Wednesday, 6 May 2009

Road Trip



The road of life twists and turns and no two directions are ever the same. Yet our lessons come from the journey, not the destination. ~ Don Williams Jr.

Last year, Zambales ang naging summer destination ng grupo. At ngayong 2009 pagkatapos ng iba't ibang lugar na pinagpilian at samo't saring plano, napagkasunduan na Pangasinan ang magiging saksi ng aming kulitan. Matapos makipagbolahan, bulyawan at landian sa mga kababayan ni Hatton, excited ang bawat isa sa pagbitbit ng bag at nakipag-unahan sa 24/7 na elevator. Matapos ang mabilisang paghahanda, kanya-kanyang pwesto na sa sasakyan. Alas-4 ng hapon nang umalis kami sa Eastwood para simulan ang makulit na paggalaw sa tag-araw. Maingay ang grupo. kakaiba ang energy level ni Mama G. Hindi siya maawat sa kanyang pambihirang galing sa pagpapatawa. At hindi rin papahuli ang astig na camera ni chong ( D official pornograher este photograher)



Have patience with all things, but chiefly have patience with yourself. Do not lose courage in considering your own imperfections, but instantly set about remedying them - every day begin the task anew... Saint Francis De Sales

8 na ng gabi nang makarating kami sa SM Rosales. Medyo pagod na ang lahat- siguro dahil sa kakatawa, kakaupo at dahil kanina pang 3 ng madaling araw kami gising..(galing pa kami trabaho). Hindi nakayanan ng pizza hut ang pag-aalburuto ng aming mga TIYANak. Walang nagawa ang paborito kong sneakers. Kaya lang kailangan namin bumaba para bumili ng pagkain. Hindi rin kailangan mawala ang bida ng kulitan...An Alak... Hindi na rin maipinta nag mukha ng iba dahil siguro sa pagkainip at pagod sa byahe.

X: Matagal pa? Ilang oras pa ba?
Y: Medyo. Isang oras pa ata.
X: Waaah....Gutom na ako....!



You will never be happy if you continue to search for what happiness consists of. You will never live if you are looking for the meaning of life...Albert Camus


Tumigil ang nakaambang pag-aalsa ng mga TIYANak nang makarating kami sa Dagupan- kung saan kami kakain, bandang 10 na ng gabi. Kahit na pagod at medyo nakasimangot na ang iilan, hindi kayang pigilan ng sanlibong sibat ang nag-uunahang mga kamay sa pagkuha ng pagkain. Sulit ang mahabang paglalakbay. D best talaga ang sinigang na bangus, pritong bangus at ang ibang klaseng pinakbet. Ang mangga ay hindi nakatakas sa aming kabagsikan. Saglit na nagpahinga at nagharutan. Isang oras na namang biyahe papunta sa San Fabian- Ang venue ng kakulitan. Pagdating ng grupo, kagad naglinis at nagbihis ang lahat. Inihanda na ang tagay at kakulitan . Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ring tumatalab ang hagupit ng alak. Buti na lang kahit me amats,Namumuro't bumibinggo. Hanggang sa unti-unti nang sumuko ang mga makukulit.



When you arise in the morning, think of what a precious privilege it is to be alive - to breathe, to think, to enjoy, to love... Marcus Aurelius


Nagising ako dahil sa alarm clock..Sinadya ko to para makita ang ganda ng pagsikat ni Haring Araw. Pambihira talaga ang ganda ni Inang Kalikasan. Habang inaantay ang masaganang agahan, napagkasunduan ng grupo na maligo at gumala. Ang sarap ng pakiramdam. Parang nawala lahat ng angas at bwisit sa kalooban. Lalo naging masaya dahil sa pagrerenta ng bangka. Napakapayapa ng dagat. Di ko tuloy maiwasang isipin na ilang sandali na lang at tuluyan nang mawawala ang kakulitan ni Mama G.Pero gaya ng nasabi ko sa G.T.G entry, maraming paraan para hindi mawala ang alaala ng isang pambihirang babae.






Slow down and enjoy life. It's not only the scenery you miss by going too fast - you also miss the sense of where you are going and why... Eddie Cantor

Masasabi kong isang pambihirang road trip ang nangyari sa amin. At sa bawat sandali na lumilipas, tuwing umaandar ang sasakyan, sa bawat halakhak ng aking ka-grupo, dampi ng sariwang hangin, halina ng mga luntiang puno at payapang handog ng bughaw na dagat, nagkakaroon ako ng bagong lakas at pag-asa. Siguro, katulad ng mga bata, minsan kailangan kong maglibang nang walang pag-aalinlangan at matutong matuwa sa mga munting bagay.





Hanggang sa susunod!


8 comments:

Visual Velocity said...

Mukang masaya ang inyong outing. Buti pa kayo, kami dito sa ofis gabundok ang trabaho kaya hindi makapag-bonding time, ehehe.

Jinjiruks said...

buti nde umulan nung nagpunta kayo sa Pangasinan. pinagdasal ko pa naman para umuwi agad kayo. hehe!

The Pope said...

Napakaraming magagandang beaches sa Pangasinan, my wife is from Asinggan, hometown province ni Apo Ramos. It's been 3 years na rin na hindi ako nakakauwi sa Pangasinan. Salamat sa post, nagbibigay ito ng masayang ala-ala nung huli kong bakasyon.

Herbs D. said...

im happy to see you evoke those emotions through your shots! :)

Eloisa said...

I like your pictures, its like you're the perfect spectator, with lots of insight...:-p

Hari ng sablay said...

ganda naman ng mga kuha mo, malaki future mo sa phtgraphy...

Yas Jayson said...

ehe. Nagpunta din ako ng San fabian last january. biglaan lang kasi papunta kaming baguio. haha. SWEAR, ASTEEG NUNG PICTURES NG SUNRISE!!!!! [o sunset? haha]

ayun, kelan tayo mags-something's fishy with kuya jinjurks?!

bampiraako said...

Sa lahat ng mga naki-road trip, salamat. Sana nag-enjoy kayo sa biyahe...

Sa susunod ulit..kitakits Summer 2010..