Thursday, 28 May 2009

Kapitan Sino


"Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." Kapitan Sino, Bob Ong

.... Yan ang forwarded sms ni elYAS. Alam ko na merong Ika-7 libro si BO pero hindi ko alam kung kelan ilalabas. Isa ako sa mga avid reader ni BO. Kumpleto ako ng 6 niyang libro: ABNKKBNPLKo?!?, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at Mac Arthur. Kaya kinulit ko si bunso kung saan niya nabili. Bantayan bookstore daw. Saan yun? Salamat sa unlitxt promo ng Globe. Isa sa mga nakulit ko ay si Jinjiruks. Alam daw niya kung saan pero hindi niya matandaan. Waah. Nagtext pa ang isa:

Out of stock na sa Powerbooks. Meron daw sa MOA. Ala sa NBS.

Huh? WTF! Dahil siguro sobrang excited ako at ayaw magpahuli, pagkatapos ng tanghalian, kaagad naligo at sinubukan dalawin ang fully booked sa Gateway.

Miss meron na Kapitan Sino?
Meron na po. Pakitingnan sa Filipiniana section

Nagmadali naman ako. At nakita ko siya. Tiningnan ko muna nang matagal. Sabay sabi: Lagot ka sa akin. Kaagad ko siya kinuha at sinilip:

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon


Hmmm... kaya niyang lagpasan ang pinakapaborito kong libro? (Libro ni Hudas). Binayaran ko ang P175.00 at binasa ang text ng kaibigan:

Ngek, ngayon mo lang alam? Noong May 13 pa meron. Masyado ka ata busy. Available na yan sa lahat ng bookstores.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Inisip ko na lang siguro kailangan ko ng superhero sa buhay. Para naman updated ako. o baka naman dapat ako ang maging superhero. Ewan. Basta pagkatapos nitong entry na to, babalatan ko na at aalamin ang husay ni KAPITAN SINO..

13 comments:

Jinjiruks said...

malamang magdamagan mong tatapusin yan. hehe! sana kagaya mo na lang ako na mahilig sa mga ganyang books. ako kasi masyadong na infused sa mga fantasy rpg realms kaya medyo walang appeal sa akin si Bob Ong!

HOMER said...

wahh!!! wala pa ako! hehe!! :)

ACRYLIQUE said...

I've been searching araound. nahihilo na ko. di ko pa rin maangkin ang libro.. Waaaahh :)

Hari ng sablay said...

aynatapos ko na din,hehe ayos astig... gusto kong part yung nasa itaas sila ng simbahan ni tessa...galing galing talaga...

Mugen said...

buti na lang at yung librong ABNKKBNPLKo ang meron ako. Kung hindi baka nakipagunahan rin ako sa iyo.

<*period*> said...

totoo po, out of stock yan sa powerbooks...kagagaling ko lang kasi powerbooks para magtanong ng limited edition na libro ni ricky lee na si tatang na sa may 31 pa pala ang relase, sahalip na may 25...

super fan din ako ni bob ong

ngayon ko narealize na totoo yung sabi s ablog ni visual print enterprises na may nagbalik sa kapitan sino

may part dun na sinabi na pareho sila naghihintayan..yung super hero at yung mga tao..

reminiscient sa lines nuon sa alamat ng gubat na yung readers, naghihintay na magliligtas sa gubat samantalang yung mga hayop naghihintay sa mga tao na kumilos

gillboard said...

Yep matagal nang lumabas yang libro na yan.. di ko lang binibili kasi ang mahal.. tsaka di ko pa tapos basahin yung MacArthur... medyo nadedepress ako sa nababasa ko eh.. hehehe

madami pa akong nakitang stock nyan sa NBS sa glorietta.

Badong said...

Nung nalaman ko rin yung tungkol dyan sugod agad ako sa powerbooks (actualy sa nbs muna, tanga ko kasi di ko alam na walang stocks dun). Maganda yung message. Bagay sa eleksyon.

Yas Jayson said...

kuya pandayan yun. pandayan! haha

well, enjoy the book. o kelan ang labas?!

tagaaaal.

Anonymous said...

kuya padaan, kabadtrip sa NBS lage out of stock aurg san ba meron?

2ngaw said...

Ahek!!!Meron bang e-book? :D

Anonymous said...

tenks for the info man, been wondering what's next after macarthur.

will grab a copy this weekend. ;)

Klet Makulet said...

meron na ako nung book noong isang linggo pa yata pero di ko pa din binabasa. katunayan, naka-plastic pa siya. ayoko lang magpahuli wehehehe ... Nagmakaawa pa ako sa kaibigan ko na ipagpareserve ako sa mga bookstore. awa ni Lord nasa akin na. sabi nila ay maganda tulad ng dati :P