Film spectators are quiet vampires.... Jim Morrison
Dahil sa entry nina:
wandering commuter (
top to top: the top film on my top 100 favorite films list),
yoshke (
My Top 50 All-Time Favourite Films (Part 1)* ),
Aris (
My Top Ten Movies ),
gillboard (
MY TOP FILMS: CULT FAVORITES / SCI-FI ) at
elYAS (
Movie List.); Nainggit ako at naisipan kong gumawa ng sarili kong listahan. Uunahin ko muna ang sariling atin kasi naniniwala pa din ako na may pag-asa pa ang Pelikulang Pinoy! Pipili ako ng sampung pelikula na masasabi kong D BEST batay sa aking personal na pamantayan! Narito ang aking listahan:
10. SEGURISTA (1996)
Director: Amable "Tikoy" Aguiluz
ScreenWriters: Amable Aguiluz at Jose F.Lacaba
Cast: Michelle Aldana, Gary Estrada, Albert Martinez
Plot: In the daytime, Karen is an insurance saleswoman in Manila, but in the evening she works as an escort in a club. She is very successful in selling insurance to her escort clients. On the weekends she returns to her husband and daughter in the provinces, who are living amongst the volcanic ash from Mount Pinatubo. She is forced to take stock of her life when Sonny, a rich car dealer, offers to set her up in an apartment. (Source:IMDB)
Sabi ng Bampira: Ang mainit na sex scene nina Karen (Michelle Aldana) at Sonny (Gary Estrada) ay masasabi kong isa sa hindi makakalimutan sa Philippine Cinema. Pero sigurado ako na hindi lang dahil doon kaya kasama siya sa aking listahan. Si karen ay larawan ng isang pambihirang babae at ina na kakapit sa patalim mabigyan lamang ng magandang bukas ang pamilya. Kahit nakakalungkot, nagustuhan ko kung paano tinapos ni Aguiluz ang paglalakbay ni Karen. Nagalingan ako kay Michelle Aldana dito pero hindi man lang siya napansin ng mga letseng
award giving bodies na yan. hehe. (Binalak namin ng mga blockmates ko na makiset-in sa Math 1 class ni Michelle Aldana .. European Languages ata course niya. Isang beses ko lang siya nakita sa Campus. #12 daw pala to noong ipinadala sa Oscars as Pinas entry for Best Foreign Language Film)
9.NASAAN KA MAN (2005)
Director: Cholo Laurel
ScreenWriters: Ricky Lee at Cholo Laurel
Cast: Claudine Barretto, Diether Ocampo at Jericho Rosales
Plot: The story of two sisters (Gloria and Hilda), who have adopted three children (Gloria adopted Claudine and Jericho, Hilda adopted Diether). Trouble, lies and violence ensues as Gloria's children fall in love, and Hilda's son gets infuriatingly jealous. (Source:IMDB)
Sabi ng Bampira: Ito ang pinakagusto ko sa lahat ng mga pelikula ni Claudine. Next to Got to believe at Dahil Mahal na Mahal kita (Pinag-isipan kong isama sa listahan kasama ng One More Chance) Ang galing ni Diet dito. Hayup ng karakter. Hindi ko maisip ang rape scene niya kay Claudine. Buttfuck pa talaga. Ganda ng cinematography at setting ng pelikula. Gusto ko ang character development ng tatlo. Sayang at hindi ito masyado napansin nang ipinalabas. Natabunan kasi ng Batman Begins. Hay..!
8.MAGNIFICO (2003)
Director: Maryo J. De Los Reyes
ScreenWriter: Michicko Yamamoto
Cast: Jiro Manio,Lorna Tolentino,Albert Martinez,Gloria Romero
Plot: Set in an impoverished town, a couple begin to lose hope and courage when faced with life's adversities - a daughter who suffers from cerebral palsy, a son who loses his scholarship, and a young boy named Magnifico or Pikoy, who is not so good in school. But Pikoy is gifted with a good heart and a large spirit that allows him to give joy to hopeless people in their community and magically transforms their lives for the better.(Source:Wikipedia)
Sabi ng Bampira: Pinaiyak ako ng pelikulang ito. Hindi ko napaghandaan ang pagkamatay ni Magnifico (Jiro Manio) Para siyang si Santino (May Bukas Pa) sa wide screen. Sobrang nakaka-inspire ang movie. Napakasimple nang mga eksena pero na-knockout ang puso ko sa pagiging bigtime ng kabaitan ni Magnifico. Siguro sobrang bato na ang puso mo kung hindi ka maaapektuhan nito. Hirap maging kagaya niya sa panahon ngayon. Maiba ako, sobrang kyut ni Jiro Manio dito.
7. ITIM (1976)
Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Gil Quito
Cast: Charo Santos-Concio, Tommy Abuel, Mona Lisa, Mario Montenegro
Plot:The story centers on Jun (Tommy Abuel), a photographer whose family estate is in the countryside. He visits his paralyzed father during Holy Week. While he is taking photographs of people and events in the small town, a procession passes by and he spies a young woman named Teresa (Charo Santos) wandering along with the procession. Later, he meets the woman and while making friends with her, he discovers that their lives are linked by his father's past. Jun feels strongly that Teresa is possessed by the spirit of his dead sister, Rosa. Teresa's mysterious possession by Jun's late sister is solved in a stirring climax involving Rosa's spirit taking revenge for the injustices inflicted on her. (Source: Wikipedia)
Sabi ng Bampira: Isang natatanging pelikula na puno ng simbolismo. Ang galing ni Mike De Leon sa pagbuo ng isang kakaibang pelikula noong dekada 70 na hindi mo maaaring ikahon bilang horror, suspense or crime-thriller. Napakahusay ng pagkagawa at pagkasunud-sunod ng mga eksena. D' best ang istilo ng paglalahad ng kwento, ang anggulo at ilaw ng camera, production design (semana santa ang setting) at pati ang musical score, panalo. Astig talaga si De Leon lalo na nang malaman ko na ito ang pinakauna niyang pelikula. Tingin ko, dapat itong panoorin ng mga nangangarap maging filmmaker.
6. KISAPMATA (1981)
Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Raquel Villavicencio
Cast: Vic Silayan, Charito Solis, Charo Santos-Concio, Jay Ilagan
Plot: The irrational tyranny of a retired policeman over his abject wife and family emerges as a powerful force in this story of incest, abuse, and pervasive, internalized fear -- apparently based on a true case history. The ex-policeman's daughter Mila (Santos) two months pregnant, is allowed to marry her boyfriend Noel (Jay Ilagan), a mild young man of chubby proportions -- but Mila's father does everything he can to make the wedding difficult. It quickly becomes clear that the father is not going to let his daughter leave the house again -- and his ruthless dominance is unbalanced enough to indicate that a showdown will be inevitable. Meanwhile, flashbacks and dream sequences provide some clues as to who fathered Mila's baby -- an injustice in itself that merits some sort of retribution. (Source:Fandango.com)
Sabi ng Bampira: De Leon strikes back. Ikalawang pelikula na niya to sa listahan ko. Hindi naman ako fan ni Madame Charo Santos pero pansin ko, siya na naman ang bida dito. At sa pelikulang ito muling pinakita ni De Leon ang kakaibang galing niya sa camera handling. Gusto ko kung paano naging bahagi ng kwento ang dream sequence ni Mila (Charo Santos). Ang pinakaastig sa lahat, ang karakter ni Diosdado Carandang (Vic Silayan). Isa sa mga pinakamagaling na pagkaganap na nakita ko sa pelikulang Pilipino. (Trivia: Naging sup ko ang anak ni Vic Silayan..share ko lang..hehe)..Napamura ako kung paano tinapos ang pelikula. Isa lang masasabi ko: POWERFUL ang ending!
5. BAYANING THIRD WORLD (2000)
Director: Mike De Leon
ScreenWriters: Clodualdo Del Mundo Jr. at Mike De Leon
Cast: Joel Torre, Ricky Davao, Chris Villanueva
Plot: A complex film within a film that attempts to explore the myth of Philippine national hero Jose Rizal, director Mike De Leon's study in manufactured mythology attempts to explore the life of Rizal while simultaneously investigating his influence on modern Philippine society. It seems that the culture has embraced the idea of a nation icon rather than the physical reality of the man behind the myth, and director De Leon begins to study the historical accounts of Rizal's life while attempting to contact the family and friends that were closest to him. Confounded by the controversial letter of retraction that Rizal signed in his later days, the filmmakers attempt to uncover the motivation of the legend in renouncing all he stood for and opting for and embracing the society that he so vehemently denounced. Soon coming to the end of their search for facts and unable to solve the mystery of the letter, the filmmakers, at odds with their belief of recorded history, find that discovering the ultimate truth to the legend may be an unattainable goal.(Source:Answers.com)
Sabi ng Bampira: Waah. Sigurado na ako: Idol ko si Mike De Leon. Ito ang Pangatlong pelikula niya sa listahan ko. At magkakasunod pa. Para sa akin, ito ang pinakamatalinong pelikula na napanood ko tungkol kay Rizal. Isang malikhain at matapang na paglalahad at paghihimay sa konsepto ng pagiging bayani. Ang galing ng istilo ng pagkukuwento. Para kang nagbabasa ng isang detective story kung saan si Rizal ang kriminal at biktima. Ang buong pelikula ay tila isang paglilitis at tayong mga nanonood ang mga hukom at makakapaghusga kung anong bersyon ang paniniwalaan at tatangkilikin dahil kagaya nga ng sabi sa pelikula, mayroon tayong KANYA-KANYANG RIZAL.
4. HIMALA (1982)
"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao…ang himala ay nasa puso nating lahat!"
Director: Ismael Bernal
ScreenWriter: Ricky Lee
Cast: Nora Aunor, Veronica Palileo, Spanky Manikan
Plot: Himala tells the story of Elsa, a barrio lass whose visions of the Virgin Mary changed her life and caused hysteria in a poor, isolated village. The film is centered on the issues of religious faith and faithlessness.(Source:Wikipedia)
Sabi ng Bampira: Isang matapat na paglalarawan sa sistema ng pananampalataya at paniniwala ng mga Pinoy kung paano ito nasusubok ng pagkakataon at nagagamit o nasasamantala para mapanatili ang
status quo. Ang galing ng paggamit ng iba't ibang elemento para ipakita ang pagkakaugnay at pagkakasalungat ng mga pangyayari. Gusto ko ang transformation ng karakter ni Elsa (Aunor). Sobrang galing niya dito. Hindi niya kailangan magsalita. Paksyet ang expression ng mga mata niya.
3. INSIANG (1976)
"Matanda na kayo inay. Kulubot na ang balat niyo. Kaya't paggising niya sa umaga'y nasusuka siya. Nasusuka sa pagmumukha niyo!!!"
Director: Lino Brocka
ScreenWriters: Mario O'Hara at Lamberto Avellana
Cast: Hilda Koronel, Mona Lisa, Ruel Vernal, Rez Cortez
Plot: In a slum in Manila, gentle Insiang washes clothing for a living, while enduring non-stop harassment by her mother. When she is raped by her disagreeable mother's equally disagreeable lover, she sets herself on a subtle course of revenge.(Source:starpulse.com)
Sabi ng Bampira: Astig ang paggamit ng slaughterhouse para ipakita kung ano ang dapat i-expect sa pelikula. Ang galing ng foreshadowing technique. Parang sinasabi ng pelikula: Ito ang buhay-iskwater! At puteks, 33 years ago na ang pelikula pero ang mukha ng kahirapan na pinakita dito parang walang nabago. Gusto ko ang treatment sa karakter ni Insiang (Hilda) Para siyang bidang kontrabida. hehe. Para sa akin, matalino at palaban ang karakter niya. Gayunpaman, parang hindi ako komportable sa ending. Ang tigas ni Insiang. Naisip ko tuloy sino ba ang mas masama sa kanilang mag-ina? Si Tonia(Mona Lisa) o si Insiang mismo (Hilda)....
2. TUHOG (2001)
"Kapag katotohanan ang ibinenta, kasama pati kaluluwa."
Director: Jeffrey Jeturian
ScreenWriter: Armando Lao
Cast: Ina Raymundo, Jacklyn Jose, Irma Adlawan, Dante Rivero
Plot: A movie production company wants to make a film based on a newspaper report of a man convicted of raping his granddaughter. The producer and director interview the girl and her mother, assuring them that the film will be tastefully done. But when the women turn up for the screening, they are dismayed to find their story turned into a sexploitation flick called "Lust for Flesh." They leave the cinema halfway, feeling they have been violated all over again. (Source:IMDB)
Sabi ng Bampira: Swak na swak ang title ng movie na to sa kanyang kwento. Dahil: 1) It is a film within a film. 2) kwento ito kung paano inabuso (tinuhog) ng isang walang hiyang ama ang kanyang anak at apo. Ang kaibahan nito sa kisapmata, nakapokus ang kwento sa sistema ng paggawa ng pelikula. Ito ay isang matapang na pagpuna o pagbatikos kung paano inaabuso ang pelikula bilang sining at negosyo at kung paano nabababoy ang mga elemento nito. Dito ko unang napansin ang kakaibang galing ni Irma Adlawan na naging dahilan upang silipin ko siya sa iba pang mga pelikula. Angat din para sa akin ang pag-arte ni Ina Raymundo.
Bago ko ipakilala ang pinakatatangi kong Pelikulang Pilipino, nais ko munang banggitin ang iba pang mga pelikula na akin ding nagustuhan at kasama sa mahabang listahan na pinagpilian ng bigaTEN. Pinakilig ako ng mga pelikulang:
Sana Maulit Muli (1995), Dahil Mahal na Mahal kita (1998), Got to Believe (2002) at One More Chance (2007). Napaiyak ako sa mga pelikulang:
Sinungaling mong Puso (1992), Madrasta (1996), May Nagmamahal sa iyo (1996) at Anak (2000). Hindi ko rin makakalimutan ang:
Aguila (1980), Moral (1982), Sister Stella L.(1984) Scorpio Nights 1 (1985), Bata, Bata Paano ka Ginawa (1998), Live Show (2000) at Dekada 70 (2002). At hinayang na hinayang ako dahil hindi ko napanood o kung napanood ko man, hindi buo ang:
Maynila:Sa mga kuko ng Liwanag (1975), Temptation Island (1980) at Batch 81 (1982). Nais ko pala pasalamatan ang mga Art Studies Subjects ko lalo na ang film appreciation class ko kay Prof. Patrick Flores, UP Film Center, mga astig na University Orgs na libangan ang film showing at ang inaabangan kong ACLE (Alternative Class Learning Experience) sa pagbibigay ng isang pambihirang pagkakataong masilip ang mga pelikulang nalikha sa panahong hindi pa uso ang youtube, dvd at torrent. Salamat din sa CinemaOne, Holy Week Special ng 2 higanteng istasyon sa Pinas at Cinemanila. Dahil sa kanila, patuloy ko pa ring minamahal ang Philippine Cinema. At ngayon, malugod kong ipinapakilala ang # 1 sa aking listahan:
1. ORO PLATA MATA (1982)
Director: Peque Gallaga
ScreenWriter: Jose Javier Reyes
Cast: Manny Ojeda, Liza Lorena, Sandy Andolong, Cherrie Gil, Joel Torre
Plot: Oro Plata Mata traces the changing fortunes of two aristocratic families in Negros during World War II. (Source: IMDB)
Sabi ng Bampira: Lupit ng movie. Astig ang cinematography. Although enjoy ako sa mga grabeng nude scenes dito: ang seksena sa shoehouse at waterfalls, (Hindi ko ma-imagine si Mitch Valdez doing a sexy role here. Ginulat niya ako. Wtf! tinanong ko pa ang katabi ko sa Film Center kung siya ba talaga yun) at some point nagiging weakness siya ng pelikula dahil tingin ko hindi naman siya kailangan. Ayoko ng pag-usapan ang teknikal na aspeto ng pelikula. Basta ang alam ko, gising na gising ako mula sa simula hanggang matapos ang pelikula. Parang ayokong kumurap sa bawat eksena. Siguro kaya #1 ito sa listahan ko, dahil ibang klase ang naging epekto nito sa akin sa panahon na pinanood ko siya. Very Engaging!
Ayan kompleto na ang listahan ng BigaTEN Pinoy movies ko. Sa susunod
foreign-language films naman..Mabuhay ang Pelikulang Pinoy!
Salamat:
sa http://images.google.com.ph/ para sa mga posters.
sa imdb at wikipedia para sa plot summary at cast and support info
10 comments:
I am glad you included Tuhog! Lyk ko rin yan and Toro too! Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin na rin and Mumbaki. Yun na!
Out of all the movies, ang Magnifico lang ang napanood ko talaga, pero sigurado naman na pasok to sa ano mang list at top 100 or top 10 diyan,
Jiro was really great on that movie
hmm, bakit wala ang maynila sa kuko ng liwanag
ako no.1 sakin ung batang X dahil idol ko si john pratts,nyayss...
wala akong napanuod maski isa sa mga nasa listahan mo.. hehehe
Interesting choices. Magnifico, himala at tuhog lang yung napanuod ko sa mga yun. Maganda rin yung close to you ni john Lloyd at bea! haha
Nakalimutan ko ang Batang PX.
Marami akong napanuod dito sa list mo, I always support Filipino movies, but the best one for me is HIMALA, followed by ORO, PLATA, MATA.
Thanks for sharing this one.
huwaaaw, ganda ng list!
maganda nga yung Nasaan Ka Man, medyo underrated nga lang. at ang galing nga ni Diether at Claudine dito.
Na-bad trip ako sa Urian noon. Dapat kasi ay si Claudine ang nanalong best actress, hindi si Jaclyn Jose.
Tas hindi man lang nominated si Diet.
Pero pinakagusto ko pa ring movie ni Claudine ay Kailangan Kita. ehehehe
Gusto ko mapanood yung Tuhog ni Jeffrey Jeturian. Siya rin yung nag direk ng Kubrador di ba? Meron yatang tinatapos na bagong film si Jeturian para sa Cinemalaya. Excited na ko.
Post a Comment