B1: Musta na? Ano na balita sa'yo?
B2: Ok lang. Mejo Busy. Ikaw?
B1: Ito..Malungkot.. :( Miss ka na pala ni Jr. ....hay...!
B2: Owws..? Talaga lang ha..Musta si Jr.? Makulit pa din?
B1: Sobra Miss ka.. Lagi ka niya hinahanap. Gusto ka niya kasi kalaro.
B2: Lumaki ba? Lagi pa rin matigas ulo?
B1: Silipin ko. Natutulog e...Hmmmm.. Parang lumaki nga siya. Tumaba. At lagi matigas ulo nito.
B2: Spoiled kasi sa'yo. Dapat kasi matuto ka magdisiplina. Baka naman kasi kung anu-ano na pinapasok mo sa ulo niya.
B1: Ano ka ba? Sa'yo lang kaya sumusunod to. Magaling ka kasi mag-alaga. Alam mo paano siya pasayahin.
B2: Namimiss ko na nga din siya kalaro. Namimiss ko ang katigasan ng ulo niya. Humanda siya sa akin.
B1: Hahaha. Huwag mo naman takutin. Hinay hinay lang. Parang machine gun kasi bunganga mo. Iyakin pa naman to.
B2: Wag dapat siya iyakin. I-train mo yang si Jr. magpakatatag. Dapat astigin. Kakatawa pa naman yan umiyak. Nanginginig..Hahaha. Kakatakot nga lang pag nagwala.
B1: Oo nga. Ayan nagising tuloy. Daldal mo kasi. Nag-iinat ang loko. Tulo-laway ang mokong.
B2: Sige punta ako diyan. Me pasalubong ako sa kanyang rubber.
B1: Sige sasabihin ko. Naku tuwang tuwa to mamaya. Gising na siya. Damihan mo yang goma. Lam mo naman na peyborit niya yan.
B2: Sige magdadala ako isang box. Pakasawa siya. Dala na din ako chocolate at orange...
B1: Sige antayin ka namin ni Jr. Paliguan ko na siya para mabango.. hehe.. Gising na gising na.
B2: Ok.. Punta na ako. Papaiyakin ko yan..haha..Tingnan ko lang kong 'gang saan kakulitan niya.
** Salamat sa http://images.google.com para sa mga larawan.
10 comments:
yey! haha
errr.. anak mo?
lahat ba ng Jr ay matigas ang ulo. ang Jr ko din kasi ay ganun. kung saan-saan pumapasok,, naku!
seryoso pa naman ako sa pagbabasa. cute kaya si junior at masarap pisil-pisilin? hahaha! :)
Hehehe :D Sana pix ni Jr ang nilagay mo :)h
hahaha!! pic naman ni jr....
My virgin eyes, ear and mind!
akala ko naman ibang junior na.
akala ko etits,haha
nice post...haha
walang katulad si junior..hehe
Post a Comment