Wednesday, 23 December 2009
NAGBABALIK
Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda. Matapos kabahan at matakot. Narito na naman ang di inaasahang banta. Akala namin "We're out of the woods". Pero dahil sa patuloy na pagbaba ng numero-ang batayan ng aming kagalingan, muling nabasa ang sulat ng paghahanda.... Mababawasan na naman kami.
Pagkatapos ng isang taon. Matapos mapagod sa kalalakad sa paghahanap ng mga pedeng ibigay. Matapos maubos ang 13th month pay mapasaya lang ang mga mahal sa buhay. Matapos masira ang healthy diet dahil sa mga masasarap na holiday food......Pasko na naman
Pagkatapos ng mahigit na isang taon.......
Uuwi ako sa probinsiya.
Makikita ko na naman si Nanay at ang makulit kong kapatid.
Makakahiga na naman ako sa aking sariling kama.
Mayayakap ko ang mga naiwan kong unan.
Makikita ko ang mga barkada at kaklase sa hayskul.
Masasabi ko: Masarap ang Buhay!
Friday, 27 November 2009
Political Colors (UAAP SEASON)
BLUE EAGLES
GREEN ARCHERS
FIGHTING MAROONS
Sana hindi tayong maging color blind sa darating na halalan.
Monday, 23 November 2009
Tuesday, 17 November 2009
ANGAS
Akala ko hindi na kami magkikita. Akala ko matagal ko na siya nakalimutan. Pero, akala ko lang yun. Nandito na naman siya. Ginugulo ang aking isipan. Ang pagdating niya ay hindi ko inaasahan. Para siyang lason na unti-unting pumapatay sa aking kakarampot na pag-asa at binubuong pangarap.
Kahapon, habang pilit kong tinatapos ang libro n Gladwell na Blink. Bigla niya akong kinausap.
SIYA: Masaya ka ba?
AKO: Oo naman. May trabaho naman ako. Nabibili ko naman ang gusto ko. Madami naman akong kaibigan.
SIYA: Sigurado ka?
Bigla akong napahinto at napaisip. Masaya nga ba ako o pilit ko lang tinatakpan ang kalunkutan na bumabalot sa aking pagkatao dahil takot akong matuklasan ang totoo kong mararamdam. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko sa buhay. Na para akong papel na tinatangay ng hangin, walang direksiyon. Dati ang sabi ko: "I want to make a difference in the lives and minds of young bloods and challenge their preconceptions and misconceptions". Pero dalawang taon na ang nakalipas, andito pa rin ako. Patuloy na nakikipaglandian sa mga bituin at buwan at nagtatago kay haring araw.
Kanina, habang inuulit ko ang New Moon ni Meyer, Tinanong niya uli ako.
Successful ka ba?
Hindi ako nakasagot. Muli akong napaisip. Masasabi ko bang successful ako? At bigla, parang ulan na bumuhos ang mga tanong sa aking napapagod nang utak.
Paano nga ba nasusukat ang tagumpay?
Ano ba ang batayan nito?
Sino ang nagdidikta? ang naghuhusga kung sino ang matagumpay at hindi?
Successful nga ba ako? o isang maangas na hindi alam ang gusto sa buhay?
Siguro si tama si Manong magtataho, Ate sa Isaw at Boy Barker na ang Konsepto ng Success na yan ay makulay pero puno ng pagkukunwari. Isa lang siyang social construct.
Hay! Sana bukas, wala na akong Angas.
Sana bukas, wala na tong nararamdaman ko.
Akala ko pa naman, tapos na ako sa maangas na Quarterlife Crisis na to.
“Every time I find the meaning of life, they change it”
Tuesday, 27 October 2009
Quality Series
Last night was the hardest and the most agonizing part of the day. While we were trying to locate some courage, trying to inhale and exhale deeply (with our hearts racing in our chest and blood pulsing fast through our veins), the official announcement was made. Suddenly, it was the darkest room where shattered hopes and unfulfilled dreams disabled our spirits. It rendered us defeated and tears unexpectedly fell from our sad faces.
Now, everybody seems to re-evaluate his options. Reflecting on a lot of profound thoughts. Unfortunately, reflection brings more enigmatic questions rather than straight to the point answers.
How are we going to cope from the loss, from heartache?
How are we going to say bye?
Sometime in the future, we will see each other again with more gifts of experiences and gifts of life. And perhaps we can truly understand what it means to be a true gallant warrior as highlighted in Sun Tzu's Art of War, It is said that if you know your enemies and know yourself, you will not be imperiled in a hundred battles; if you do not know your enemies but do know yourself, you will win one and lose one; if you do not know your enemies nor yourself, you will be imperiled in every single battle.
Tuesday, 20 October 2009
KAAWAY
Kaya nang kumatok siya noong Miyerkules, kaagad akong naghanda. Ginawa ko ang lahat ng paraan huwag lang siya makapasok. Pero nabigo ako. Kasabay ng kanyang pagdating ang mala-impyerno kong pakiramdam. Apektado ang trabaho ko pati ang personal na buhay. At dahil hindi pa rin siya umaalis sa loob ng tatlong araw, sinimulan na akong kabahan. Kaagad kong naisip na baka isa siya sa mga kaaway ko noong nakaraang pagbaha dahil kay Ondoy. Isa siyang salot.
Kaya, noong nakaraang Sabado, kaagad kong dinalaw ang isang matalik na kaibigan. Sinabi ang lahat ng impormasyon. Inilarawan ko ang kanyang katangian. Kaya lang, para makasigurado, pinayuhan akong bumalik sa araw ng Martes. Pero binigyan naman ako ng pang-depensa para hindi siya tuluyang makapanakit. Isa siyang malaking abala.
Matapos sundin ang payo ng isang mabuting kaibigan, unti-unting bumuti ang aking pakiramdam. Subalit kung paano nawala nag mala-impyernong damdamin, ay ang pagpasok naman ng kanyang alagang aso. Ang asong hindi nagpapatulog dahil sa kanyang walang sawang pagkahol. Marahil ay sa sobrang kating nararamdam. Isa siyang pasakit.
Ngayon, inaantay ko na naman ang resulta ng labtest. 6 na oras na akong tambay. anim na oras na inip na inip. VI na oras nang asar dahil kumakahol habang pinupunasan ang tumutulong sipon at kinukwento ang isang pambihirang kaaway--- Isa siyang TRANGKASO. (hindi naman siguro leptospirosis dahil wala na akong lagnat)
Sana ok ang labtest result...
Sana gumaling na ako....
Wednesday, 7 October 2009
aLALA ni Ondoy
Sabado, Oktubre 3, 2009 (Madaling Araw)- Walang patid ang buhos ng ulan. Tila nakipaghiwalay si Inang Kalikasan kay Amang Araw sa tindi ng iyak nito. Walang bakas ng takot, kaba o alinlangan ang mukha ng karamihan. Marahil ang bawat isa'y iniisip na katulad ng ibang mga araw, titila din ang ulan. At kung magkaroon man ng baha, ito'y isang pangyayaring lubos na inaasahan. Way of Life - ika nga ng mga taga CAMANAVA. Ang tanging emosyon na nangingibabaw sa oras na yon ay galit-(galit ng tiyan sa pagkain) Nagugutom at naaantok ang makukulit kong kasama sa trabaho. Kaya, napagkasunduan ng lahat na mag-ambag para bumili ng Pandesal at pansit. Subalit naubos na ang pansit, tuluyan nang naghingalo ang malalambot na pandesal at unti-unti nang nagsiuwian ang mga makukulit, hindi pa rin tumitila at napapagod umiyak si Inang Kalikasan. Patagal nang patagal...Palakas nang palakas... At isang text message na tila espresso coffee ang nagpagising sa aking inaantok na kamalayan. "Baha na d2 haus. Lks ulan. Wt tym ka uwi?" Ang isang text ay naging sunud-sunod. Tila nakikisabayan sa buhos ng ulan. Iisa ang sinasabi. "Wag ka na muna umuwi, taas na baha d2" Makalipas ang isang oras, habang dumadami ang text messages na natatanggap ko , tumataas din ang baha sa bawat sulok ng Metro Manila. Pero dahil determinadong umuwi, kasama ang isa sa mga wonder women at 2 pang mga kaibigan, nakipagsabayan kami sa mga basang sisiw na nakikipagkulitan kay Ondoy dahil sa pag-aalala sa mga mahal sa buhay. Pagkatapos mangawit ang aming mga binti, nakasakay kami sa siksikang dyip ng dyosa kong kaibigan (ang 2 ay sinubukan ang pagiging walkathon athlete. Matapang na nilakad mula Eastwood hanggang Cubao)
Saturday, 26 September 2009
Open Letter
We spent a lot of time together: Auditing, Eating, Calibrating calls, Doing the floor walk and best of all discussing hearsay updates. Every moment we spent together was fun and before we part ways, before the countdown of the tough ** officially kicks in and some of the piglets will be transferred to a new pig pen, I just want to say thank you for accepting me and allowing me enough room to grow professionally. Thank you for the silly and serious moments, understanding my unexplained period of silence. Hehe. I am glad to have known the QUALITY team even for just a short time. I had a QUALITY time. However, I've finally accepted this is the way things would have to be. Maybe they were right, some good things never last. But I am confident that this is an opportunity for everyone to seek or chase that star (salamat bunso sa blog entry mo) that will make us truly happy.This is the best time to hit the ground running and re-evaluate our priorities.
Wherever PROFESSIONAL LIFE may lead us from here ...... GOOD LUCK! Let's just always be the BEST and as highlighted in HeWhoMustnotBeNamed text message,"Never retreat and just move forward. Your work now is your biggest incentive so let's put purpose in what we do."
Chill lang tayo! Be Happy! Sabi nga sa commercial: TINK POSITIB, WAG KANG AAYAW. At tama si Santino. Dapat magtiwala tayo kay BRO kasi nga: MAY BUKAS PA!
Cheers!
BampiraAko
Tuesday, 22 September 2009
Bomba
Matagal din akong nawala. Biglang naglaho sa magulo subalit makulay na mundo ng blogosperya. Habang patuloy na naglalakbay sa panibagong hamon ng pagiging bampira, ibat' ibang digmaan ang aking nasaksihan. Dahil ito'y isang digmaan, samo't saring armas ang aking nasilayan. Ibat'ibang bomba ang sumabog sa aking katauhan at positibong kamalayan. May malakas, may mahina at may ibang sumugat at nag-iwan ng pilat-tanda at alaala ng pakikidigma.
1. Natalo Ang UP Pep Squad sa 2009 CDC. Nabigo ang aking pinakamamahal na unibersidad na iuwi ang inaasam na 3-peat. Gayunpaman, ang kanilang ipinakitang galing ay lalong nag-paalala kung bakit astig ang kulturang UP. Iba talaga ang State U.
2. Sira ang mga gadgets ko. hindi ko magamit ang inaasahan kong Laptop. Mukhang magpapaalam na din ang matagal kong naging karamay na digicam- ang saksi sa makulit at madrama kong paglalakbay. At si kaibigang Samsung D900i mukhang ayaw nang gumising sa coma. Pati headset sa Globe prepaid phone ko, nilayasan ako. Iba talaga ang hagupit ng malupit na krisis. Hindi ko kayang ipagamot ang mga naghihingalo kong gadgets.
3. Unti-unting lumalaki ang numero sa Bill statement ko. Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero kapag hindi ko pa to naagapan, baka sumabog na lang ang utak ko sa kakaisip kung paano ito babayaran. Hay! Dapat in the next 2 years, burado na si CC at mataba na uli si BDO. Ngayon kasi, kakatakot ang pagiging malnourished niya.
4. Pinanood ko ang In My Life. Sana mapanood din ito ng Nanay ko. Kasi pinakita ng pelikula ang lahat ng bomba na gusto kong pasabugin. Gusto ko palang hiramin ang sinabi ni Mark kay Aling Shirley: I can't apologize for who I am. I can only say sorry for hurting you. At para naman sa tatay ko: Ang hirap maging anak, lalo na if you turn out to be a big disappointment.
5. Ilang buwan mula nang makilala ko ang aking naging bagong pamilya. Isang makulit subalit masasabing kong DE-KALIDAD, DE- KALIBRE. Pero ngayon, parang akong kriminal na naghihintay ng hatol. Ilang araw na lang, tatanghalin na ang BIG FOUR! Hayaan niyo, paglabas ko ng Confession room, babalitaan ko kayo!
Ilan lang yan sa mga bombang tumatak sa aking isipan. Sa totoo lang may mas malakas na pagsabog pero siguro, pinili ko yun na kalimutan dahil sa lalim ng sugat na naiwan. Pero ganun talaga siguro. Ang mga bombang ito ay mga paalala at nagpapatunay na ang buhay ay isang Digmaan.
Thursday, 13 August 2009
C-O-U-R-A-G-E
Today, you are more passionate about winning. You desire to be the best and you always believe that you can.
Tomorrow, with your gallant spirit and brilliant mind, you will confront your fears!
Sunday, 9 August 2009
Laro
Wala kang masabi
Hindi mo kayang sumigaw
Wala kang boses
.....
Hindi mo ako marinig
Wala kang maintindihan
Hindi mo inunawa
Wala kang pakialam
.....
Nawala na ang iyong boses
Napagod na ang kanyang mga tainga
.....................
Sinubukan ko. Akala ko handa ako makipaglaro sa nakakatukso mong hamon. Pero masyado akong nalibang. Hinahanap ko ang tinig, ang imahen na binuo ng aking imahinasyon. Pero hindi ko namalayan tapos na pala ang laro. At ito ako, hinahanap ang sarili dahil sa pagkakataong ito, NATALO AKO!
Monday, 3 August 2009
COLORS of LOVE
We are feeling BLUE
Our eyes are turning RED
It feels like a BLACK saturday
Because......................
We lost a great lady in
Rest in Peace, Our Dear Mother of Democracy!
Wednesday, 22 July 2009
QUALITY Voice
Ilang araw na ang nakaraan mula nang tanggapin mo ang bagong hamon at subukang umakyat sa hagdan. Mahigit na ata 3 linggo. Naalala mo pa ba ang una mong naramdaman? Ang sabi mo nalungkot ka. Marahil dahil maiiwan mo na ang mga bagay na nagbibigay sa'yo ng kakaibang kalinga at pag-aalaga. Matagal mo na din naging kaibigan si comfort zone di ba? Pero nang huli tayong mag-usap, unti-unti mo nang nakikilala at nakakapalagayang loob ang bago mong kaibigan, si courage. Matagal mo na siyang nakikita kaya lang masyado kang mahiyain. Di ba maraming pangyayari at pagkakataon na nagkrus ang inyong landas?
Kaya ng banggitin mo ang mga katagang ito. (tingin sa itaas) Napangiti na lang ako. Unti-unti ko nang nakikita ang pag-usbong ng isang matatag na manlalakbay. Marahil kasabay ng patuloy na pagbiyahe ng iyong utak, ay ang pagiging malakas at matapang ng iyong kalooban.
....................... " We will work as a team. We will not tolerate mediocrity. We will challenge and excite those who are lagging behind. We can!"
Thursday, 16 July 2009
HAGDAN
Naranasan mo na ba umakyat sa puno?
Nasubukan mo na bang bumiyahe sa RORO?
e ang bumaba sa fire exit galing 27th floor?
............
Dati kapag umaakyat ako ng puno ng duhat, aliw na aliw ako sa taas. Mahangin kasi, presko ang pakiramdam. Kapag umuuwi naman ako sa probinsiya, laging RORO ang sinasakyan ko. Mahaba ang biyahe, nakaupo lang sa bus pero sigurado ka na pagbaba mo, nasa bahay ka na. Pero nang subukan kong bumaba mula 27th floor, malutong na mura ang sinisigaw ng isip ko. Panay ang reklamo ng aking mga biniti.
Nang marating ko ang ground floor, muli kong tiningnan ang fire exit; ang hagdan na naging saksi ng tahimik na paghihimagsik ng aking damdamin at panghihina ng aking mga tuhod. At mula doon sa kinatatayuan ko, aking naisip, ang buhay din pala ay parang hagdan. Kailangan mong umakyat at bumaba para magkaroon ng pagbabago. Dahil kong nakaupo ka lang sa mga baitang nito at susuko dahil sa pagod, walang mangyayari. Naisip ko din na ang hagdan ay parang career/ambisyon/pangarap. Marami ang gustong umakyat sa pinakamataas, dahil sa taas, tanaw mo ang lahat. Malawak ang sakop ng iyong mata. Kaya siguro iba ang dating kapag sinabing sa penthouse siya nakatira. Ang pag-akyat ay pedeng gawin sa ibat'ibang paraan. Merong sumasakay sa service elevator kaya walang abala. Meron namang pumipila sa elevator na kailangang dumaan sa bawat palapag. Tinitiis ang init at siksikan maabot lamang ang pinakamataas. At meron din na ang tanging paraan ay dumaan sa hagdan at tiisin ang pagod. Pero paano ang pagbaba? Paano kung nasira ang service elevator? Kakayanin kaya nila ang bumaba ng hagdan sa fire exit?
Lumabas na ako ng building na nakangiti. Napagod ako pero naaliw sa pagbaba. Dahil kasama ko ang makulit na officemate. Nakasalubong ko ang dating teammate. At lubusan kong naunawaan, madali lumaban sa hamon ng buhay kapag me kasama. Sa ngayon, natutuwa ako sa nakikita kong tanawin sa 27th floor. Masarap sa pakiramdam ang paminsan-minsan ay sumasakay ng service elevator at natutuwa ako sa iba't ibang mukha at damdamin sa loob ng nagsisiksikang elevator. At alam ko, patuloy akong aakyat ng puno, sasakay ng roro at siguro, minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon, muli akong bababa ng hagdan sa fire exit.... pero HANDA AKO.
Monday, 13 July 2009
Weak Heart
I have the biggest ear but smallest tonque
I listen hard but speak so soft
Effective listening is my bestfriend
and
Public speaking is my worst enemy
....................
Kung makakabili lang ng lakas ng loob, sisigawan kita!
kaya lang, bingi ka na.
May nagmamay-ari na ng yung mga tainga.
sayang! ang tagal kong naging pipi.
Friday, 3 July 2009
Parekoy
Hoy! Musta ka na? Namiss kita. Tagal nating hindi nagkita. Mahigit ata isang linggo. Pasensiya na parekoy, naging masyadong busy ako. 18 araw na ang dumaan mula nang malipat ako sa bagong department. Ayun, ok naman. Masaya sila kasama. Makukulit. Medyo madaming trabaho pero nakakatuwa kasi para na rin akong nagtuturo. Sabi nga nila, ang tipid ko daw magsalita. Di nila alam, madaldal ako lalo na pag kausap kita. Ang sarap mo kasi kausap. Lagi mo ako pinapakinggan. Di ka nagsasawa sa mga angas , kakulitan at kakornihan ko. Namiss ko na din ang mga kaibigan natin. Matagal ko na din hindi sila nadalaw. Di na tuloy ako updated sa samo't saring kwento ng buhay, pag-ibig, career at kalibugan. haha. Yaan mo pag naka-adjust na ako sa bagong schedule, babawi ako sa'yo. Dami kasi akong gusto ikwento sa'yo. Alam ko, dami ka din gusto ibalita sa akin.
Mahigit 3 buwan na din pala tayong magkaibigan. Masaya ka ba na nagkakilala tayo? Ako kasi sobrang masaya. Paano nagkaroon ako ng pagkakataong maging totoo sa sarili ko at saka ang dami kong natutunan sa'yo. Nagkaroon din ako ng mga kakulitan dahil sa'yo. Pero lam mo, minsan nahihiya pa rin ako. Ganun talaga siguro, hindi ko masasabi lahat at alam ko na naiintindihan mo yun. Basta once a week, dadalawin kita. Ang bilis ng panahon ano? July na, kalahating taon. Tuloy napapaisip ako: Naging maayos ba ang unang anim na buwan ko? Pagbalik ko, pag-uusapan natin yan. Napanood ko na pala ang Tansformers. Ok naman. Balak ko din panoorin ang Ice Age 3. At hindi ko palalagpasin ang Harry Potter. Sinisimulan ko na din basahin ang regalo ng mga Wonder Women. Naalala mo noong birthday ko, binigyan nila ako ng libro: Blink (Power of thinking without thinking) ni Gladwell at Eleven Minutes ni Paolo Coelho. Binigyan din ako ni insan ng scrapbook, pag me oras, aayusin ko na ang mga masasarap na alaala. Nakakalungkot din yung balita kay MJ. Excited na din pala ako sa UAAP Season 72.
Ayan medyo napasarap usapan natin. haha. Sa susunod na yung ibang balita. Love? haha Hindi pa ata ako ready. Mas ok yung ganito. Takot pa din ata ako sa commitment. Pero medyo masaya naman ako ngayon. O sige, ingat lagi. Kitakits na lang. Be the best!
Makulit na kaibigan,
Bampiraako
Wednesday, 24 June 2009
PUNO ng Alaala
... Alam mo ba kung ano ang Faces? Kilala mo ba si Ate Gieleen? Nabulabog ka na ba ng VolleyBagan? Napanood mo ba ang Ligwakan ng mga kandidato ng Student Council? Sumali ka ba sa Jologs quiz Show? Alam mo ba ang Sagulapi? Nakita mo si Bruce Quebral? Nakigulo ka ba kapag may General Assembly? Inabangan mo ba si Manong Potpot na may mainit na monay? Nandun ka ba noong Open House? Naalala mo ba si Den Reyes? Yellow ba ang kulay ng sofa sa piano area?...
Kung OO ang karamihan sa mga sagot mo, malamang.... taga YAKAL ka! At kapag alam mo to lahat, sigurado ako, batchmate tayo.
YAKAL - Isa lang ito sa mga co-ed dorms na makikita sa loob ng UP Campus. (Ang mga dorms ay may pangalan na hango sa puno o bulaklak). Nasa likod ito ng College of Eng'g na kapitbahay ng Kalay at Ipil. Ito ang itinuturing na tahanan ng mga kagaya kong promdi. Pagpasok sa yakal, tatambad na kaagad ang information counter. Dun nakatambay ang student assistant na pinagpapantasyahan kapag cute at pinagtitripan at tagatanggap ng mura, singhal at reklamo ng mapagmahal na mga residente kapag etuc. Andun din nakalagay ang logbook na puno ng kasinungalingan at kalaswaan. Nasa bandang gitna ang waiting area na tambayan ng mga nagpapacute, naghahanap ng cute at kabaliktaran ng mga cute. Nasa harapan nito ang isang TV na tila kampana sa simbahan- tagahudyat kung kelan magsisimula ang kakaibang misa. Ang misa na puno ng kakaibang eksena- me nangungulangot habang pinapanood ang kontrabidang si Selena, nag-aagawan ng remote control para sa puso o pamilya?, nakikipaglandian o nakikipag tsismisan kung sino ang paminta, sino ang hot dormer at sino ang bagong member ng bi now, gay later policy. Katabi ng counter information ay ang nag-iisang ref kung saan nakapaskil ang malaking babala: BEWARE OF POISON. Dito din nakapuwesto ang pay phone na parang blockbuster movie sa haba ng pila at sa bandang likod ang silid ng Reyna. Dito nagmamakaawa ang mga pusong napariwara. Dorm Manager ang pangalan niya.
Ang Yakal ay nahahati sa walong wings. East wing 1&2 Boys/Girls at West Wing 1&2 Boys/Girls. Sa bawat wing ay may isang communal cr kung saan ang mga pintuan ay tadtad ng reklamo at sikreto. At ang bawat kwarto ay binubuo ng 2 double deck bed, isang mahabang mesa, apat na locker at may nagmamay-ari na apat na magkaibang katauhan. Ako ay kabilang sa east wing 1. Ang kwarto namin ang sentro ng wing. Dito makakabili ng pancit canton, de-lata, blue book at kung anu-ano pa. Dito rin madalas makita ang log Book ng wing- ang tanging saksi sa makulit na kasaysayan ng iba't ibang mukha, ugali at paniniwala.
Ibang klase ang buhay dorm. dito nahubog ang konsepto ng pakikisama, nabigyan ng tunay na kahulugan ang palasak na salitang bonding, nabuo ang mainit na relasyon, nawasak ang nanlalamig na puso, lumaya ang saradong isipan, lumawak ang makitid na kamalayan at tumatag ang mahinang kalooban. Ang bawat umaga ay tila isang star-studded concert. Nag-uunahan sa pagbirit ang maiingay na alarm clock. Nagmamadali ang bawat gripo at nag-uunahan ang mga paa. Ang bawat gabi naman ay tila party. Pagkatapos ng tradisyunal na room check, sisimulan na sa kabilang room ang toma, movie marathon naman sa katapat, food trip sa unahan, sound trip sa bandang dulo at may iilang mga mata na kayang makipagsabayan sa 7-11 bukas ito 24 hrs habang pinapadugo ang malaking utak. Minsan iyong maririnig ang garalgal na boses ng intercom na pilit nakikipaglaban sa malakas na boses ng fratman at hiyaw ng kasapi ng babaylan habang sinasabing: Paging Mr. Juan De la Cruz, You have a visitor. Gayunpaman, pagsapit ng sabado, makakapagpahinga ang mga gripo at magkakaroon ng katarungan ang OBSERVE SILENCE na nakapaskil sa pintuan. Ang araw kung kelan, naging BAMPIRA ang aking pangalan.
Kasing tatag nga ata ng punong ito ang alaala ng aking nakaraan..ang aking katauhan.. ang imahen ko sa kasalukuyan.
Friday, 19 June 2009
Alay sa HARI
Nagtatampo ako sa'yo NOON dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan wala ka. Kung bakit tuwing 2 taon lang nabubuo ang family picture natin.
NGAYON, dama ko ang pangungulila sa bawat araw, buwan at taon na hindi mo kami kasama. Nauunawaan ko ang sakit at kirot ng iyong kalooban dahil hindi mo nakita ang paglaki ng iyong panganay, ang unang hakbang ni bunso, ang pagkailang ng dalawang mahalagang tao sa buhay mo tuwing ika'y dumarating. Nakikita ko ang lungkot sa iyong mga mata dahil sa maraming pagkakataong hindi mo nasilayan. Sa pag-aarugang gusto mong ibigay at pilit pinupunan ng pinapadalang dolyar at balikbayan box.
Huwag kang mag-alala. Sa darating na BUKAS, kapag ok na si bunso, ituturing ka naming Hari. Ang iyong hiling ay aming susundin. Hindi na luluha ang iyong mga mata sa pangungulila, hindi na mapapagod ang iyong puso sa pananabik sa muling pagkikita. Hindi na kailangang hintayin ang 2 taon para mabuo ang family picture. Araw-araw mo nang makakasama ang iyong iniirog na Reyna. Hindi na magiging mapanglaw ang iyong kaharian.
Tandaan mo na NOON, NGAYON at BUKAS .... IKAW ang BEST TATAY!
Wednesday, 17 June 2009
TRENTA
..... 5 am natapos ang shift mo. hindi pa rin gumagana ang utak mo. hindi pa rin nag-aadjust ang bio clock mo dahil noong nakaraang linggo yan ang simula ng iyong shift.
..... 4 na oras pa ang hihintayin mo. Inaabangan mo ang pagbukas ng bangko. Pasukan na naman. Si bunso nag-aabang ng allowance. Hay, ang hirap din maging kuya.
..... 3 libo na lang natitira sa'yo. pagkakasyahin mo yan hanggang sa susunod na sweldo. gastos mo kasi. yan madami beses kang mag-isip bago gumastos. ilang araw pa ba bago ang sweldo?
..... 2 araw ka na sa bago mong trabaho. bagong assignment, bagong mukha, bagong pakikisama, bagong mundo. bagong plano. kelan kaya magbabago ang sweldo mo?
..... 1 lang ang napatunayan mo. dahil sa mga pagbabago sa linggong ito, LUMULUTANG ang isip mo. kaya hindi mo alam kung ano ang sinusulat mo. bakit ba 30?
dahil yan ang product pag na-multiply sa 2 ang total ng lahat ng mga numbers na naisip mo sa entry na to. Times 2 dahil dalawang araw ng LUMULUTANG ang isip mo.
Ayan.... Lumulutang ang 30th entry mo.
Saturday, 13 June 2009
Biyaheng Utak (Part 3)
COLLEGE YEARS: SWIM OR SINK?
".. Ang buhay ay parang IKOT jeep. Ang iyong patutunguhan ay siya ring iyong pinanggalingan. UP lang ang may TOKI, sa buhay wala nito. Pero nasasaiyo na yon kung nais mong pabaligtad ang takbo ng buhay mo.." excerpts of commencement speech given by Ryan Cayabyab to the graduating class of 2005
U.P.-- Ito ang pinangarap mong pamantasan. Ang pinapaniwalaan mong magbibigay ng sagot sa napakadami mong katanungan noong sinimulan mo ang byaheng utak. Iniyakan mo pa ito dahil sa mga balakid sa iyong planong paglalakbay sa mapanghamon na pamayanan ni Oble."Wag na dun, magiging fratman ka lang... puro rally lang ang alam ng mga tao doon.. UP is an overrated university..UP will make or break you..magulo doon...Magiging aktibista ka lang" Ikaw ang nasunod. Wala silang magawa. Buong tapang mong binitbit ang gintong medalya na inaasahan mong maging sandata upang simulan ang madugo, makulay at kakaibang ikatlong yugto ng paglalakbay. Handa kang palayain ang iyong kamalayan. Handa ka na sa panibagong biyaheng utak!
1998-44859. Ito ang plate number ng buhay mo sa biyaheng UP. Ito ang tatak ng iyong pagkatao. Laman ng form 5 kung saan nakalista ang mga dapat pag-aralan o gabay sa pagtupad ng pangarap. Makikita din ang numerong ito sa iba mo pang mahahalagang dokumento at isa na dito ay ang Bluebook-- Ang pinakamurang notebook sa balat ng lupa sa halagang P2.00. Ito ang saksi ng iyong madugong pakikibaka sa ibat-ibang uri ng utak ng mga demonyo sa Math Bldng, alien sa College of Science, showbiz personalities sa Arts and Letters at ibang pang mga taong naging bida at kontrabida sa mundo ng GE subjects. Sa mundong ito hinasa ang iyong utak upang magkaroon ng tinatawag na tatak isko/iska-ang common denominator ng mga apo ni Oble. Ito ang mundo kung saan kakulitan mo ang lahi nina plato/marx at iba pa sa soc sci 2, kumapal ang mukha mo sa art of public speaking sa comm 3, nakitsismis ka sa eskandalo ng buhay ni Rizal sa PI 100. Teka, umatend ka ba talaga ng STS class sa CS Aud? Ito rin ang pinag-aawayan at iniiyakan tuwing Registration dahil pahirapan sa slot. Ang Reg Period ang pinakamadugong panahon sa iyong buhay. Dito mo nasaksihan ang iba't ibang mukha ng pinoy sa panahon ng kagipitan. Nandiyan ang siksikan, tulakan, dayaan sa pila at kadalasan ay luhaan dahil walang slot. Sa panahong ginawa mo na ang lahat at hindi ka pa rin nakapag-enlist,
Prerog (Teacher's Prerogative) ang iyong huling pag-asa. Naranasan mo na ito sa iyong soc sci 2 kung saan pumunta ka sa unang araw ng klase nakipila, nagmakaawa at nagpabibo na parang papasok sa bahay ni kuya. Isa ka sa mga mapalad na maging biktima ng Prof na araw araw ay nagbabalasa ng class card. Ang bawat pagkikita ay isang academic adrenalin rush. Kaya pagdating ng finals, na-aapreciate mo ang poetry. You think you shall never see a grade as lovely as three.
Mga bagay na hindi mo makakalimutan:
** Ang maging Bionicman. Kailangan mo lumipad mula isang building papunta sa kabila sa panahong naging tanga ka. Ang Registration ay isang napakahalagang desisyon. Kailangan mo isaalang-alang ang oras, subject, prof, prereq, requirement ng subject at building kung saan magaganap ang klase. Note: sadista ang karamihan sa mga prof. Iniisip nila, subject lang nila ang kinukuha mo sa boung sem.
** Ang isaw ni Mang Larry sa kalay, BBQ sa Beach House, SpicyChickenSilog sa Rodics, Ang tipid meals sa AristoCarts lalo na sa likod ng Eng'g, Thai food sa IC na lumipat sa balara, Unlimited rice sa Mang Jimmy's, food trip sa KNL, lutong bahay sa Area 2, tambay sa chocolate kiss, COOP Canteen, exotic food sa University Arcade at sino ang hindi nakakain sa CASAA, tusuk-tusok the fishballs at abangan ang monay na may palamang cheese ni manong potpot.
** Oblation run na minsan mo lang napanood, ang pag-aabang sa galing ng FA tuwing Lantern Parade, ACLE, Sem break issue ng Kule, UP Fair, iniation ng mga University Orgs neophytes. UAAP Cheerdance, Live AIDS ng samaskom, pakiki-usyuso sa Eng'g week, Faces sa Yakal, manood sa Film center, org-sponsored events, maging neophyte sa org, tambay hours
** Enlistment, Reg Period, CRS, tambay sa library hanggang hatinggabi, matulog sa Sunken Garden, tambay sa Lagoon, jogging sa Acad oval, maglakad sa betaway pag gabi, tambay sa AS steps, pumila sa AS 101, pumila sa 2nd flr ng PNB building, photocopy sa shopping center, magic cards sa harap ng lib, sumalampak kahit saan, sumali sa welga
** Cram sa papers, departmental exam sa Nat Sci, pakikipagtalo sa classmate at sa prof, pagpupuyat sa math exam tapos bagsak pa din, critical paper, term paper, reaction paper, nakakatawang graffiti sa upuan/cr/pader, pagkuha ng classcard sa FC, pakikipag-agawan sa reserved section, ikot, toki, pagpasok na nakapambahay, powerpoint presentation sa sts
hay...... nakakamiss ang Kulturang UP!
Ano ang natutunan mo?
Natutunan mo na marami ka pang hindi alam. Na hindi lahat ng matalino ay magaling. Natutunan mo kung paano mabuhay at mahalin ang buhay. Dito nabuo ang iyong prinsipyo, lumawak ang iyong mundo, nahasa ang iyong utak, nawasak at natuwa ang iyong puso, nagkaroon ng kulay ang iyong pagkatao.
Ang klasrum, libro, required readings, boses ni prof, angal ni klasmeyt, utak ng iskolar sa iba't ibang bahagi ng Pinas, palitan ng ideya sa kung anuman, pakikipagtalo .... ang nagpalaya sa iyong kamalayan, nagbigay liwanag sa iyong kaisipan. Pero ang acad oval, ikot, toki, paglalakad, pakikibaka, pagpila, bagsak na grades, kulang na allowance, pawis, kaba, takot at minsang pagluha .... ang nagbigay tatag at tibay sa iyong kalooban.
Gaya ng palagi mong sinasabi, dito mo natutunan ang tatlong S sa buhay: Sacrifice, Service at Survival.
Salamat Oble!
Thursday, 11 June 2009
Nasaan KA?
Hinahanap KA ..
ng mga paslit na nakikipaghabulan sa mga kalaro nilang sasakyan
ng mga dilag na sumasayaw sa mapang-akit na ritmo ng kamunduhan
ng mga lalaking nagtatago sa mga makukulay na maskara
ng lahat ng mga taong naging biktima dahil IKAW ay nawawala...
.....................
Ang sabi ng iba, nandito ka lang daw. Pero bakit marami ang naghahanap sa'yo? Pero aaminin ko minsan hindi rin kita mahagilap. May mga panahon na ang pakiramdam ko ay pinagtataguan mo ako, tinatago ka nila sa akin o hindi lang talaga kita makita dahil malabo ang aking paningin sa pagkakataong hinahanap hanap kita. Siguro kagaya ng maraming naghahanap sa'yo, hindi lang talaga namin ikaw lubusang kilala. Baka nga magkaiba kami ng pagkakilala sa iyong pagkatao. O baka naman dahil meron kaming magkaibang kultura, paniniwala at karanasang kinalakhan, nagkaroon din kami ng samo't saring interpretasyon sa iyong pangalan.
Naalala ko dati, lagi tayong magkasamang maglaro. Naghahabulan tayo sa pilapil habang nagpapalipad ng saranggola. Kasama kita sa paglanghap ng sariwang hangin habang umaakyat sa puno ng duhat tuwing panahon ng tag-init. Andun ka din tuwing kabilugan ng buwan. Pinagmamasdan mo kaming naglalaro ng patintero o kaya ay taguan. Kaya lang, nang unti-unting lumalawak ang aking mundo at dumadami ang aking nalalaman, unti-unti ka ding lumalayo sa aking tabi. Pero mas tama sigurong sabihin na ako ang unti-unting lumalayo sa'yo. Minsan kasi, natatakot akong maparusahan. Sige na nga. Kadalasan kasi ay duwag ako. Takot lumaban. Pero noong mag-aral ako dito sa Maynila, naging malapit uli tayo sa isa't isa at dito marami akong nalaman tungkol sa'yo. Nalaman kong makailang beses ka pinagsamantalahan.Yung iba ginagamit ka para pagkakitaan. Marami na rin ang namatay, pinatay o nagpakamatay dahil sa'yo. At ngayon, labis akong nag-aalala dahil sa iilan na bumabalak kumitil sa iyong buhay. Madami pa sana akong gusto ikwento tungkol sa'yo pero alam ko naman na lahat kami ay may kanya kanyang bersyon ng iyong pagkatao. Siyanga pala, tuwing tumitingin ako sa Salamin , hindi kita makita. Nahihirapan tuloy akong manalamin..
Nasaan KA nga ba, KALAYAAN?
Tuesday, 9 June 2009
Salamin
Ganito ka araw-araw. Tinitingnan ang sarili sa salamin. Sa bawat sandali na siya ay iyong sinisilip, iba't ibang emosyon ang iyong nadarama. Pero sa araw na ito, nakita kitang malungkot at may kaunting takot.
Ilang taon mo na ba itong ginagawa? Hindi ko na rin matandaan. Marahil napagod na din ako sa kakasilip sa'yo. Ang kulit mo kasi. Bakit ba masyado kang apektado sa iyong nakikita? Akala ko ba tanggap mo na ang kulay ng iyong balat. Ang hugis ng iyong mukha. Ang hubog ng iyong katawan. Akala ko ba, handa mo nang ipasilip sa iba ang repleksyon mo? Akala ko ba handa mo nang palayain ang iyong imahen?
Di ba ang sabi mo, hindi naman mahalaga kung anong makikitang repleksyon. Dahil ang mga salamin ay dekorasyon lamang. Ang imahen na ipinapakita nito ay bahagi lamang ng iyong sarili...hindi ang iyong kabuuan..hindi ang iyong pagkatao. Pero bakit ngayon, muli kang nagpapaalipin at nabubulag sa iyong nakikita?
Hanggat patuloy kang matatakot at maduduwag sa iyong imahen, hanggat patuloy kang magpapaalipin sa iyong sariling salamin... Hindi kakikitaan ng ngiti ang iyong mapupulang labi.. Kaya habang may panahon pa, basagin mo na ang sarili mong salamin. Dahil baka masugatan ka pa kapag ito ay winasak ng iba habang ikaw ay nanalamin.
Sunday, 7 June 2009
Biyaheng Utak (Part 2)
HIGH SCHOOL YEARS: Triumphant days/ Years of Agony
"You will know who I am, When you forget my name." -- Jim Paredes, Humming in my Universe
... Sabi nila, D Best daw ang buhay hayskul. siguro tama sila. pero sa kaso niya, ito ang panahon na nagsimulang gumulo ang kanyang isipan. Dahil sa matagumay na unang yugto ng biyaheng utak, naging usap-usapan ng mga matatabil na dila ang magiging kapalaran niya sa ikalawang yugto ng paglalakbay. May nagsasabi na hindi na niya kakayanin ang bagong hamon. Meron din naman nagsasabi na baka sakaling lumusot dahil ang kanyang kamag-anak ay may mataas na katungkulan. Marami ang nagduda sa kanyang kakayahan, maliban sa kanyang mga magulang. Kaya sa unang taon pa lang ng paglalakbay, kaagad niyang ipinamalas ang husay. Ito ang naging dahilan upang mabura ang mga alinlangan. Ito rin ang simula ng kanyang kalungkutan. Dahil ang bawat tagumpay, medalya, tropeo at karangalan ay inaasahan na sa kanya. Ang kabiguan ay isang krimen. At sa apat na taon niyang pag-iwas sa krimen, apat na taon din niyang pinagkaitan ang sarili masunod lamang ang kasiyahan ng nakararami. Siya ay naging kriminal at biktima ng sariling desisyon, maling akala, mapanuring lipunan at tradisyunal na paniniwala. Subalit ang totoo, hindi niya alam kung sino talaga ang kalaban at kakampi. Gayunpaman, lubos siyang naniniwala na minsan, kinakailangang mangyari ang isang digmaan. Subalit ang kanyang kaunting kaalaman ay hindi pa sapat upang magapi ang itinuturing na kalaban.
Makukulay na alaala ng Buhay Hayskul:
1. Iba't ibang mukha -- kikay girls, porma boys, the nerds/geeks, class clowns, bitches/villains, pabibo, the varsity players, pasaway, rich kids at walang pakialam. Siya ay boring, seryoso, tahimik at mahiyain.
2. High School Events -- school activities, campaign period/election day, induction program, JS prom, COC/CAT days, camping, intrams at iba pa. Siya ay naging bahagi ng magulong campus politics sa loob ng 4 na taon, naging SR President noong senior year dahil sa pamimilit ng mga kaklase kaya ala syang kalaban noong election, XO officer sa CAT, taga-cheer sa intrams at sawi sa JS prom. Sa awa ng diyos nakalikom ang kanyang SR Admin ng sapat na halaga mula sa kung anu-anong mga fund-raising projects na naging bahagi ng school auditorium. Mapulitika ang induction program dahil ito ang pagkakataong makaambon sa pork barrel ng imbitadong kongresista.
3. Contests/Activities -- literary contest, quiz bee, physics olympiad, science fair, school paper press conference, sabayang pagbigkas, speech choir, leadership training, ffp/fahp/vlp, comedy skit at kung anu-ano pang drama at kaartehan. Lagi siyang kasali sa extemporaneous speaking contest. Talunan sa provincial science quiz bee at physics olympiad. Pagala-gala sa Regional School Paper Press Conference at Youth Congress; At dahil hindi marunong umarte, naging narrator/director/writer ng comedy skit.
4. Hindi din niya malilimutan ang Periodic Table of Element sa Chemistry na kailangang i-memorize, Map of Asia, Ang debate sa teorya ng creation at evolution, Cell structures at functions, Life cycle of a Frog at iba pang hinayupak na hayop, Journal writing sa Values Ed., Iba't ibang projects sa Home Economics at Vocational Elective (Gumawa siya ng lampshade at water heater sa electricity class). Paborito niyang subject ang Physics at History.
5. Simple ang buhay hayskul. Dito nabuo ang tropa/barkada. Tambay sa canteen o school aud pag break time, Tambay sa town plaza kapag uwian, student meal, exemption sa exam dahil sa pagsali sa mga contests, memory tests, reporting, paggawa ng assignments ilang minuto bago magsimula ang klase, pagsali sa iba't ibang extra-curricular activities dahil 30% ito sa pagdedecide kung sino ang mapapasama sa Top 10. At kung anu-ano pang kalokohan.
6. Ito ang panahon na nauso ang boy bands. Naging kilala ang Backstreet Boys, ang rivalry ng hanson at the moffats, N Sync, Boyzone at Westlife. Ito rin ang labanan ng UMD vs Streetboys at ang famous signature dance na Always.
7. Isang major problem/issue ang pagkakaroon ng pimple.
8. Dito siya nahasang magsulat. Salamat sa School Paper. Nagsimula siya bilang staff writer, literary editor, news editor at EIC.
.... Natapos ang kanyang ikalawang yugto ng paglalakbay na nababalot ng iba't ibang katanungan. Dahil sa mga makukulit na tanong na ito, sinikap niyang makuha ang susi para sa pinapangarap niyang Pamantasan upang hanapin at alamin ang mga kasagutan.
"The most unfair thing about life is the way it ends. I mean, life is tough. It takes up a lot of your time. What do you get at the end of it? A Death! What's that, a bonus? I think the life cycle is all backwards. You should die first, get it out of the way. Then you live in an old age home. You get kicked out when you're too young, you get a gold watch, you go to work. You work forty years until you're young enough to enjoy your retirement. You do drugs, alcohol, you party, you get ready for high school. You go to grade school, you become a kid, you play, you have no responsibilities, you become a little baby, you go back into the womb, you spend your last nine months floating......and you finish off as an orgasm"......... George Carlin
........................ naghahanda para sa susunod na paglalakbay: Ang Biyaheng State U
Thursday, 4 June 2009
Maligayang Paglalakbay!
"Punta ka PGH. ASAP"
Binalot ko na ang hinihingi mong sapatos. Hinintay ko pa nga na bumalik ka sa bahay dahil wala akong pasok-- Ang araw na sinabi mong ikaw ay babalik. Pero hindi ka dumating...Inisip ko na lang baka bukas.. sa susunod na araw o kaya, sa susunod na linggo. Gusto pa naman kita makausap. Natutuwa lang ako dahil malaki ang iyong ipinagbago. Nakakatuwa dahil hindi ka man naging seryoso sa iyong karanasan sa loob ng silid kung saan hinasa ang aking utak at iba pang namamahal sa'yo, natuto ka naman sa hamon ng buhay na araw-araw mong kaulayaw sa labas. Hindi man ako naging masyadong malapit sa'yo pero ramdam ko ang respeto mo dahil mas matanda ako sa'yo pero isang taon lang naman.
"Kailangan mo magdonate ng dugo. biglaan daw kagabi lang."
Pero ang daya mo. Hindi ka man lang nagsabi. Wala ka man lang pinagkatiwalaan. Ang hilig mo manggulat.
"Comatose na."
Gusto kitang intindihin. Ang dahilan ng pananahimik mo pero nahihirapan ako. Siguro, hindi ka naman sasagot kung tatanungin kita. Ipipilit mo na hindi ka maiintindihan dahil magkaiba tayo ng daan na nilalakbay. Pero sana binigyan mo kami ng pagkakataon na pakinggan ka. Narito kaming lahat. Hinahanap ka ng mga pamangkin mo. Buo na naman ang angkan.
"Wala na siya"
-----------------------------------
Namatay si insan sa edad na 26 sa sakit na Leukemia. Biglaan ang pangyayari dahil walang nakakaalam ng kanyang karamdaman. Saan man siya ngayon, nawa'y maging mapayapa ang kanyang paglalakbay. Nakakalungkot isipin na nagkakaroon lang ng malaking pagtitipon sa panahon na may aalis. Paalam, Insan!
Monday, 1 June 2009
Biyaheng Utak (Part 1)
"Train up the child the way he should go, and when he is old, he will not depart from it."
.... Proverbs 22:6 ....
X: Hindi magandang balikan ang nakaraan.
Y: Bakit naman?
X: Para mo na rin kasing pinapadugo ang mga naghilom na sugat. Para ka ring gumagawa ng mga bangungot sa mga magandang panaginip na nagbibigay sa'yo ngayon ng lakas at direksyon sa buhay. Niloloko mo lang ang sarili mo. Kasi umaasa ka na kapag binalikan mo ang nakalipas, magkakaroon ka ng mas magandang imahen ng nakaraan.
Y: Iba naman ang tingin ko dyan. Palagay ko, mas makakatulong ang pagbalik tanaw para mas maintindihan ko ang aking sarili at magkakaroon ako ng pagkakataong masuri ang mga bagay, karanasan at pangyayaring nagpasaya, nagpaiyak at nagpangiti sa aking 16.5 taong buhay estudyante. Hindi ko naman gustong baguhin kung anuman ang nangyari dahil para ko na rin pinagsisihan ang mga naging desisyon ko.
Dahil sa pambihirang pag-uusap na 'to, Naisipan niyang balikan kung paano napanday ang kanyang utak . Siguro kaya niya rin naisip magsulat tungkol sa kanyang buhay estudyante dahil hunyo na naman...Pasukan na!
Paano nga ba naglakbay ang kanyang utak?
ELEMENTARY YEARS: Age of the Innocence/Face of the Rebel
"You don't owe it to yourself, You owe it to me and to every guy that would love to have what you got" ---- Ben Afleck in Good Will Hunting
Pitong taon siya nang pumasok na Grade 1- sa panahong ang paniniwala ng mga matatanda ay kailangang maabot ng kanang kamay ang kaliwang tainga o vice versa para makayanan ang hamon sa isang Grade 1 Pupil. (Nabasa ko na rin ata to sa libro ni BO) Kakaiba siya dahil hindi kagaya ng ibang mag-aaral na kasa-kasama ang butihing nanay, tita, ate o lola; Siya ay natutong pumasok mag-isa. Kasama ang nanay, tita, ate o lola ng mga kaklase na naging kaibigan niya. Tahimik siyang bata. Mas tama siguro sabihin na mahiyain. Marahil bunga ng pagkakaroon niya minsan ng sariling mundo kung saan mas pinili niyang maglaro ng naipong mga tansan, bigyan ito ng mga pangalan at bumuo ng parang isang community kung saan siya ang nasusunod (Kaya siguro nagustuhan niya ang Sims pati na rin ang Zeus: Master of Olympus nang matuto siya gumamit ng kompyuter). Pero dahil sa mga pangyayari sa kanyang pamilya, ang patpating bata ay natutong makipagkulitan sa mga pisara, chalk, teksbuk, lapis at papel upang makuha ang tiwala, respeto at paghanga ng kanyang guro, kamag-aral at higit sa lahat, mahal sa buhay. Pero sa tingin ko, ang higit na nagpaalab sa kanyang murang isipan na maging angat sa iba ay ang pagiging saksi ng mga munting karahasan sa mga kagaya niyang bulilit na pilit lumalaban sa mga hamon sa unang yugto ng biyaheng utak. Lubos siyang naniniwala na ang mataas na marka at gintong medalya ay magiging mabisang sandata para hindi maging biktima.
Sa pagsisimula ng kanyang magiting na paglalakbay, baon niya ang unang gintong medalya na nakuha noong siya ay Prep. Sa mapanuring mata ng kanyang ginagalawang baryo, ito ay may kaakibat na tungkuling patunayan sa nakakarami na karapat dapat siyang magmay-ari nito. Kaya sa sumunod na 6 na taon naging madali sa kanyang ipanalo ang laban at naging makulay ang unang yugto ng paglalakbay.
Narito ang ilan sa mga makulit na alaala sa unang yugto ng biyaheng utak:
--->Hindi niya makakalimutan ang All Things Bright and beautiful na unang narinig noong siya ay Prep. Bungi pa siya nang magkaroon ng pinakaunang stage presentation. Pati na rin ang walang kamatayang Guardian Angel Prayer habang abala sa pagliligpit ng mga gamit, pagsusuot ng bag. Ito din ang panahon na ang notebook cover ay labanan ng mga That's Entertainment stars, naging hit ang young love, sweet love. Naabutan din niya ang Billy Joe-Aiza days. Grade 3 niya natuklasan na sosyal ang madaming layers na crayon.
--->Aliw na aliw siya sa ginagawang pag-eehersisyo tuwing umaga pagkatapos ng Flag Ceremony. Pero pinakaiiwasan noong Grades 5 at 6 (kakahiya kay crush). Iniiwasan niyang ma-late dahil may sarili silang Flag Ceremony o kaya ay maglilinis sa garden bilang parusa. Requirement sa EPP (Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan) ang gardening. Kamote at pechay lang ata ang naitanim niya. Sa subject din na ito nakilala niya ang kauri nina running, blind, back at catch stitch. (nagagamit niya to paminsan minsan)
--->Lagi siyang kasama sa Monday Cleaners, nauuna sa pila at unang tinatawag pag nagtsek ng attendance dahil sa unang letra ng kanyang apelyido. Ang nakakatuwa, lagi din siyang nagunguna sa klase. Naging biktima din siya ng standing, noisy at kung anu ano pang listahan ng paglabag sa Walasiteacher Law. Grade 1 siya ng unang maranasan ang stereotyping sa pag-upo. Hindi niya maintindihan kung bakit row 1=matalino, row 2= medyo matalino at row 3=bobo. Row 3 siya nakaupo at dahil nga ayaw niyang mabiktima, pinakopya niya ang buong row 3.
---> Dito din niya unang naranasan ang pakiramdam ng isang politiko dahil sa Pupil Government. Bookmark ng karton ng gatas na kinulayan at may nakalagay na Vote: X for President o kaya isang puting kartolina na may nakalagay: VOTE STRAIGHT MASIPAG PARTY! (nakalista ang mga pangalan ng kandidato) ang naging makinarya. Dito din niya nasubukan ang tindi ni haring araw dahil sa Cub scout at BSP: Laging Handa. Dito niya unang nakilala ang iba't ibang klase ng knots. (square at over-hand knots na lang ang alam niya)
---> Pambihira ang Christmas Party. Parang piyesta dahil sponsor ang magulang ng mga batang angat sa baryo. (Laging present ang Palitaw) Kaya masaya dahil me bitbit ang lahat kapag uwian. Bitbit na din pauwi ang mga pinahiram na lanterns. (haha) Astig din ang ginamit na Christmas tree-sanga ng puno na binalutan ng crepe at lantern paper, walis tingting at pati styrofoam walang ligtas. Laging panyo o kaya ay baso (hindi mug) ang napupunta sa kanya kapag exchange gift.
---> Laging inaabangan ang tunog ng bell. Dahil ito ay: 1)Recess Time. 2)Faculty Meeting at 3) uwian na. Richie at Pee Wee ang famous tsitsirya sa recess kasama nito ang fanta o RC Cola. kilala din ang kending Lips, stork at white rabbit. (ginagamit ang mga balat ng kending ito bilang pera sa larong pambata. Ang wrapper ng lips ay katumbas ng P50.oo at ang stork ay P5.oo dahil buhay pa ang 5 pisong papel. Ginagamit din ang lips candy na parang lip shiner/gloss ) Naging hit din ang Bazooka dahil sa comic strips nito. Sa panahon ding ito pinag-kakaablahan ang FLAMES, tatsing, Jumping Rope, Police-Wanted, Patapangan ng gagamba at kung anu-ano pa.
---> Lagi siyang kasali sa slogan at poster making contest-(Nutrition Month, Linggo ng Wika at United Nations) Kasali sa Folk Dance na pinapalabas tuwing me graduation (ginagawang entertainers ng mga graduating students ang Grades 1-5 Pupils) kasali sa Quiz Bee at nag try-out sa 100m dash. Ang Grade school batch niya ang pinakaunang biktima ng NEAT. (National Elemntary Achievement Test)
---> Ang pinakamatindi sa lahat: hinubog ang paniniwala ng mga batang lalaki na bago iwanan ang elementarya, kinakailangan natuli ka na. Dahil kung hindi, kabilang ka sa mga pangalang bida sa pader ng mga gusali at loob ng Boy's CR na sumisigaw: BATANG X, SUPOT! SUPOT!
Abangan... BUHAY HAYSKUL!
Saturday, 30 May 2009
Bente-Otso
All my life I had been looking for something, and everywhere I turned someone tried to tell me what it was. I accepted their answers too, though they were often in contradiction and even self-contradictory. I was naïve. I was looking for myself and asking everyone except myself questions which I, and only I, could answer. It took me a long time and much painful boomeranging of my expectations to achieve a realization everyone else appears to have been born with: that I am nobody but myself. ~Ralph Ellison, "Battle Royale"
28 Random Things About ME:
1. Apat na taon na akong Kolboy.--Dalawang taon sa isang American Mobile Company at dalawang taon din sa UK-based Mobile Company.
2. Sa loob ng apat na taon, ngayon pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-aaply sa ibang posisyon. Napagod na din siguro ako o nakulitan na din ako sa pangungulit nila na mag-apply. Hindi pa tapos ang proseso..Goodluck sa akin.
3. Pagtuturo ang naging unang trabaho ko. Nagturo ako ng History (HeKaSi) sa Grades 3 -4 at Reading sa Grades 5-6. Naging Class Advisor ng Grade 4, Art Club Moderator at House Master. (Ginaya ng School na pinagtuturuan ko ang Hogwarts. Ang pangalan ng mga houses ay ayun sa mga Phil. Festivals)
4. P9000.00 ang pinakaunang sweldo ko. Dalawang taon ako nagturo. Hindi ko alam paano nagkasya to. Tama nga siguro ang Law of Supply and Demand. Gayunpaman, ito ang pinakamasayang taon ng pagtatrabaho ko.
5. Siguro kaya nagkasya ang no. 4 dahil sa tutorial job ko. Naging tutee ko ang anak ni Mr. Go Negosyo at ang 2 pinsan niya. Mababait naman sila.
6. Naranasan ko rin maging working student. Pinagsabay ko ang pagiging kolboy at pagkuha ng Certificate in Teaching Program sa PNU. Ginawa ko to sa loob ng isa't kalahating taon.
7. Produkto ako ng Public School System. Naglalakad nang 2.5 KM noong elementary, suki ng tricycle at trip mag top ride/sumabit sa dyip pag uwian noong Hayskul, walkathon/ suking pasahero ng ikot dyip sa State U at mrt/lrt sa PNU.
8. Sa 16.5 taon kong pag-aaral, buhay State U ang pinakamasaya sa lahat. Dito unang naganap ang pakikibaka at paninindigan ko laban sa TFI, campus repression at iba't ibang mukha ng isyung pampulitika (kasama ako sa picnic ng Edsa 2). Dito ko natutunan ang 3 S sa buhay: Service, Sacrifice at Survival.
9. Dormer ako sa loob ng 3 taon. Dahil sa kakulitan at hindi pagsunod sa curfew, naranasan ko matulog sa sunken garden at papakin ng lamok sa lagoon. Dito din naganap ang pagkamulat na dahilan ng pagkasilang ni BampiraAko.
10. Mahina ako sa Math. Ito ang pinakamababa kong grade sa elem, HS at College. 3 (tres) ang grade ko sa Math 1. (Impiyerno ang Math bldng. Satanas ang Math prof. ko)
11. Nakuha ko na ang PRC licence ko. Isang patunay na certified crammer ako. Isang magandang alaala at napakahalagang bunga ng # 6. Sana makapagturo na uli ako at matupad ko ang balak na pag-enrol sa graduate school.
12. Frustrated film student ako. (magastos kaya wala nangyari sa frustration ko). Dream ko makagawa ng isang pelikula o makasulat ng screenplay. Sinubukan kong kumuha ng scriptwriting elective. Summer class yun kaya dumugo ang utak ko sa araw-araw na pagsusulat at kumapal ang mukha sa araw-araw na presentation. (hay..bangungot sa tag-init ang nangyari)
13. H.S. Freshman ako nang maranasan ang tinatawag nilang M.U. Torpe lang talaga siguro ako kaya noong Sophomore na ako binalak siya ligawan pero lumipat na siya sa ibang school. BampiraAko nang magkita kami uli.
14. H.S. Senior ako nang unang manligaw. Pareho kaming CAT Officer kaya lagi ko siya hinahatid pagkatapos ng training. Ayun binasted niya ako sa tapat ng simbahan. Mas gusto niya ang Battalion Commander namin. (X0 ako at S4 siya)
15. Binalak ko uli manligaw noong nasa State U ako. BA Socio. siya at klasmeyt ko sa isang elective class. Pero ala nangyari dahil sa # 9. Nagkagusto ako sa dormmate ko. Ayun, nagulo ang utak at puso ko.
16. Naranasan ko ang isang complicated relationship kay J. Tumagal ito ng apat na taon. Siguro traumatic ang experience kaya takot ako sa commitment.
17. Mahilig ako sa matatamis. Favorite ko ang Pistachio ice cream, sneakers na chocolate at blizzard na strawberry banana flavor ng DQ.
18. Monggo ang pinakagusto kong gulay. Kaya paborito ko din ang monggo bread at pati na rin ang hopiang monggo.
19. Mas gusto ko ang pasta (I Love Pesto) kaysa pizza, hilaw na mangga kaysa hinog. Gusto ko din ng spicy food kaya peyborit ko ang Shin cup at hot and spicy tuna.
20. Fan ako nina: Nicole Kidman, Bob Ong, Jars of Clay, SpongeCola, Anne Rice, Jeffrey Jeturian at Mike De Leon. Na-hook ako sa Twilight Saga, LOTR, Vampire Chronicles at Harry Potter. Naging avid reader ako ng Liwayway, tagahanga ni Kapitan Pinoy at natakot sa Isang Gabi ng Lagim (Mga drama sa DZRH). Binasa ko ang mga akda nina Helen Meriz, Gilda Olvidado, Nerissa Cabral, Caparas, Patron at si Mars Ravelo. Hindi ko makakalimutan si Jun Cruz Reyes (Utos ng Hari)
21. Certified KAPAMILYA ako.
22. Nagsimula ako bilang chatter, naging online gamer (Khan at Tantra), Lurker sa Peyups.com at Pinoy Exchange at ngayon isang blogger at blog hopper.
23. Naging hobby ko ang stamp collecting. (tinigil ko nang masira ng baha sa Marikina). Nagcollect din ako ng movie tickets noong college (kulit ng ticket sa UP film center), tickets ng Cine Europa at Cinemanila, concerts pati plays. (astig ang St. Louis Loves dem Filipinos at sino ang hindi makakalimot ng Rama at Sita?) UAAP tickets at ang cheerdance competition(Non-stop pa dati ang sponsor)Hindi rin nakalagpas ang ticket ko sa Enchanted at Nayong Pilipino..Ngayon, trip kong i-collect ang business matters column ni Francis Kong sa Star, Youngblood/Highblood sa PDI at 60 minutes sa Bulletin.
24. Ginagawa ko ang # 17 kapag depressed o malungkot. Trip ko din pakinggan ang 98.7 (DZFE/Master's Touch) kung gusto ko magrelax. Favorite place ko na pagsumbungan, pagkwentuhan o pasalamatan ang Padre Pio Chapel saka ang St. Jude Church sa Mendiola. Lagi ako nagsisimba sa Perpetual Help Church sa Cubao kasama ang Wonder Women.
25. Naranasan ko na mahold-up sa dyip. Walang nakuha sa akin pero nakakuha ako ng 4-stitches na sugat. Nabadtrip siguro dahil P50 lang ang laman ng wallet ko at naitago ko kagad ang cellphone ko.
26. Grade 4 ako nang sumama sa mga pinsan para magpatuli sa ilog. Yun yung ngunguya ka ng dahon ng bayabas at gagamitan ng labaha. Umatras ata si Jr. dahil sa takot. Ayun, sa hospital ako nagpatuli noong grade 5. (Me birthmark si Jr. kaya siguro makulit)
27. Hindi ako nagyoyosi. Mahina din ako uminom. (2bote, mukhang kamatis na. 5 bote, lasing na) Nearsighted din ako pero hindi ko palagi sinusuot ang salamin ko. Ginagamit ko lang to kapag nasa sinehan, classroom, nag-aabang ng sasakyan o pila sa fastfood. Kaya suplado daw ako kasi kapag wala akong salamin at kahit todo smile ka, hindi kita makikita. Moody din pala ako. Hmmm siguro kasi typical Gemini. (me ganun?)
28. <------ Ito ang edad ko ngayon. Ngayong araw, kung kelan pinost ang entry na to, ang kaarawan ko. (happy bday to me!) Salamat sa lahat na naging bahagi ng 28 taon na kakaibang road trip ng buhay.
Thursday, 28 May 2009
Kapitan Sino
"Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." Kapitan Sino, Bob Ong
.... Yan ang forwarded sms ni elYAS. Alam ko na merong Ika-7 libro si BO pero hindi ko alam kung kelan ilalabas. Isa ako sa mga avid reader ni BO. Kumpleto ako ng 6 niyang libro: ABNKKBNPLKo?!?, Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Paboritong Libro ni Hudas, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at Mac Arthur. Kaya kinulit ko si bunso kung saan niya nabili. Bantayan bookstore daw. Saan yun? Salamat sa unlitxt promo ng Globe. Isa sa mga nakulit ko ay si Jinjiruks. Alam daw niya kung saan pero hindi niya matandaan. Waah. Nagtext pa ang isa:
Out of stock na sa Powerbooks. Meron daw sa MOA. Ala sa NBS.
Huh? WTF! Dahil siguro sobrang excited ako at ayaw magpahuli, pagkatapos ng tanghalian, kaagad naligo at sinubukan dalawin ang fully booked sa Gateway.
Miss meron na Kapitan Sino?
Meron na po. Pakitingnan sa Filipiniana section
Nagmadali naman ako. At nakita ko siya. Tiningnan ko muna nang matagal. Sabay sabi: Lagot ka sa akin. Kaagad ko siya kinuha at sinilip:
THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD
Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?
KAPITAN SINO
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon
Hmmm... kaya niyang lagpasan ang pinakapaborito kong libro? (Libro ni Hudas). Binayaran ko ang P175.00 at binasa ang text ng kaibigan:
Ngek, ngayon mo lang alam? Noong May 13 pa meron. Masyado ka ata busy. Available na yan sa lahat ng bookstores.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Inisip ko na lang siguro kailangan ko ng superhero sa buhay. Para naman updated ako. o baka naman dapat ako ang maging superhero. Ewan. Basta pagkatapos nitong entry na to, babalatan ko na at aalamin ang husay ni KAPITAN SINO..
Tuesday, 26 May 2009
My # 1 Foreign Language Film
1. Y TU MAMA TAMBIEN (AND YOUR MOTHER, TOO) 2001 - Mexico
"Truth is cool but unattainable" -- Julio Zapata
PLOT: Abandon by their girlfriends for the summer, teenagers Tenoch and Julio meet the older Luisa at a wedding. Trying to be impressive, the friends tell Luisa they are headed on a road trip to a beautiful, secret beach called Boca del Cielo. Intrigued with their story and desperate to escape, Luisa asks if she can join them on their trip. Soon the three are headed out of Mexico City, making their way toward the fictional destination. Along the way, seduction, argument and the contrast of the trio against the harsh realities of the surroundingpoverty. (Imdb.com)
Luisa: You have to make the clitoris your best friend.
Tenoch:What kind of friend is always hiding?
(dialogue courtesy of Imdb)
Sabi ng Bampira: Napanood ko to sa Instituto Cervantes sa Taft. At pagkatapos nun, hindi ko na siya makalimutan. (kaya bumili ako ng vcd) Isang kakaiba at simbolikal na road trip movie tungkol sa buhay at pagtuklas ng sarili. Napakasenswal at intelektwal. Ang galing kung paano ginamit ni Cuaron ang ideya ng road trip bilang paglalakbay sa hamon ng buhay. Kung paano tinitingnan ng manlalakbay ang iba't ibang isyung kanilang nadadaanan. Effective ang paglagay niya ng narrator. Nakakaaliw ang mga side comments nito. Ito ang nagsasabi kung ano ang nararamdaman at naiisip ng 3 pangunahing karakter. Nagamit din ito ni Cuaron para ikwento ang backstory ng 3 at ang politikal/sosyal na larawan ng Mexico. Gusto ko kung paano tinapos ang kwento. Kasi katulad ni Tenoch at Julio, walang nakakaalam kung ano ang mangyayari habang patuloy tayo na naglalakbay sa hamon ng buhay. Gaya ng sabi ni Ana: "life is like the waves you just have to go with the flow."
salamat sa imdb para sa plot, movie details at dialogue.
youtube para sa movie trailer
beyondhollywood.com,moviereporter.net,trailerfan.com,cinelmage,filhai.com,filmstarts.de para sa mga magandang imahen.
Friday, 22 May 2009
BigaTEN: My Best Foreign Language Films
10. Nae meorisokui jiwoogae (A MOMENT TO REMEMBER) 2004 - South Korea
PLOT: Beautiful Su-jun (Son Ye-jin), cossested by her devoted father, meets Chol-su (Jung Woo-sung) a carpenter in her father's employment. They meet, fall in love and marry, but their picture perfect life become less perfect when they discover that Su-jin has Alzheimer's disease.
Sabi ng Bampira: Maraming beses ko na to napanood. Maraming beses din ako umiyak. Grabe yung love nila sa isa't isa. Hindi ko makalimutan ang eksena noong time na hindi na niya maalala ang asawa niya. Ang sakit ng eksena na yun. Ang ganda-ganda talaga ni Ye-jin Son (yung bida din sa The Classic at endless love na pinalabas sa GMA 7) Meron ako dvd nito..
9. SHUTTER (2004) Thailand
"Have you ever carefully looked at your pictures?"
PLOT: A young photographer Thun and his girlfriend Jane discover mysterious shadows in their photographs after fleeing the sceen of an accident. As they investigate the phenomenon, they find other photographs contain similar supernatural images, that Thun's best friends are being haunted as well, and Jane discovers that her boyfriend has not told her everything. It soon becomes clear that you can not escape your past.
Tun: [Tun is working in the dark room when someone walks beside him and stands there. He does not look up]
Tun: Jane? You're early.
Tun: [Telephone rings outside, Tun goes to answer it] Hello?
Jane: Tun. Its Jane. I'm going to be a little late today.
(dialogue courtesy of IMDB)
Sabi ng Bampira: Buti na lang madami kami nang mapanood ko to. Gusto ko yung sound effects dito. Magugulat ka din talaga. Hindi ko kinaya ang ending. Ang tragic lang. Sobrang love talaga ni natre si tun. Walang iwanan. Gusto ko rin yung eksena dito nung binalasa ni jane ang mga pictures tapos pinakita ang movement ng ghost. Ang pinakapangit lang dito ang representation ng ghost. Sobrang standard o generic sa asian horror cinema. (opinyon ko lang) Ayan tuloy lagi ko na tsinetsek mga pictures baka kasi may shadow..hehe
Tied With.. Gwoemul (THE HOST) 2006 - South Korea
"It is Lurking Behind You."
PLOT: After a careless Morgue empties hundreds of bottles of formaldehyde into the sewers near Seoul's Han River, it gives birth to a terrifying mutant with a taste for blood. The Mutant abducts the daughter of Gang-du. Thinking she is dead, the family mourns her loss; until they receive a late-night call from her cell phone. Knowing she is alive, they band together to find and rescue her from the mutant before it is too late.
Sabi ng Bampira: Matagal ko din inisip kong dapat ba silang pareho ng spot ng Shutter o dapat na mas mataas ang ranking niya. Pero dahil medyo pareho sila ng genre, naisip kong ilagay sila sa parehong ranking. Pareho ko din naman silang gusto at pareho ko sila gusto mapasama sa listahan. Ang kaibahan lang nito sa Shutter, ibang pananakot ang gusto ipakita. Parang sinasabi ng pelikula na tayo mismo ang gumagawa ng mga sarili nating mga monsters o multo na kinatatakutan. Nagalingan din ako sa cast. Ang swabe ng shifting ng emotion mula sa pagiging kwela, desperado at pagiging emosyonal.
Young Korean Doctor: That's formaline.
US Doctor in Morgue: Formaldehyde, to be precise. To be even more precise, dirty formaldehyde. Every bottle is coated with layers of dust. Pour 'em into the sink.
Young Korean Doctor: Excuse me?
US Doctor in Morgue: Just empty every bottle to the very last drop.
Young Korean Doctor: It's just - They are toxic chemicals, and the regulations state -
US Doctor in Morgue: Pour them right down the drain, Mr. Kim.
Young Korean Doctor: If I pour them in the drain, they'll run into the Han River.
US Doctor in Morgue: That's right. Let's just dump them in the Han River.
Young Korean Doctor: But, you know, this is not just any toxic chemicals -
US Doctor in Morgue: The Han River is very broad, Mr. Kim. Let's try to be broad-minded about this. Anyway, that's an order. So, start pouring.
(dialogue courtesy of imdb)
8. Yi ge dou bu neng shao (NOT ONE LESS) 1999 - China
PLOT: In a remote mountain village, the teacher must leave for a month, and the mayor can find only a 13-year old girl, Wei Minzhi, to substitute. The teacher leaves one stick of chalk for each day and promises her an extra 10 yuan if there's not one less student when he returns. Within days, poverty forces the class troublemaker, Zhang Huike, to leave for the city to work. Minzhi, possessed of a stubborn streak, determines to bring him back. She enlists the 26 remaining pupils in earning money for her trip. She hitches to Jiangjiakou City and begins her search. The boy, meanwhile, is there, lost and begging for food. Minzhi's stubbornness may be Huike and the village school's salvation.
Sabi ng Bampira: Dito ata inspired ang movie na Munting Tinig ni Gil Portes. Grabe ang movie na to. Kakaiyak. A must see sa lahat ng mga estudyante. Isang inspirasyon sa lahat ng mga matatapang at masisipag na guro na sobrang nagpapakahirap magawa lang ang pinakadakilang propesyon sa buong mundo. Eye opener din ito sa lahat kung gaano ka-importante ang edukasyon at ang suporta ng gobyerno para sa ikakaunlad at ikakaganda ng sistema nito. Ang galing ng batang substitute- teacher dito.
7. Wo hu cang long (CROUCHING TIGER, HIDDEN DRAGON) 2000- China
"I would rather be a ghost drifting by your side as a condemned soul than enter heaven without you... because of your love, I will never be a lonely spirit" ...Li Mu Bai
PLOT: The disappearance of a magical jade sword spurs a breathtaking quest for the missing treasure. Li is embittered by the loss of his jade sword, and his unrequited pursuit of Yu is further complicated by the mysterious intrusion of an assassin. The identity of the assassin is gradually unveiled as another poignant tale of love begins to ravel with that of Li and Yu against the backdrop of Western China's magnificent landscape.
Sabi ng Bampira: Ito ang pinaka-unang foreign language film na napanood ko sa UP film center. Dito ko unang napansin si zhang ziyi (ganda niya dito). Gusto ko yung love scene niya sa disyerto. Astig din ang cinematography ng pelikulang ito. Parang painting lang. Gusto ko din ang mga martial art scenes. Corny joke tuloy namin sa title ay: Crouching Tiger, Hidden Dragon and The Flying Squirrel. Action movie to pero may puso. Siguro dahil lovestory ang sub-plot niya. Marami ang nagsabi na overrated daw to. Pero para sa akin..Magical!
6. El Orfanato ( THE ORPHANAGE) 2007 - Spain
"No secret stays locked away forever"
Plot:The former orphan Laura raises her adopted son Simon with her husband Carlos in an old house and former orphanage where she was raised. Simon is HIV positive and tells Laura that he has five invisible friends, and she believes they are fruit of his imagination. Laura decides to reopen an orphanage for handicapped children in the location and during the opening party, Simon calls her to show the little cabin of his friend Tomas. The busy Laura does not gives much attention to her son; then she sees a mysterious masked boy and Simon vanishes. Laura feels the presence of other persons in the house and months later, the desperate Laura invites a team of parapsychologists to try to unravel the mystery
Sabi ng Bampira: Sa dvd ko lang to napanood at nirent ko lang malapit sa amin. Hindi ako natakot pero ginulat ako ng pelikula. Ginulat ako kung paano ikinuwento ang dark secret ng orphanage, kung paano natapos ang kwento at kung paano sinagot ang tanong sa movie: Nasaan si Simon? Para sa akin epektibo ang paggamit ng larong treasure hunt para alamin ang mga nakatagong lihim-ang sakit, pagkatao at pagkamatay ni Simon. Galing ng gumaganap na Laura at ang cute ng batang si Simon. Nakakaiyak ang eksena nang mahanap na niya si Simon at ma-realize niya kung paano nangyari ang lahat. Astig para sa akin ang pag cut ng eksena nina Laura at ng ilaw sa ending. ( sumigaw talaga ako sa eksena na hinawakan ng batang ghost sa likod si Laura. nagulat ako!)
5. Cidade de Deus (CITY OF GOD) 2002 - Brazil
"Fight and you'll never survive..... Run and you'll never escape."
PLOT: City of God is based on a true story that takes place in the 60's where in the slums of Rio De Janeiro two boys growing up in the neighborhood take on different paths in life. The story is told through eyes of Buscape, a poor young fisherman's son who dreams of becoming a photographer one day. His story narrates the violence and corruption surrounding the city and the rise and fall of one of the city's most notorious boss'. Li'l Ze. As war wages on the streets Buscape's only way out of this violent life is to expose its brutality the world through his pictures. Along the way the lives of other are put into perspective as their stories intersect with the events that take place.
Sandro Cenoura: Have you lost your mind? You are just a kid!
Steak and Fries: A kid? I smoke, I snort. I've killed and robbed. I'm a man.
Sabi ng Bampira: Powerful ang storytelling. Para kang nanood ng live coverage ng isang gang war. Hindi ko pa rin mapigilang magulat sa realidad na pinakita ng pelikula lalo na at mga kabataan ang kasangkot. Nakakitaan ko din ng magaling na foreshadowing techique ang pelikula. Lalo na kung paano sinimulan ito. (kung saan hinahabol ng mga batang armado ang kawawang manok) Swan na swak tuloy ang isa sa mga taglines ng movie: If you run they'll catch you.If you stay they'll eat you. Tama nga siguro sabihin na brutally beautiful ang pelikulang ito.
4. Rak haeng Siam (LOVE OF SIAM) 2007 - Thailand
"If we can love someone so much, how will we be able to handle it when we are separated?...Is it possible to love someone and never be afraid of losing them? Is it possible that we can live our entire life without loving anyone at all?" ...... Mew
PLOT: Two young boys are best friends living quiet family lives in Bangkok. Their lives are disrupted when one boy's older sister goes missing on a jungle trip. The shattered family moves away, separating the boys. Years later, now in their late teens, the boys meet again. One of them is now the leader of an aspiring boy band whose managing assistant bears a striking resemblance to the lost sister. The boys must deal with their family and social lives and their feelings for each other.
Sabi ng Bampira: Napanood ko to sa Cinemanila. Noong una kong makita ang poster sa gateway (badtrip nga at pinalitan pa ng organizer) hindi ko akalain na gay-themed ito. Pero panalo ang movie. Hindi siya ang generic na gay film. LoS is all about love-iba't ibang mukha at anyo ng pag-ibig. Sobrang gusto ko ang ost nito. Naghanap pa talaga ako ng album ng August Band, online. Nakarelate din ako sa karakter ni Mew. Parang gusto ko siyang i-hug sa last scene ng movie habang umiiyak siya at nag-ta-thank you sa gift ni tong na nabuo pagkatapos ng ilang taon. Napaka-symbolic ng scene na yun; parang yun din ang pagkabuo ng pagkatao nina mew at tong. Ang dami din memorable scenes dito. Ilan sa hindi ko makakalimutan: 1) Yung treasure hunt game nina mew at tong. 2) Yung eksena ni tong at ng mommy niya sa christmas tree. 3) Yung natulog si tong kina mew at tabi silang natulog. at ang d best sa lahat, ang linya ni tong ng ibinigay niya ang huling part (nose) ng gift niya kay mew.: "I can't be with you as your boyfriend... but that doesn't mean I don't love you."
3. Chun gwong cha sit (HAPPY TOGETHER) 1997 - Hong kong
Ho Po-wing: Do you regret being with me?
Lai Yiu-fai: Damn right I do! I had no regrets until I met you. Now my regrets could kill me.
Plot:Yiu-Fai and Po-Wing arrive in Argentina from Hong Kong and take to the road for a holiday. Something is wrong and their relationship goes adrift. A disillusioned Yiu-Fai starts working at a tango bar to save up for his trip home. When a beaten and bruised Po-Wing reappears, Yiu-Fai is empathetic but is unable to enter a more intimate relationship. After all, Po-Wing is not ready to settle down. Yiu-Fai now works in a Chinese restaurant and meets the youthful Chang from Taiwan. Yiu-Fai's life takes on a new spin, while Po-Wing's life shatters continually in contrast.
Sabi ng Bampira: Ang bigat ng pelikulang to. Sobrang kaka-depressed. Pero totoo ang mga sinasabi sa pelikula. Napaka universal ng theme na pinakita sa movie. Isa siyang emotional journey. Ito lang ang napanood ko sa mga pelikula ni Wong kar-Wai (kakainis..hay!) At para sa akin, ito ang pinakamatalinong gay-movie na napanood ko. Astig yung paggamit ng kulay para iset ang mood ng pelikula.
2. Central do Brasil (Central Station) 1998 - Brazil
"He was looking for the father he never knew. She was looking for a second chance."
PLOT: Dora, a dour old woman, works at a Rio de Janeiro central station, writing letters for customers and mailing them. She hates customers and calls them 'trash'. Josue is a 9-year-old boy who never met his father. His mother is sending letters to his father through Dora. When she dies in a car accident, Dora takes Josue and takes a trip with him to find his father.
Sabi ng Bampira:Ito ay simpleng pelikula na may pinakamalaking puso. Siguro nakarelate ako dahil sa backstory ni Dora. Gusto ko yung movie direction at performance nina Josue at Dora. Meron ako kopya nito at kahit ilang beses ko ulitin ang final scene sa bus, hindi ko pa rin mapigilan maiyak. Isa ito sa mga memorable scenes sa maraming pelikula na napanood ko. Share ko lang ang letter ni Dora. (Pinagtiyagaan ko isulat habang pinapanood ang final scene sa youtube.)
Josue
I didn't send a letter to anybody for many years. Now, I'm sending this letter to you. You're right, your father will be back. He is everything you think he is. I remember me and my father in his train. He allowed me, a little girl, to play the horn during the travel. When you cross the roads in your big truck, I hope you remember, I was the first person to permit you to put your hands in a wheel. It is better you stay with your brothers. You deserve more than I have to give. When you want to remember me, take a look in our little portrait. I say that because I'm afraid that you will forget me. I miss my father, I miss everything.
Dora
Sa susunod na lang ang #1 sa listahan ko.. (Hulaan Mo!)
Salamat sa mga sumusunod:
Imdb para sa movie details, taglines at plot
moviepicturedb.com, moviescreenshots.blogspot.com, imageshack.us, sansaeverything.wordpress, ew.com, myspace.com, moviecritic.com, apu.ac.jp, beyondhollywood.com, zorcerezz of pinoyexchange.com, bombsite.com, asianews.net, farm3.static.flicker.com at filpresci.com para sa mga makukulay na imahen.