Matagal na akong hindi nakapagchat. Matagal na akong hindi naghahanap ng kaibigan. Matagal na kasi..... anjan ka. Isang kakaibang mama. Ang araw-araw ay parang chatroom. Hindi ka napapagod magsalita at magkwento. Ang daming pede pagpilian pero ikaw ang nagustuhan kong i-ping kasi angat ka. Tingin ko kasi mapagkakatiwalaan kita. Sa bawat araw na nagdaan, lahat ata ng emoticon nagamit ko. at bilang pag-alala, hayaan mong ipakilala ko ang aking nag-iisang mama.
ASL:
23, bionic woman, http://missoxymoronic.tabulas.com/
Ang totoo niyan. Hindi ka 23. Isa kang 35 taong ina sa isang 7 taong isip na kagaya ko. Hindi ko alam kung paano kita naging mama at ako ay iyong ipinanganak at naging my son. Basta sigurado ako isang karangalan ang pagiging anak ng isang pambihirang babaeng kagaya mo. Totoo nga siguro ang kasabihan na niluma ng panahon at ginasgas na ng mga samo't saring labi na nagsasabi: OPPOSITE ATTRACTS. Paano naman isa kang kakaibang babae na kayang makipagsabayan kay Kris Aquino sa pagkakaroon ng kakaibang energy sa pagsasalita. Ang iyong hindi mapapantayang talento sa pagpapatawa ay hinahangaan ng lahat at ang kakaibang tapang at tatag sa pagharap ng mga problema at hamon ng buhay at pag-ibig ay isang inspirasyon. Matanda ako sayo ng limang taon pero ang iyong kakaibang pagtingin sa buhay ay nagpabata sa aking 21 taon. Mula nang ipinanganak mo ako, naging magaan ang lahat. Alam kong alam mo (hindi ko alam kung kelan at paano) pero labis akong natutuwa na ang pag-unawa ng isang ina ay binigay mo sa akin ng buong buo. Salamat sa pakikinig at respeto. D best ka talaga.
STATS:
Sexiest and hottest momma. BABALA: Matakot ka sa alindog ng babaeng bilog
Mama, hayaan mong bolahin kita. Hayaan mong paminsan-minsan ay magsabi ako ng katotohanan na isa kang matalinong ina. Ang iyong utak ang pinaka-SEXY at pinaka-HOT sa lahat. Siguro hindi ako ganun kagaling magpakita ng aking pagmamahal at paghanga pero saludo ako sa iyong kagalingan. Ikaw lang ata ang nakilala ko na kayang magsup call sa sarili. Ikaw ang ilaw kapag malabo ang tingin ko sa mga pangyayari. Ikaw lang ata ang kayang makapagpatawa sa akin kahit na aburido na ako sa mga kakulitan ng kalahi ni Harry Potter. At dapat ko bang kalimutan na ikaw ang nagpakilala kay blogspot, pinoy exhange at kung bakit nagkaroon ng EdwardJacob? Basta ibang klase ang utak mo at hindi ko kayang ilarawan ang galing nito. Mama pede ko na siguro kantahin to:
Girl, your beauty is a sensation.You sittin in, in a temptation.I never knew a girl could shine like a sun.You better thank your mama, cause girl, you the one.We should have a date of celebration.Celebratin gods best creation.Girl you got a beautiful vibration.Everyday should be your birthday, hun. (Will.I.Am. I got it from my mama)
GTG:
Ang sabi sa dictionary.com: GTG- Got to go. The user is about to stop chatting.
Nang araw na sabihin mo ang iyong matapang na desisyon, naging duwag ang lahat ng nagmamahal sa'yo sa pagtanggap nito.Maraming mga tanong pero alam namin lahat na iisa lang ang sagot. Sobrang daming nangyari nitong nakaraang araw at siguro nangyari ito upang sabihin ni BRO na isa kang magandang nilalang at bibigyan ka niya ng isang magandang regalo na alam niya na matapang mo itong bubuksan. Di ba sabi nila: "When it rains, it pours". Kaya sigurado ako, babahain ka ng swerte. Makakalimutan mo din ang Astronaut sa buhay mo. Matutupad din ang matagal mo nang pangarap at sana makita kita sa isang news program o kaya mabasa ko ang katas ng iyong masustansyang utak. Mama, mamimiss namin ang tawa mo, ang bilugan mong alindog, ang mga kakulitan mo. Hindi ako naniniwala sa dictionary.com. Hindi ka naman talaga aalis. Hindi ka mawawala. Andito ang blogspot. Anjan si pareng globe. me imo pa. Hindi naman talaga got to go ang gtg e. Gienah the Gorgeous, Gienah the Great, Gienah the Goddess.. at of course GREETINGS TO GIENAH. HAPPY BIRTHDAY MAMA.
Basta mama, kapag kailangan mo ng kausap, BRB ka dito sa eastwood. Sa una mong sweldo, EB tayo para manlibre ka ng paborito nating blizzard sa DQ. At para maalala mo kami, eto tingnan mo: Delivery Room , Pangasinan , Zambales , Phase 1
4 comments:
Mama mo? as in nanay? kung yes, ayos!!!Cool at my blog sya..ASTIG!!!
Happy birthday sa iyong mama!!! :)
sa lahat: maraming salamat. buhay na ulit ako. haha!
[at my [post]
happy bertdey sa iyong mama ,
dahil sa malapit na rin po ang mother's day "happy mother's day nadin kay mama mo hehe...
napadaan po ..
@ lord - adopted son po ako. hahaha. Salamat sa pagbisita.
@ yas - Buhay ka nga bunso. Nadalaw na kita. Ingat lagi.
@ anakngpating - aliw naman ako sa name mo. Kamusta na ang nanay mo? hehe. Salamat sa pagdalaw. Balik ka.
Post a Comment