Saturday, 30 May 2009

Bente-Otso


All my life I had been looking for something, and everywhere I turned someone tried to tell me what it was. I accepted their answers too, though they were often in contradiction and even self-contradictory. I was naïve. I was looking for myself and asking everyone except myself questions which I, and only I, could answer. It took me a long time and much painful boomeranging of my expectations to achieve a realization everyone else appears to have been born with: that I am nobody but myself. ~Ralph Ellison, "Battle Royale"

28 Random Things About ME:

1. Apat na taon na akong Kolboy.--Dalawang taon sa isang American Mobile Company at dalawang taon din sa UK-based Mobile Company.

2. Sa loob ng apat na taon, ngayon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-aaply sa ibang posisyon. Napagod na din siguro ako o nakulitan na din ako sa pangungulit nila na mag-apply. Hindi pa tapos ang proseso..Goodluck sa akin.

3. Pagtuturo ang naging unang trabaho ko. Nagturo ako ng History (HeKaSi) sa Grades 3 -4 at Reading sa Grades 5-6. Naging Class Advisor ng Grade 4, Art Club Moderator at House Master. (Ginaya ng School na pinagtuturuan ko ang Hogwarts. Ang pangalan ng mga houses ay ayun sa mga Phil. Festivals)

4. P9000.00 ang pinakaunang sweldo ko. Dalawang taon ako nagturo. Hindi ko alam paano nagkasya to. Tama nga siguro ang Law of Supply and Demand. Gayunpaman, ito ang pinakamasayang taon ng pagtatrabaho ko.

5. Siguro kaya nagkasya ang no. 4 dahil sa tutorial job ko. Naging tutee ko ang anak ni Mr. Go Negosyo at ang 2 pinsan niya. Mababait naman sila.

6. Naranasan ko rin maging working student. Pinagsabay ko ang pagiging kolboy at pagkuha ng Certificate in Teaching Program sa PNU. Ginawa ko to sa loob ng isa't kalahating taon.

7. Produkto ako ng Public School System. Naglalakad nang 2.5 KM noong elementary, suki ng tricycle at trip mag top ride/sumabit sa dyip pag uwian noong Hayskul, walkathon/ suking pasahero ng ikot dyip sa State U at mrt/lrt sa PNU.

8. Sa 16.5 taon kong pag-aaral, buhay State U ang pinakamasaya sa lahat. Dito unang naganap ang pakikibaka at paninindigan ko laban sa TFI, campus repression at iba't ibang mukha ng isyung pampulitika (kasama ako sa picnic ng Edsa 2). Dito ko natutunan ang 3 S sa buhay: Service, Sacrifice at Survival.

9. Dormer ako sa loob ng 3 taon. Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod sa curfew, naranasan ko matulog sa sunken garden at papakin ng lamok sa lagoon. Dito din naganap ang pagkamulat na dahilan ng pagkasilang ni BampiraAko.

10. Mahina ako sa Math. Ito ang pinakamababa kong grade sa elem, HS at College. 3 (tres) ang grade ko sa Math 1. (Impiyerno ang Math bldng. Satanas ang Math prof. ko)

11. Nakuha ko na ang PRC licence ko. Isang patunay na certified crammer ako. Isang magandang alaala at napakahalagang bunga ng # 6. Sana makapagturo na uli ako at matupad ko ang balak na pag-enrol sa graduate school.

12. Frustrated film student ako. (magastos kaya wala nangyari sa frustration ko). Dream ko makagawa ng isang pelikula o makasulat ng screenplay. Sinubukan kong kumuha ng scriptwriting elective. Summer class yun kaya dumugo ang utak ko sa araw-araw na pagsusulat at kumapal ang mukha sa araw-araw na presentation. (hay..bangungot sa tag-init ang nangyari)

13. H.S. Freshman ako nang maranasan ang tinatawag nilang M.U. Torpe lang talaga siguro ako kaya noong Sophomore na ako binalak siya ligawan pero lumipat na siya sa ibang school. BampiraAko nang magkita kami uli.

14. H.S. Senior ako nang unang manligaw. Pareho kaming CAT Officer kaya lagi ko siya hinahatid pagkatapos ng training. Ayun binasted niya ako sa tapat ng simbahan. Mas gusto niya ang Battalion Commander namin. (X0 ako at S4 siya)

15. Binalak ko uli manligaw noong nasa State U ako. BA Socio. siya at klasmeyt ko sa isang elective class. Pero ala nangyari dahil sa # 9. Nagkagusto ako sa dormmate ko. Ayun, nagulo ang utak at puso ko.

16. Naranasan ko ang isang complicated relationship kay J. Tumagal ito ng apat na taon. Siguro traumatic ang experience kaya takot ako sa commitment.

17. Mahilig ako sa matatamis. Favorite ko ang Pistachio ice cream, sneakers na chocolate at blizzard na strawberry banana flavor ng DQ.

18. Monggo ang pinakagusto kong gulay. Kaya paborito ko din ang monggo bread at pati na rin ang hopiang monggo.

19. Mas gusto ko ang pasta (I Love Pesto) kaysa pizza, hilaw na mangga kaysa hinog. Gusto ko din ng spicy food kaya peyborit ko ang Shin cup at hot and spicy tuna.

20. Fan ako nina: Nicole Kidman, Bob Ong, Jars of Clay, SpongeCola, Anne Rice, Jeffrey Jeturian at Mike De Leon. Na-hook ako sa Twilight Saga, LOTR, Vampire Chronicles at Harry Potter. Naging avid reader ako ng Liwayway, tagahanga ni Kapitan Pinoy at natakot sa Isang Gabi ng Lagim (Mga drama sa DZRH). Binasa ko ang mga akda nina Helen Meriz, Gilda Olvidado, Nerissa Cabral, Caparas, Patron at si Mars Ravelo. Hindi ko makakalimutan si Jun Cruz Reyes (Utos ng Hari)

21. Certified KAPAMILYA ako.

22. Nagsimula ako bilang chatter, naging online gamer (Khan at Tantra), Lurker sa Peyups.com at Pinoy Exchange at ngayon isang blogger at blog hopper.

23. Naging hobby ko ang stamp collecting. (tinigil ko nang masira ng baha sa Marikina). Nagcollect din ako ng movie tickets noong college (kulit ng ticket sa UP film center), tickets ng Cine Europa at Cinemanila, concerts pati plays. (astig ang St. Louis Loves dem Filipinos at sino ang hindi makakalimot ng Rama at Sita?) UAAP tickets at ang cheerdance competition(Non-stop pa dati ang sponsor)Hindi rin nakalagpas ang ticket ko sa Enchanted at Nayong Pilipino..Ngayon, trip kong i-collect ang business matters column ni Francis Kong sa Star, Youngblood/Highblood sa PDI at 60 minutes sa Bulletin.

24. Ginagawa ko ang # 17 kapag depressed o malungkot. Trip ko din pakinggan ang 98.7 (DZFE/Master's Touch) kung gusto ko magrelax. Favorite place ko na pagsumbungan, pagkwentuhan o pasalamatan ang Padre Pio Chapel saka ang St. Jude Church sa Mendiola. Lagi ako nagsisimba sa Perpetual Help Church sa Cubao kasama ang Wonder Women.

25. Naranasan ko na mahold-up sa dyip. Walang nakuha sa akin pero nakakuha ako ng 4-stitches na sugat. Nabadtrip siguro dahil P50 lang ang laman ng wallet ko at naitago ko kagad ang cellphone ko.

26. Grade 4 ako nang sumama sa mga pinsan para magpatuli sa ilog. Yun yung ngunguya ka ng dahon ng bayabas at gagamitan ng labaha. Umatras ata si Jr. dahil sa takot. Ayun, sa hospital ako nagpatuli noong grade 5. (Me birthmark si Jr. kaya siguro makulit)

27. Hindi ako nagyoyosi. Mahina din ako uminom. (2bote, mukhang kamatis na. 5 bote, lasing na) Nearsighted din ako pero hindi ko palagi sinusuot ang salamin ko. Ginagamit ko lang to kapag nasa sinehan, classroom, nag-aabang ng sasakyan o pila sa fastfood. Kaya suplado daw ako kasi kapag wala akong salamin at kahit todo smile ka, hindi kita makikita. Moody din pala ako. Hmmm siguro kasi typical Gemini. (me ganun?)

28. <------ Ito ang edad ko ngayon. Ngayong araw, kung kelan pinost ang entry na to, ang kaarawan ko. (happy bday to me!) Salamat sa lahat na naging bahagi ng 28 taon na kakaibang road trip ng buhay.

24 comments:

wanderingcommuter said...

kung alam mo lang, SOBRANG dami nating pagkakatulad. almost lahat, ang pagkakaiba lang ay manggagaling ako sa pagiging kolboy patungo sa pagtuturo... ang galing!

napangiti ako ng post nito!

Jinjiruks said...

Natutuwa ako sa pagiging honest ng 28 facts na ito tungkol sa iyong sarili. Natutuwa ako sa pagiging simple at eksakto ng mga detalye hindi kagaya ng iba na puro palabok na lang. me napansin lang ako pero pag nagkausap na lang tayo, medyo nadulas ka sa isang number pero hindi na ako magsasalita.

@ewik
uyy! me naamoy ako. connect the dots!

Hari ng sablay said...

preho pala tayo torpe din ako.hehe

hapi bday. teka bday mo nga ba?

<*period*> said...

hindi po ako ako manggagaya, pero katulad ni wandering commuter, marami po pala tayong pagkakatulad...pero sa halip na kolboy ako, ako naman po ay naging d-j

hapi bertdey po...i love your post.,.and your writing

Jinjiruks said...

hehe. talagang kolboy ang pagkakaiba eh. nde na ako magsasabi na meron din tayo pagkakapareho kahit papano kaya nga magkasundo tayo eh.

gillboard said...

Maligayang bati!!!

Natuwa ako sa post mo, dahil marami dun sa nilista mo eh katulad ng mga gusto/ugali ko... hehehe

Luis Batchoy said...

hapi berdey po... mabuhay ka

Anonymous said...

happy birthday =)

Badong said...

maligayang bati!

i agree dun sa sinabi mo...na buhay State U ang pinka-masaya sa lahat..

HOMER said...

agree ako sau re pagkuha ng PRC license na testament ang pagpasa sa pagiging isang crammer hehe!!

parehas tayu gusto ko din mag FILM hehe!!

Wow gamer ka din pala dati hehe! pero iba nilalaro ko eh hehe!!

HABA HABA BERDI! HEHE!! HABERDAY TO YOU!

Mugen said...

Happy Birthday sa iyo dude. Tama yung sabi ni Wandering Commuter. Maraming marami kayong similarities. Ehehehe.

Pakanton ka naman diyan! :D

0 said...

Naalala ko tuloy ung grade ko sa college algebra. history pinakamataas ko at algebra ang lowest. parang parehas tau. :)

bampiraako said...

SA LAHAT -- Maraming Salamat po sa inyong pagdalaw at pagbati. Naasaya nyo ako sa esesyal na araw na to!

Visual Velocity said...

Ako rin, allergic sa Math. Nung kolehiyo sa paaralan natin, 4.0 ako. Nagremovals ako, naawa ang teacher ko, ginawang 3.0. Laking tuwa ko nun, para akong nanalo sa lotto.

Maligayang kaarawan!

blagadag said...

have more happy days ahead! good luck sa job hunting!

ACRYLIQUE said...

Happy Birthday Kuya!!

Next year 29 na yung facts mo :)

Aris said...

maligayang kaarawan! natutuwa akong makilala ka sa pamamagitan ng isiniwalat mong bente-otsong bagay tungkol sa'yo. hangad ko ang katuparan ng iyong mga pangarap at kaganapan ng mga magpapaligaya sa'yo. :)

bioniclugaw said...

parekoy napadaan ulit, ngayon lang nakasingit. hehehe...happy bertdey ba? lolz paselecta na. delayed reaction ako ngayon. hehhe sira lapi ko. kainis. di ko pa napaayos. busy sa work. tanginers talaga...nanibago ako sa work ko. walangyang michael dell yan, pinapahirapan ako ng kumapanya nya....huhuhuh....

Yas Jayson said...

happy birthday. :D

Anonymous said...

happy birthday bro!

i wish you the best

missoxymoronic said...

my son! ngayon ko lang napatunayang na ang showbiz ay nananalantay talaga sa ating mga dugo, akalain mo ang dami mong fans! lol. i know you're happy at magiging happy pa lalo dahil bonggang bonggang get together angmagaganap sa byernes. miss you. labyu. tsup tsup mwua mwua.

Herbs D. said...

OMG. seriously? the stitches?! omg. ohmahgawd.

akala ko talaga magiging sexually charged ang post na to hahaha. i fool myself too much. mwahahaha.

but then again, it was entertaining reading about you. a good read after waking up on a cool and not so bright monday. ahihihih

Jay Vee said...

belated happy birthday!! :D

maikeru77 said...

Glad I found you...again! di mo naisulat dyan sa #9 na dahil sa sobrang di mo pagsunod sa curfew eh nakitulog ka dito sa office. buti nalang at overnight kami that time. me, nagpatuloy sa isang stranger, you, tumuloy at sumama sa total stranger. hahaha.. that is life. we live to gamble. =)