, ngayon mo lang alam? Noong May 13 pa meron. Masyado ka ata busy. Available na yan sa lahat ng bookstores.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Inisip ko na lang siguro kailangan ko ng superhero sa buhay. Para naman updated ako. o baka naman dapat ako ang maging superhero. Ewan. Basta pagkatapos nitong entry na to, babalatan ko na at aalamin ang husay ni KAPITAN SINO..

Tuesday, 26 May 2009

My # 1 Foreign Language Film

Bago ko sabihin ang nangunguna sa aking mga paboritong foreign-language movies, gusto ko magpasalamat sa pambihira at natatanging mga pagtitipon gaya ng Cine Europa, Cinemanila, Eiga Sai at Pelikula at Lipunan (di ko alam kung meron pa nito) na nagbigay sa akin ng pagkakataon na masilip ang kultura at husay sa sining ng pelikula ng nga lahing dayuhan . Hindi rin ako magsasawang pasalamatan ang UP Film Center na naging tambayan ko at nagpakilala sa akin kay World Cinema. At para sa aking # 1. Silipin mo ito

1. Y TU MAMA TAMBIEN (AND YOUR MOTHER, TOO) 2001 - Mexico

"Truth is cool but unattainable" -- Julio Zapata

PLOT: Abandon by their girlfriends for the summer, teenagers Tenoch and Julio meet the older Luisa at a wedding. Trying to be impressive, the friends tell Luisa they are headed on a road trip to a beautiful, secret beach called Boca del Cielo. Intrigued with their story and desperate to escape, Luisa asks if she can join them on their trip. Soon the three are headed out of Mexico City, making their way toward the fictional destination. Along the way, seduction, argument and the contrast of the trio against the harsh realities of the surroundingpoverty. (Imdb.com)

Luisa: You have to make the clitoris your best friend.
Tenoch:What kind of friend is always hiding?

(dialogue courtesy of Imdb)

Sabi ng Bampira: Napanood ko to sa Instituto Cervantes sa Taft. At pagkatapos nun, hindi ko na siya makalimutan. (kaya bumili ako ng vcd) Isang kakaiba at simbolikal na road trip movie tungkol sa buhay at pagtuklas ng sarili. Napakasenswal at intelektwal. Ang galing kung paano ginamit ni Cuaron ang ideya ng road trip bilang paglalakbay sa hamon ng buhay. Kung paano tinitingnan ng manlalakbay ang iba't ibang isyung kanilang nadadaanan. Effective ang paglagay niya ng narrator. Nakakaaliw ang mga side comments nito. Ito ang nagsasabi kung ano ang nararamdaman at naiisip ng 3 pangunahing karakter. Nagamit din ito ni Cuaron para ikwento ang backstory ng 3 at ang politikal/sosyal na larawan ng Mexico. Gusto ko kung paano tinapos ang kwento. Kasi katulad ni Tenoch at Julio, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari habang patuloy tayo na naglalakbay sa hamon ng buhay. Gaya ng sabi ni Ana: "life is like the waves you just have to go with the flow."















salamat sa imdb para sa plot, movie details at dialogue.
youtube para sa movie trailer

beyondhollywood.com,moviereporter.net,trailerfan.com,cinelmage,filhai.com,filmstarts.de para sa mga magandang imahen.

Friday, 22 May 2009

BigaTEN: My Best Foreign Language Films

Ito na ang listahan ng mga paborito kong foreign-language movies.

10. Nae meorisokui jiwoogae (A MOMENT TO REMEMBER) 2004 - South Korea

PLOT: Beautiful Su-jun (Son Ye-jin), cossested by her devoted father, meets Chol-su (Jung Woo-sung) a carpenter in her father's employment. They meet, fall in love and marry, but their picture perfect life become less perfect when they discover that Su-jin has Alzheimer's disease.

Sabi ng Bampira: Maraming beses ko na to napanood. Maraming beses din ako umiyak. Grabe yung love nila sa isa't isa. Hindi ko makalimutan ang eksena noong time na hindi na niya maalala ang asawa niya. Ang sakit ng eksena na yun. Ang ganda-ganda talaga ni Ye-jin Son (yung bida din sa The Classic at endless love na pinalabas sa GMA 7) Meron ako dvd nito..



9. SHUTTER (2004) Thailand

"Have you ever carefully looked at your pictures?"

PLOT: A young photographer Thun and his girlfriend Jane discover mysterious shadows in their photographs after fleeing the sceen of an accident. As they investigate the phenomenon, they find other photographs contain similar supernatural images, that Thun's best friends are being haunted as well, and Jane discovers that her boyfriend has not told her everything. It soon becomes clear that you can not escape your past.

Tun: [Tun is working in the dark room when someone walks beside him and stands there. He does not look up]
Tun: Jane? You're early.
Tun: [Telephone rings outside, Tun goes to answer it] Hello?
Jane: Tun. Its Jane. I'm going to be a little late today.

(dialogue courtesy of IMDB)

Sabi ng Bampira: Buti na lang madami kami nang mapanood ko to. Gusto ko yung sound effects dito. Magugulat ka din talaga. Hindi ko kinaya ang ending. Ang tragic lang. Sobrang love talaga ni natre si tun. Walang iwanan. Gusto ko rin yung eksena dito nung binalasa ni jane ang mga pictures tapos pinakita ang movement ng ghost. Ang pinakapangit lang dito ang representation ng ghost. Sobrang standard o generic sa asian horror cinema. (opinyon ko lang) Ayan tuloy lagi ko na tsinetsek mga pictures baka kasi may shadow..hehe





Tied With.. Gwoemul (THE HOST) 2006 - South Korea

"It is Lurking Behind You."

PLOT: After a careless Morgue empties hundreds of bottles of formaldehyde into the sewers near Seoul's Han River, it gives birth to a terrifying mutant with a taste for blood. The Mutant abducts the daughter of Gang-du. Thinking she is dead, the family mourns her loss; until they receive a late-night call from her cell phone. Knowing she is alive, they band together to find and rescue her from the mutant before it is too late.

Sabi ng Bampira: Matagal ko din inisip kong dapat ba silang pareho ng spot ng Shutter o dapat na mas mataas ang ranking niya. Pero dahil medyo pareho sila ng genre, naisip kong ilagay sila sa parehong ranking. Pareho ko din naman silang gusto at pareho ko sila gusto mapasama sa listahan. Ang kaibahan lang nito sa Shutter, ibang pananakot ang gusto ipakita. Parang sinasabi ng pelikula na tayo mismo ang gumagawa ng mga sarili nating mga monsters o multo na kinatatakutan. Nagalingan din ako sa cast. Ang swabe ng shifting ng emotion mula sa pagiging kwela, desperado at pagiging emosyonal.

Young Korean Doctor: That's formaline.
US Doctor in Morgue: Formaldehyde, to be precise. To be even more precise, dirty formaldehyde. Every bottle is coated with layers of dust. Pour 'em into the sink.
Young Korean Doctor: Excuse me?
US Doctor in Morgue: Just empty every bottle to the very last drop.
Young Korean Doctor: It's just - They are toxic chemicals, and the regulations state -
US Doctor in Morgue: Pour them right down the drain, Mr. Kim.
Young Korean Doctor: If I pour them in the drain, they'll run into the Han River.
US Doctor in Morgue: That's right. Let's just dump them in the Han River.
Young Korean Doctor: But, you know, this is not just any toxic chemicals -
US Doctor in Morgue: The Han River is very broad, Mr. Kim. Let's try to be broad-minded about this. Anyway, that's an order. So, start pouring.

(dialogue courtesy of imdb)







8. Yi ge dou bu neng shao (NOT ONE LESS) 1999 - China

PLOT: In a remote mountain village, the teacher must leave for a month, and the mayor can find only a 13-year old girl, Wei Minzhi, to substitute. The teacher leaves one stick of chalk for each day and promises her an extra 10 yuan if there's not one less student when he returns. Within days, poverty forces the class troublemaker, Zhang Huike, to leave for the city to work. Minzhi, possessed of a stubborn streak, determines to bring him back. She enlists the 26 remaining pupils in earning money for her trip. She hitches to Jiangjiakou City and begins her search. The boy, meanwhile, is there, lost and begging for food. Minzhi's stubbornness may be Huike and the village school's salvation.

Sabi ng Bampira: Dito ata inspired ang movie na Munting Tinig ni Gil Portes. Grabe ang movie na to. Kakaiyak. A must see sa lahat ng mga estudyante. Isang inspirasyon sa lahat ng mga matatapang at masisipag na guro na sobrang nagpapakahirap magawa lang ang pinakadakilang propesyon sa buong mundo. Eye opener din ito sa lahat kung gaano ka-importante ang edukasyon at ang suporta ng gobyerno para sa ikakaunlad at ikakaganda ng sistema nito. Ang galing ng batang substitute- teacher dito.



7. Wo hu cang long (CROUCHING TIGER, HIDDEN DRAGON) 2000- China

"I would rather be a ghost drifting by your side as a condemned soul than enter heaven without you... because of your love, I will never be a lonely spirit" ...Li Mu Bai

PLOT: The disappearance of a magical jade sword spurs a breathtaking quest for the missing treasure. Li is embittered by the loss of his jade sword, and his unrequited pursuit of Yu is further complicated by the mysterious intrusion of an assassin. The identity of the assassin is gradually unveiled as another poignant tale of love begins to ravel with that of Li and Yu against the backdrop of Western China's magnificent landscape.

Sabi ng Bampira: Ito ang pinaka-unang foreign language film na napanood ko sa UP film center. Dito ko unang napansin si zhang ziyi (ganda niya dito). Gusto ko yung love scene niya sa disyerto. Astig din ang cinematography ng pelikulang ito. Parang painting lang. Gusto ko din ang mga martial art scenes. Corny joke tuloy namin sa title ay: Crouching Tiger, Hidden Dragon and The Flying Squirrel. Action movie to pero may puso. Siguro dahil lovestory ang sub-plot niya. Marami ang nagsabi na overrated daw to. Pero para sa akin..Magical!





6. El Orfanato ( THE ORPHANAGE) 2007 - Spain

"No secret stays locked away forever"

Plot:The former orphan Laura raises her adopted son Simon with her husband Carlos in an old house and former orphanage where she was raised. Simon is HIV positive and tells Laura that he has five invisible friends, and she believes they are fruit of his imagination. Laura decides to reopen an orphanage for handicapped children in the location and during the opening party, Simon calls her to show the little cabin of his friend Tomas. The busy Laura does not gives much attention to her son; then she sees a mysterious masked boy and Simon vanishes. Laura feels the presence of other persons in the house and months later, the desperate Laura invites a team of parapsychologists to try to unravel the mystery

Sabi ng Bampira: Sa dvd ko lang to napanood at nirent ko lang malapit sa amin. Hindi ako natakot pero ginulat ako ng pelikula. Ginulat ako kung paano ikinuwento ang dark secret ng orphanage, kung paano natapos ang kwento at kung paano sinagot ang tanong sa movie: Nasaan si Simon? Para sa akin epektibo ang paggamit ng larong treasure hunt para alamin ang mga nakatagong lihim-ang sakit, pagkatao at pagkamatay ni Simon. Galing ng gumaganap na Laura at ang cute ng batang si Simon. Nakakaiyak ang eksena nang mahanap na niya si Simon at ma-realize niya kung paano nangyari ang lahat. Astig para sa akin ang pag cut ng eksena nina Laura at ng ilaw sa ending. ( sumigaw talaga ako sa eksena na hinawakan ng batang ghost sa likod si Laura. nagulat ako!)







5. Cidade de Deus (CITY OF GOD) 2002 - Brazil

"Fight and you'll never survive..... Run and you'll never escape."

PLOT: City of God is based on a true story that takes place in the 60's where in the slums of Rio De Janeiro two boys growing up in the neighborhood take on different paths in life. The story is told through eyes of Buscape, a poor young fisherman's son who dreams of becoming a photographer one day. His story narrates the violence and corruption surrounding the city and the rise and fall of one of the city's most notorious boss'. Li'l Ze. As war wages on the streets Buscape's only way out of this violent life is to expose its brutality the world through his pictures. Along the way the lives of other are put into perspective as their stories intersect with the events that take place.

Sandro Cenoura: Have you lost your mind? You are just a kid!
Steak and Fries:
A kid? I smoke, I snort. I've killed and robbed. I'm a man.

Sabi ng Bampira: Powerful ang storytelling. Para kang nanood ng live coverage ng isang gang war. Hindi ko pa rin mapigilang magulat sa realidad na pinakita ng pelikula lalo na at mga kabataan ang kasangkot. Nakakitaan ko din ng magaling na foreshadowing techique ang pelikula. Lalo na kung paano sinimulan ito. (kung saan hinahabol ng mga batang armado ang kawawang manok) Swan na swak tuloy ang isa sa mga taglines ng movie: If you run they'll catch you.If you stay they'll eat you. Tama nga siguro sabihin na brutally beautiful ang pelikulang ito.





4. Rak haeng Siam (LOVE OF SIAM) 2007 - Thailand

"If we can love someone so much, how will we be able to handle it when we are separated?...Is it possible to love someone and never be afraid of losing them? Is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all?" ...... Mew

PLOT: Two young boys are best friends living quiet family lives in Bangkok. Their lives are disrupted when one boy's older sister goes missing on a jungle trip. The shattered family moves away, separating the boys. Years later, now in their late teens, the boys meet again. One of them is now the leader of an aspiring boy band whose managing assistant bears a striking resemblance to the lost sister. The boys must deal with their family and social lives and their feelings for each other.

Sabi ng Bampira: Napanood ko to sa Cinemanila. Noong una kong makita ang poster sa gateway (badtrip nga at pinalitan pa ng organizer) hindi ko akalain na gay-themed ito. Pero panalo ang movie. Hindi siya ang generic na gay film. LoS is all about love-iba't ibang mukha at anyo ng pag-ibig. Sobrang gusto ko ang ost nito. Naghanap pa talaga ako ng album ng August Band, online. Nakarelate din ako sa karakter ni Mew. Parang gusto ko siyang i-hug sa last scene ng movie habang umiiyak siya at nag-ta-thank you sa gift ni tong na nabuo pagkatapos ng ilang taon. Napaka-symbolic ng scene na yun; parang yun din ang pagkabuo ng pagkatao nina mew at tong. Ang dami din memorable scenes dito. Ilan sa hindi ko makakalimutan: 1) Yung treasure hunt game nina mew at tong. 2) Yung eksena ni tong at ng mommy niya sa christmas tree. 3) Yung natulog si tong kina mew at tabi silang natulog. at ang d best sa lahat, ang linya ni tong ng ibinigay niya ang huling part (nose) ng gift niya kay mew.: "I can't be with you as your boyfriend... but that doesn't mean I don't love you."







3. Chun gwong cha sit (HAPPY TOGETHER) 1997 - Hong kong

Ho Po-wing: Do you regret being with me?
Lai Yiu-fai: Damn right I do! I had no regrets until I met you. Now my regrets could kill me.

Plot:Yiu-Fai and Po-Wing arrive in Argentina from Hong Kong and take to the road for a holiday. Something is wrong and their relationship goes adrift. A disillusioned Yiu-Fai starts working at a tango bar to save up for his trip home. When a beaten and bruised Po-Wing reappears, Yiu-Fai is empathetic but is unable to enter a more intimate relationship. After all, Po-Wing is not ready to settle down. Yiu-Fai now works in a Chinese restaurant and meets the youthful Chang from Taiwan. Yiu-Fai's life takes on a new spin, while Po-Wing's life shatters continually in contrast.

Sabi ng Bampira: Ang bigat ng pelikulang to. Sobrang kaka-depressed. Pero totoo ang mga sinasabi sa pelikula. Napaka universal ng theme na pinakita sa movie. Isa siyang emotional journey. Ito lang ang napanood ko sa mga pelikula ni Wong kar-Wai (kakainis..hay!) At para sa akin, ito ang pinakamatalinong gay-movie na napanood ko. Astig yung paggamit ng kulay para iset ang mood ng pelikula.








2. Central do Brasil (Central Station) 1998 - Brazil


"He was looking for the father he never knew. She was looking for a second chance."

PLOT: Dora, a dour old woman, works at a Rio de Janeiro central station, writing letters for customers and mailing them. She hates customers and calls them 'trash'. Josue is a 9-year-old boy who never met his father. His mother is sending letters to his father through Dora. When she dies in a car accident, Dora takes Josue and takes a trip with him to find his father.

Sabi ng Bampira:Ito ay simpleng pelikula na may pinakamalaking puso. Siguro nakarelate ako dahil sa backstory ni Dora. Gusto ko yung movie direction at performance nina Josue at Dora. Meron ako kopya nito at kahit ilang beses ko ulitin ang final scene sa bus, hindi ko pa rin mapigilan maiyak. Isa ito sa mga memorable scenes sa maraming pelikula na napanood ko. Share ko lang ang letter ni Dora. (Pinagtiyagaan ko isulat habang pinapanood ang final scene sa youtube.)

Josue

I didn't send a letter to anybody for many years. Now, I'm sending this letter to you. You're right, your father will be back. He is everything you think he is. I remember me and my father in his train. He allowed me, a little girl, to play the horn during the travel. When you cross the roads in your big truck, I hope you remember, I was the first person to permit you to put your hands in a wheel. It is better you stay with your brothers. You deserve more than I have to give. When you want to remember me, take a look in our little portrait. I say that because I'm afraid that you will forget me. I miss my father, I miss everything.

Dora







Sa susunod na lang ang #1 sa listahan ko.. (Hulaan Mo!)

Salamat sa mga sumusunod:

Imdb para sa movie details, taglines at plot

moviepicturedb.com, moviescreenshots.blogspot.com, imageshack.us, sansaeverything.wordpress, ew.com, myspace.com, moviecritic.com, apu.ac.jp, beyondhollywood.com, zorcerezz of pinoyexchange.com, bombsite.com, asianews.net, farm3.static.flicker.com at filpresci.com para sa mga makukulay na imahen.

Thursday, 21 May 2009

S.H.I.T


SHOWBIZ ...
Ang tawag nila sa iyong makislap na mundo.
Sandata mo'y mukha at nakakasilaw na alindog.
Kinakabaliwan ang hugis at kinang nito.
Inaasam at pinapantasya ng matang malilibog.

HAYOP ...
Ang metapora at pang-uri ng kanyang pagkatao.
Kakisigan at kahubdan ay pinagnasaan ng karamihan.
Na-halili-na siya sa iyong pambihirang kaseksihan.
Bulag ka sa kanyang angking kalo-kho-han.

ISYU ...
Ang turing sa matinding laban mo ngayon.
Laman ng diyaryo, radyo at telebisyon.
Kumalat sa youtube, pirated cd's at cellphones.
Pinagpyestahan, pinagkakitaan at pinag-uusapan.

TULDOK ...
Ang hangad ko sa kontrobersyang ito.
Marami nang biktima, ang katulad mong naeskandalo.
Itigil na ang drama, ilahad na ang katotohanan.
Tapusin na ang grandstanding, ibigay ang katarungan.

S.H.I.T nga naman!


*ang SHIT na ito ay personal na pahayag mula sa malikot na utak ng isang bampira. salamat pala sa duncancumming.co.uk para sa imahen

Monday, 18 May 2009

BigaTEN: My All-Time Best Pinoy Movies


Film spectators are quiet vampires.... Jim Morrison

Dahil sa entry nina: wandering commuter (top to top: the top film on my top 100 favorite films list), yoshke ( My Top 50 All-Time Favourite Films (Part 1)* ), Aris (My Top Ten Movies ), gillboard (MY TOP FILMS: CULT FAVORITES / SCI-FI ) at elYAS ( Movie List.); Nainggit ako at naisipan kong gumawa ng sarili kong listahan. Uunahin ko muna ang sariling atin kasi naniniwala pa din ako na may pag-asa pa ang Pelikulang Pinoy! Pipili ako ng sampung pelikula na masasabi kong D BEST batay sa aking personal na pamantayan! Narito ang aking listahan:


10. SEGURISTA (1996)

Director: Amable "Tikoy" Aguiluz
ScreenWriters: Amable Aguiluz at Jose F.Lacaba
Cast: Michelle Aldana, Gary Estrada, Albert Martinez
Plot: In the daytime, Karen is an insurance saleswoman in Manila, but in the evening she works as an escort in a club. She is very successful in selling insurance to her escort clients. On the weekends she returns to her husband and daughter in the provinces, who are living amongst the volcanic ash from Mount Pinatubo. She is forced to take stock of her life when Sonny, a rich car dealer, offers to set her up in an apartment. (Source:IMDB)

Sabi ng Bampira: Ang mainit na sex scene nina Karen (Michelle Aldana) at Sonny (Gary Estrada) ay masasabi kong isa sa hindi makakalimutan sa Philippine Cinema. Pero sigurado ako na hindi lang dahil doon kaya kasama siya sa aking listahan. Si karen ay larawan ng isang pambihirang babae at ina na kakapit sa patalim mabigyan lamang ng magandang bukas ang pamilya. Kahit nakakalungkot, nagustuhan ko kung paano tinapos ni Aguiluz ang paglalakbay ni Karen. Nagalingan ako kay Michelle Aldana dito pero hindi man lang siya napansin ng mga letseng award giving bodies na yan. hehe. (Binalak namin ng mga blockmates ko na makiset-in sa Math 1 class ni Michelle Aldana .. European Languages ata course niya. Isang beses ko lang siya nakita sa Campus. #12 daw pala to noong ipinadala sa Oscars as Pinas entry for Best Foreign Language Film)

9.NASAAN KA MAN (2005)

Director: Cholo Laurel
ScreenWriters: Ricky Lee at Cholo Laurel
Cast: Claudine Barretto, Diether Ocampo at Jericho Rosales
Plot: The story of two sisters (Gloria and Hilda), who have adopted three children (Gloria adopted Claudine and Jericho, Hilda adopted Diether). Trouble, lies and violence ensues as Gloria's children fall in love, and Hilda's son gets infuriatingly jealous. (Source:IMDB)

Sabi ng Bampira: Ito ang pinakagusto ko sa lahat ng mga pelikula ni Claudine. Next to Got to believe at Dahil Mahal na Mahal kita (Pinag-isipan kong isama sa listahan kasama ng One More Chance) Ang galing ni Diet dito. Hayup ng karakter. Hindi ko maisip ang rape scene niya kay Claudine. Buttfuck pa talaga. Ganda ng cinematography at setting ng pelikula. Gusto ko ang character development ng tatlo. Sayang at hindi ito masyado napansin nang ipinalabas. Natabunan kasi ng Batman Begins. Hay..!

8.MAGNIFICO (2003)

Director: Maryo J. De Los Reyes
ScreenWriter: Michicko Yamamoto
Cast: Jiro Manio,Lorna Tolentino,Albert Martinez,Gloria Romero
Plot: Set in an impoverished town, a couple begin to lose hope and courage when faced with life's adversities - a daughter who suffers from cerebral palsy, a son who loses his scholarship, and a young boy named Magnifico or Pikoy, who is not so good in school. But Pikoy is gifted with a good heart and a large spirit that allows him to give joy to hopeless people in their community and magically transforms their lives for the better.(Source:Wikipedia)

Sabi ng Bampira: Pinaiyak ako ng pelikulang ito. Hindi ko napaghandaan ang pagkamatay ni Magnifico (Jiro Manio) Para siyang si Santino (May Bukas Pa) sa wide screen. Sobrang nakaka-inspire ang movie. Napakasimple nang mga eksena pero na-knockout ang puso ko sa pagiging bigtime ng kabaitan ni Magnifico. Siguro sobrang bato na ang puso mo kung hindi ka maaapektuhan nito. Hirap maging kagaya niya sa panahon ngayon. Maiba ako, sobrang kyut ni Jiro Manio dito.


7. ITIM (1976)

Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Gil Quito
Cast: Charo Santos-Concio, Tommy Abuel, Mona Lisa, Mario Montenegro
Plot:The story centers on Jun (Tommy Abuel), a photographer whose family estate is in the countryside. He visits his paralyzed father during Holy Week. While he is taking photographs of people and events in the small town, a procession passes by and he spies a young woman named Teresa (Charo Santos) wandering along with the procession. Later, he meets the woman and while making friends with her, he discovers that their lives are linked by his father's past. Jun feels strongly that Teresa is possessed by the spirit of his dead sister, Rosa. Teresa's mysterious possession by Jun's late sister is solved in a stirring climax involving Rosa's spirit taking revenge for the injustices inflicted on her. (Source: Wikipedia)

Sabi ng Bampira: Isang natatanging pelikula na puno ng simbolismo. Ang galing ni Mike De Leon sa pagbuo ng isang kakaibang pelikula noong dekada 70 na hindi mo maaaring ikahon bilang horror, suspense or crime-thriller. Napakahusay ng pagkagawa at pagkasunud-sunod ng mga eksena. D' best ang istilo ng paglalahad ng kwento, ang anggulo at ilaw ng camera, production design (semana santa ang setting) at pati ang musical score, panalo. Astig talaga si De Leon lalo na nang malaman ko na ito ang pinakauna niyang pelikula. Tingin ko, dapat itong panoorin ng mga nangangarap maging filmmaker.

6. KISAPMATA (1981)

Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Raquel Villavicencio
Cast: Vic Silayan, Charito Solis, Charo Santos-Concio, Jay Ilagan
Plot: The irrational tyranny of a retired policeman over his abject wife and family emerges as a powerful force in this story of incest, abuse, and pervasive, internalized fear -- apparently based on a true case history. The ex-policeman's daughter Mila (Santos) two months pregnant, is allowed to marry her boyfriend Noel (Jay Ilagan), a mild young man of chubby proportions -- but Mila's father does everything he can to make the wedding difficult. It quickly becomes clear that the father is not going to let his daughter leave the house again -- and his ruthless dominance is unbalanced enough to indicate that a showdown will be inevitable. Meanwhile, flashbacks and dream sequences provide some clues as to who fathered Mila's baby -- an injustice in itself that merits some sort of retribution. (Source:Fandango.com)

Sabi ng Bampira: De Leon strikes back. Ikalawang pelikula na niya to sa listahan ko. Hindi naman ako fan ni Madame Charo Santos pero pansin ko, siya na naman ang bida dito. At sa pelikulang ito muling pinakita ni De Leon ang kakaibang galing niya sa camera handling. Gusto ko kung paano naging bahagi ng kwento ang dream sequence ni Mila (Charo Santos). Ang pinakaastig sa lahat, ang karakter ni Diosdado Carandang (Vic Silayan). Isa sa mga pinakamagaling na pagkaganap na nakita ko sa pelikulang Pilipino. (Trivia: Naging sup ko ang anak ni Vic Silayan..share ko lang..hehe)..Napamura ako kung paano tinapos ang pelikula. Isa lang masasabi ko: POWERFUL ang ending!

5. BAYANING THIRD WORLD (2000)

Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Mike De Leon
Cast: Joel Torre, Ricky Davao, Chris Villanueva
Plot: A complex film within a film that attempts to explore the myth of Philippine national hero Jose Rizal, director Mike De Leon's study in manufactured mythology attempts to explore the life of Rizal while simultaneously investigating his influence on modern Philippine society. It seems that the culture has embraced the idea of a nation icon rather than the physical reality of the man behind the myth, and director De Leon begins to study the historical accounts of Rizal's life while attempting to contact the family and friends that were closest to him. Confounded by the controversial letter of retraction that Rizal signed in his later days, the filmmakers attempt to uncover the motivation of the legend in renouncing all he stood for and opting for and embracing the society that he so vehemently denounced. Soon coming to the end of their search for facts and unable to solve the mystery of the letter, the filmmakers, at odds with their belief of recorded history, find that discovering the ultimate truth to the legend may be an unattainable goal.(Source:Answers.com)

Sabi ng Bampira: Waah. Sigurado na ako: Idol ko si Mike De Leon. Ito ang Pangatlong pelikula niya sa listahan ko. At magkakasunod pa. Para sa akin, ito ang pinakamatalinong pelikula na napanood ko tungkol kay Rizal. Isang malikhain at matapang na paglalahad at paghihimay sa konsepto ng pagiging bayani. Ang galing ng istilo ng pagkukuwento. Para kang nagbabasa ng isang detective story kung saan si Rizal ang kriminal at biktima. Ang buong pelikula ay tila isang paglilitis at tayong mga nanonood ang mga hukom at makakapaghusga kung anong bersyon ang paniniwalaan at tatangkilikin dahil kagaya nga ng sabi sa pelikula, mayroon tayong KANYA-KANYANG RIZAL.

4. HIMALA (1982)

"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao…ang himala ay nasa puso nating lahat!"

Director: Ismael Bernal
ScreenWriter: Ricky Lee
Cast: Nora Aunor, Veronica Palileo, Spanky Manikan
Plot: Himala tells the story of Elsa, a barrio lass whose visions of the Virgin Mary changed her life and caused hysteria in a poor, isolated village. The film is centered on the issues of religious faith and faithlessness.(Source:Wikipedia)

Sabi ng Bampira: Isang matapat na paglalarawan sa sistema ng pananampalataya at paniniwala ng mga Pinoy kung paano ito nasusubok ng pagkakataon at nagagamit o nasasamantala para mapanatili ang status quo. Ang galing ng paggamit ng iba't ibang elemento para ipakita ang pagkakaugnay at pagkakasalungat ng mga pangyayari. Gusto ko ang transformation ng karakter ni Elsa (Aunor). Sobrang galing niya dito. Hindi niya kailangan magsalita. Paksyet ang expression ng mga mata niya.

3. INSIANG (1976)

"Matanda na kayo inay. Kulubot na ang balat niyo. Kaya't paggising niya sa umaga'y nasusuka siya. Nasusuka sa pagmumukha niyo!!!"

Director: Lino Brocka
ScreenWriters: Mario O'Hara at Lamberto Avellana
Cast: Hilda Koronel, Mona Lisa, Ruel Vernal, Rez Cortez
Plot: In a slum in Manila, gentle Insiang washes clothing for a living, while enduring non-stop harassment by her mother. When she is raped by her disagreeable mother's equally disagreeable lover, she sets herself on a subtle course of revenge.(Source:starpulse.com)

Sabi ng Bampira: Astig ang paggamit ng slaughterhouse para ipakita kung ano ang dapat i-expect sa pelikula. Ang galing ng foreshadowing technique. Parang sinasabi ng pelikula: Ito ang buhay-iskwater! At puteks, 33 years ago na ang pelikula pero ang mukha ng kahirapan na pinakita dito parang walang nabago. Gusto ko ang treatment sa karakter ni Insiang (Hilda) Para siyang bidang kontrabida. hehe. Para sa akin, matalino at palaban ang karakter niya. Gayunpaman, parang hindi ako komportable sa ending. Ang tigas ni Insiang. Naisip ko tuloy sino ba ang mas masama sa kanilang mag-ina? Si Tonia(Mona Lisa) o si Insiang mismo (Hilda)....

2. TUHOG (2001)

"Kapag katotohanan ang ibinenta, kasama pati kaluluwa."

Director: Jeffrey Jeturian
ScreenWriter: Armando Lao
Cast: Ina Raymundo, Jacklyn Jose, Irma Adlawan, Dante Rivero
Plot: A movie production company wants to make a film based on a newspaper report of a man convicted of raping his granddaughter. The producer and director interview the girl and her mother, assuring them that the film will be tastefully done. But when the women turn up for the screening, they are dismayed to find their story turned into a sexploitation flick called "Lust for Flesh." They leave the cinema halfway, feeling they have been violated all over again. (Source:IMDB)

Sabi ng Bampira: Swak na swak ang title ng movie na to sa kanyang kwento. Dahil: 1) It is a film within a film. 2) kwento ito kung paano inabuso (tinuhog) ng isang walang hiyang ama ang kanyang anak at apo. Ang kaibahan nito sa kisapmata, nakapokus ang kwento sa sistema ng paggawa ng pelikula. Ito ay isang matapang na pagpuna o pagbatikos kung paano inaabuso ang pelikula bilang sining at negosyo at kung paano nabababoy ang mga elemento nito. Dito ko unang napansin ang kakaibang galing ni Irma Adlawan na naging dahilan upang silipin ko siya sa iba pang mga pelikula. Angat din para sa akin ang pag-arte ni Ina Raymundo.

Bago ko ipakilala ang pinakatatangi kong Pelikulang Pilipino, nais ko munang banggitin ang iba pang mga pelikula na akin ding nagustuhan at kasama sa mahabang listahan na pinagpilian ng bigaTEN. Pinakilig ako ng mga pelikulang: Sana Maulit Muli (1995), Dahil Mahal na Mahal kita (1998), Got to Believe (2002) at One More Chance (2007). Napaiyak ako sa mga pelikulang: Sinungaling mong Puso (1992), Madrasta (1996), May Nagmamahal sa iyo (1996) at Anak (2000). Hindi ko rin makakalimutan ang: Aguila (1980), Moral (1982), Sister Stella L.(1984) Scorpio Nights 1 (1985), Bata, Bata Paano ka Ginawa (1998), Live Show (2000) at Dekada 70 (2002). At hinayang na hinayang ako dahil hindi ko napanood o kung napanood ko man, hindi buo ang: Maynila:Sa mga kuko ng Liwanag (1975), Temptation Island (1980) at Batch 81 (1982). Nais ko pala pasalamatan ang mga Art Studies Subjects ko lalo na ang film appreciation class ko kay Prof. Patrick Flores, UP Film Center, mga astig na University Orgs na libangan ang film showing at ang inaabangan kong ACLE (Alternative Class Learning Experience) sa pagbibigay ng isang pambihirang pagkakataong masilip ang mga pelikulang nalikha sa panahong hindi pa uso ang youtube, dvd at torrent. Salamat din sa CinemaOne, Holy Week Special ng 2 higanteng istasyon sa Pinas at Cinemanila. Dahil sa kanila, patuloy ko pa ring minamahal ang Philippine Cinema. At ngayon, malugod kong ipinapakilala ang # 1 sa aking listahan:

1. ORO PLATA MATA (1982)

Director: Peque Gallaga
ScreenWriter: Jose Javier Reyes
Cast: Manny Ojeda, Liza Lorena, Sandy Andolong, Cherrie Gil, Joel Torre
Plot: Oro Plata Mata traces the changing fortunes of two aristocratic families in Negros during World War II. (Source: IMDB)

Sabi ng Bampira: Lupit ng movie. Astig ang cinematography. Although enjoy ako sa mga grabeng nude scenes dito: ang seksena sa shoehouse at waterfalls, (Hindi ko ma-imagine si Mitch Valdez doing a sexy role here. Ginulat niya ako. Wtf! tinanong ko pa ang katabi ko sa Film Center kung siya ba talaga yun) at some point nagiging weakness siya ng pelikula dahil tingin ko hindi naman siya kailangan. Ayoko ng pag-usapan ang teknikal na aspeto ng pelikula. Basta ang alam ko, gising na gising ako mula sa simula hanggang matapos ang pelikula. Parang ayokong kumurap sa bawat eksena. Siguro kaya #1 ito sa listahan ko, dahil ibang klase ang naging epekto nito sa akin sa panahon na pinanood ko siya. Very Engaging!

Ayan kompleto na ang listahan ng BigaTEN Pinoy movies ko. Sa susunod foreign-language films naman..Mabuhay ang Pelikulang Pinoy!


Salamat:
sa http://images.google.com.ph/ para sa mga posters.
sa imdb at wikipedia para sa plot summary at cast and support info



Saturday, 16 May 2009

S-H-A-T-T-E-R-E-D



The wind whispers...
dives through the shattering branches
rising, breaking the silence ….

I hear his voice...
echoes in the vast wilderness
begging, asking for forgiveness…

The door opens...
footsteps come out slowly
moving, losing dominion and security...

I see her face...
she weeps, scarred with deceit and pain
hurting, bidding farewell to him...


Wednesday, 13 May 2009

Jr. Dialogue




B1: Musta na? Ano na balita sa'yo?

B2: Ok lang. Mejo Busy. Ikaw?

B1: Ito..Malungkot.. :( Miss ka na pala ni Jr. ....hay...!

B2: Owws..? Talaga lang ha..Musta si Jr.? Makulit pa din?

B1: Sobra Miss ka.. Lagi ka niya hinahanap. Gusto ka niya kasi kalaro.

B2: Lumaki ba? Lagi pa rin matigas ulo?

B1: Silipin ko. Natutulog e...Hmmmm.. Parang lumaki nga siya. Tumaba. At lagi matigas ulo nito.

B2: Spoiled kasi sa'yo. Dapat kasi matuto ka magdisiplina. Baka naman kasi kung anu-ano na pinapasok mo sa ulo niya.

B1: Ano ka ba? Sa'yo lang kaya sumusunod to. Magaling ka kasi mag-alaga. Alam mo paano siya pasayahin.

B2: Namimiss ko na nga din siya kalaro. Namimiss ko ang katigasan ng ulo niya. Humanda siya sa akin.

B1: Hahaha. Huwag mo naman takutin. Hinay hinay lang. Parang machine gun kasi bunganga mo. Iyakin pa naman to.

B2: Wag dapat siya iyakin. I-train mo yang si Jr. magpakatatag. Dapat astigin. Kakatawa pa naman yan umiyak. Nanginginig..Hahaha. Kakatakot nga lang pag nagwala.

B1: Oo nga. Ayan nagising tuloy. Daldal mo kasi. Nag-iinat ang loko. Tulo-laway ang mokong.

B2: Sige punta ako diyan. Me pasalubong ako sa kanyang rubber.

B1: Sige sasabihin ko. Naku tuwang tuwa to mamaya. Gising na siya. Damihan mo yang goma. Lam mo naman na peyborit niya yan.

B2: Sige magdadala ako isang box. Pakasawa siya. Dala na din ako chocolate at orange...

B1: Sige antayin ka namin ni Jr. Paliguan ko na siya para mabango.. hehe.. Gising na gising na.

B2: Ok.. Punta na ako. Papaiyakin ko yan..haha..Tingnan ko lang kong 'gang saan kakulitan niya.



** Salamat sa http://images.google.com para sa mga larawan.